"Hi, Ma'am Lavinia. You're so beautiful."
Nag-angat naman ako ng tingin. Ang pagod kong sistema ay para bang biglang gumaan nang makita si Tyron na nakangiting nakatayo sa pinto ng office ko.
Kaagad na napadako ang aking tingin sa kaniyang bitbit na mga food bag. Saka ko pa lang din napagtanto na tanghali na pala.
"Oh, sorry," kaagad na paumahin ko. "Hindi ko na namalayan ang oras."
"It's fine," aniya pa at tuluyang pumasok. Inayos niya rin ang isa pang mesa at inilatag na ang mga pagkaing kaniyang dala. "Kain muna tayo."
Tumayo naman na ako at lumapit sa kaniya. Mula sa likuran ay niyakap ko siya. "Thank you," mahina kong sabi.
"Thank you as well, baby," tugon niya naman.
Araw-araw ay pareho kaming nagpapasalamat sa isa't-isa at kung anuman ang dahilan namin ay ang aming mga puso lang din ang may alam.
"Let's eat," aniya at iginiya na ako paupo.
Sabay na kaming nananghalian. Kung minsan ay ako ang pumupunta sa kaniyang office lalo na kapag alam kong busy talaga siya.
"Happy 7th monthsary," sabi niya nang tapos na kaming kumain.
Saglit naman akong natigilan at kaagad na napatingin sa calendar na nasa mesa ko.
"Oh, shit," naiusal ko na lang. "Sabi na nga ba at may nakakalimutan na naman ako."
Bahagya naman siyang napabusangot. "Kinakalimutan mo na ako, Lavinia Collins?"
"Ang petsa at araw ay oo pero ang isang Tyron Del Valle ay hinding-hindi," tugon ko naman para lambingin siya. Agad niya akong kinabig ay niyakap.
"Saan tayo mamaya? Gusto mo bang mag-hotel tayo? How about Dou Hotel? Hindi ba at sinabi mong mostly ay couple ang nagche-check in diyan? Want to try, baby?"
Hinampas ko naman siya sa kamay. "Kugtong ka, Tyron."
Sabay pa kaming natawa. Sinungaling ako kung sasabihin kung wala pang nangyari sa amin. Siyempre, mayroon na at hindi naman na kami mga bata para maging illegal na gawain iyon para sa amin.
"Gusto ko lang tumambay ng rooftop mamaya. Ayain mo sina Mermaid at yayain ko rin sina Rona. Mag-bonding na lang tayo later," suhestiyon ko pa.
Kumalas naman siya mula sa pagkakayakap sa akin at ngumiti. "Sige. Gusto ko ring makasama ang mga kaibigan natin."
Sa loob ng pitong buwan na pagiging magkasintahan namin ay mas lalo akong napalapit sa triplets. Kung minsan ay sa unit ko ang diretso ng tatlo at hindi sa kaniya. Natatawa na lang ako kapag nagrereklamo siya sa tatlo dahil para daw ako na ang kaibigan nila at hindi na siya.
Pinagbantaan pa siya nila Watter na kapag naghiwalay kami ay sa akin sila kakampi. Sina Rona naman ay sa kaniya rin papanig.
Nagkapalit na nga kami ng circle of friends kaya hinding-hindi kami puwedeng maghiwalay. Wala rin namang rason para maghiwalay kami. Our relationship is currently in the green zone, indicating its healthiness.
Mayamaya pa ay nagpaalam na rin siya na babalik na ng kaniyang office. Tatlong buwan na lang ay launching na rin ng mobile game kung saan isa ako sa naging character references kaya mas double ang pagka-busy niya.
Gayunpaman ay may oras pa rin siya sa akin. Hindi kami natutulog na hindi nakikita at nakakausap ang isa't-isa kahit gaano pa kami kapagod o ka-busy.
Ako naman ay ipinagpatuloy ko na lang din ang aking trabaho. Marami pa akong dapat na tapusing report.
BINABASA MO ANG
Late-night Talks
Romance🌠Slow burn romance 🌠 New Adult 🌠 Slice of life Lavinia Collins fears falling in love again after her first love betrayed her a decade ago, sheltering her heart behind thick walls she constructed over the years. Meanwhile, Tyron Del Valle grapples...