TYRON DEL VALLE'S POV
(๑˙❥˙๑)(๑˙❥˙๑)TWO YEARS AGO...
"Anak, nasa Lozé Building ka na ba?" tanong ni Mama sa kabilang linya."Opo, 'ma," sagot ko naman. "Sige na ho."
"Sige. Mag-iingat ka diyan."
"Salamat po."
Napahinga ako nang maluwag nang patayin na ni Mama ang kaniyang tawag. Akmang pipihitin ko na rin ang doorknob ng pinto ng aking bagong apartment nang may nakita akong babaeng pababa rin.
May apartment pa ba sa taas? Akala ay rooftop na 'yan?
She's wearing a black dress with a dirty white sling bag draped over her shoulder. Despite her flat shoes, she still looks tall. The braided hairstyle and pearl-like clip complement her look, along with matching earrings.
Beautiful.
Saglit pa siyang natigilan nang makita ako. Gusto kong siyang batiin pero nahihiya ako. Marahan lang niya akong nilagpasan at tumakbo na pababa. Mukhang dumaan din siya sa coffee house.
Tuluyan na akong pumasok sa loob. Kaagad akong nag-ayos ng aking mga gamit at tinawagan ang girlfriend kong si Allison.
"Sabay ba tayong mag-dinner mamaya?" usisa ko pa.
"No. Busy ako sa work. Kailangan kong mag-over time."
"Na naman?"
"Na naman? C'mon, Tyron! Huwag mo akong simulan, ha?" asik naman nito.
Napasimangot na lang ako at hindi na pinalaki pa ang isyu. Mayamaya pa ay natapos din ang usapan namin.
Siyam na taon na rin kaming magkasintahan at simula noong nakunan siya ay ramdam kong may pagbabago na sa relasyon namin. Pakiramdam ko rin ay may nagbago na sa aking nararamdaman para sa kaniya.
Pero kahit gano'n ay ayaw kong bumitiw. Ayaw kong sayangin ang ilang taong pinagsamahan namin. Mahal ko si Allison.
Yeah, right. I still love her.
Nang hapon na ay lumabas muna ako ng unit ko para magpahangin. Nakita ko na naman ang babaeng galing sa taas kanina. Mukhang kakarating lang din nito. Nasa harap ito ng coffee house ngayon ni Miss Rona na anak ng may-ari ng building na ito.
"Naku, Lavinia! Nagsasayang ka lang ng oras para sa walang kwentang bagay. Kung nakipag-date ka pa doon sa inireto ko sa 'yo ay natuwa pa ako."
She's single? Sa ganda niyang 'yan?
Bago pa nila ako nakita ay bumalik na lang ako sa loob. Baka mamaya ay isipin pa nilang nakikinig ako sa usapan nilang dalawa. Mukhang magkaibigan din sila.
Lavinia? Iyon pala ang pangalan niya. Ang ganda, bagay sa kaniya.
___________________
ONE YEAR AGO...
"Hindi ka na naman makakasama sa family dinner namin? Bakit?" asik ko na talaga kay Allison. Kasalukuyan kaming nasa parking lot ng Lozé Building.
Kanina ay sigurado naman siya pero noong may tumawag lang sa kaniya na hindi ko alam kung sino ay hindi na siya pupunta.
"Kailangan mo pa ba talagang malaman ang bawat kilos mo, Tyron?"
"Oo dahil boyfriend mo ako..."
"Boyfriend, ha? Bakit hindi ko ramdam?" sarkastikong asik niya rin.
BINABASA MO ANG
Late-night Talks
Romance🌠Slow burn romance 🌠 New Adult 🌠 Slice of life Lavinia Collins fears falling in love again after her first love betrayed her a decade ago, sheltering her heart behind thick walls she constructed over the years. Meanwhile, Tyron Del Valle grapples...