Isang oras na rin simula nang mag-walk out ako sa unit ni Tyron. Nasa sala lang din ako ngayon at nanunuod ng isang romance-comedy film.
Nasa kalagitnaan na rin ako nang may mag-doorbell. Dala ang remote control ay binuksan ko ang pinto. Mukha ng lalaking iniwan ko na lang nang basta kanina ang bumungad.
Nagkatitigan pa kami at halatang parehong nakikiramdam sa isa't-isa.
"Sorry," mahinang sabi niya. "Hindi ko na uulitin," dagdag niya.
Walang salitang niyakap ko naman siya at hinaplos-haplos ang likuran. Hindi naman din ako mahirap suyuin. Marupok din ako at na miss kung maging ganito.
"Sorry din kung bigla na lang akong nagalit kanina."
"Naiintindihan naman kita."
Kumalas naman ako mula sa pagkakayakap sa kaniya. "Bakit ngayon ka lang?"
"Ayaw ko lang na kulitin ka. Pinalipas ko muna ang inis mo sa akin para hindi ka mas mainis pa sa akin."
Natawa naman ako at marahan siyang hinila papasok. "Nanunuod lang naman ako," sabi ko pa at naupo na sa couch. May kahabaan din naman ito, sakto kaming dalawa.
Tinapos ko lang ang aking pinapanuod at tumayo na rin para pumunta ng kusina para magluto ng tanghalian.
"May gagawin ka?"
"Magluluto lang ako. 10:50 a.m na rin pala."
"Sama ka sa akin," aniya pa. Hindi iyon patanong.
"Saan naman?"
"Sa bahay. Doon na tayo magtanghalian. Diretso na rin tayo sa simbahan mamaya."
"Sa bahay? As in ng parents mo?" pangugumpirma ko naman.
"Yeah..."
"Hoy, nakakahiya," kaagad kong sabi. Ramdam na ramdam ko na naman ang mabilis at malakas na tibok ng aking puso.
"Bakit ka naman mahihiya?"
"Nandoon mga magulang saka kapatid mo, eh."
"And? Wala ka namang dapat ikahiya. Girlfriend kita at proud ako sa 'yo," paninigurado niya pa. Tumayo pa siya at hinaplos ang mukha ko. "Hintayin kita sa baba, hmmm?"
Hinalikan niya pa ako sa noo bago lumabas ng unit ko. Naiwan akong nakatayo habang nilalabanan ang panghihina sa aking sistema.
Napalunok na lang ako at pumasok na ng kuwarto ko. Naghanap muna ako ng presentableng damit bago naligo. Pagkatapos ay tinuyo ko rin ang aking buhok. Araw-araw na akong may kolorete sa mukha kaya naman powder at lip tint lang ang ginamit ko.
Lumabas na ako ng unit ko at bumaba. Naabutan ko siya sa harap ng kaniyang unit. Napangiti pa siya nang makita ako.
"Ang ganda mo talaga."
"Alam ko," pabiro ko pang tugon. "Tara?"
"Let's go..."
"Teka, naiwan ko yata ang cellphone ko," sabi ko nang makita ang bitbit niyang cellphone.
"Saan mo ba nilagay? Ako na kukuha."
"Hindi ko rin maalala, eh. Ako na lang."
Nagmadali akong bumalik sa taas. Kaagad kong hinahanap ang pakay ko pero hindi ko makita. Lumabas muna ako at tinawag siya.
"Tawagan mo ang phone ko," pasigaw na utos ko.
"Okay!" tugon niya rin.
Bumalik na ulit ako sa loob. Napangiwi na lang ako nang marinig ang ring mula sa loob ng sling bag ko mismo.
BINABASA MO ANG
Late-night Talks
Romance🌠Slow burn romance 🌠 New Adult 🌠 Slice of life Lavinia Collins fears falling in love again after her first love betrayed her a decade ago, sheltering her heart behind thick walls she constructed over the years. Meanwhile, Tyron Del Valle grapples...