"Are you okay?" Sa wakas ay naitanong ko sa kaniya.Marahan niya naman akong tinapunan ng tingin. Hindi ko nakita pa nang malinaw ang kaniyang mukha dahil sakto namang may dumaang ulap sa tapat ng buwan.
"W-Why?" alanganing tanong niya naman.
"Napansin ko lang na ang lalim ng iniisip mo diyan."
"Pagod lang ako," palusot niya pa sa mahinang boses.
Pagod sa lahat ng bagay? Alam ko ang ganiyang pakiramdam.
"Nakakapagod naman talagang mabuhay sa mundong ito. Pero cheer up, Tyron Del Valle!" malakas kong sabi sabay tayo. "Last day of the month na tomorrow, 'di ba?"
"And?" usisa niya rin sabay tayo.
"Ano pa ba? Sahuran na!"
Narinig ko ang mahina niyang tawa. Alam kong pilit lang iyon o kung natural man ay kulang pa rin talaga.
Malamang, Lavinia. Eh, noong ikaw nga ang nasa ganitong sitwasyon ay wala ka ring tinatanggap na kahit anong joke. Nanapak, nanampal at nanambunot ka pa ng mga inosente.
"Tara na nga. Treat kita kasi sahod ko na bukas. Sino ka ba naman para tanggihan ako?" sabi ko pa at naglakad na pababa. Ramdam ko namang nakasunod siya sa sa akin.
Nang tiningnan ko ang oras sa cellphone ko ay 9:26 p.m pa lang naman. Sinabihan ko siyang hintayin na lang ako sa labas ng coffee house dahil may kailangan lang akong kunin sa loob.
"Hey, Rona," pabulong kong tawag sa babaita na patawa-tawa pang nakatitig sa kaniyang cellphone.
"Ano?" asik nito.
"Sa una lang 'yan masaya," pangbubwisit ko pa.
Inirapan naman ako nito. "Pakialamera. Wala kang pasok? Himalang nandito ka."
"Pahiram ng sasakyan mo."
"Bakit?"
"Pupunta ako ng Set-Go-House."
Napataas-kilay naman ito at napaayos ng upo. Nagdududa ang tingin na ibinigay nito sa akin.
"Bakit? Broken-hearted ka na naman? Galit ka na naman sa mundo?"
"Hindi ako," kaswal kong sabi sabay lahad ng palad ko para ibigay na nito ang hinihiram ko.
Alam kong palaging nasa bulsa lang nito ang susi ng kaniyang sasakyan para hindi manakaw ng kaniyang mga kapatid. Kapag ikaw ang panganay ay kailangang alam mo kung paano huwag maisahan ng mga nakababatang kapatid mo. Isa ito sa tusong panganay na nakilala ko. Hindi umuubra si Diego at Jona.
"Sino?"
"Si Tyron." Sinabi ko iyon sa walang boses na lumalabas sa aking bibig.
"Eh? Bakit? Nalaman niya na ba ang tungkol sa girlfriend niya?" pabulong pa nitong tanong. Halatang chismosa.
Sunod-sunod na tango ang aking itinugon. Napabuntonghininga ito at kaagad na iniabot sa akin ang usisa.
"Thank you!"
"Lavinia," tawag pa nito nang papaalis na ako.
"Iingatan ko ang sasakyan mo. Don't worry, my pretty best friend," panglalambing ko pa rito.
"Aside from that... heal yourself too."
Saglit akong natigilan. Nang maintindihan ko ang sinabi nito ay ngumiti ako sabay tango.
"I am doing that, Rona. Magiging okay din ako," sabi ko pa sa siguradong tono.
Weird man pero ngayon na nalaman at nasaksihan ko ang tungkol sa pinagdadaanan ni Tyron na kaparehong-kapareho sa pinagdaanan ko noon ay para bang nakahinga ako nang maluwag.
BINABASA MO ANG
Late-night Talks
Storie d'amore🌠Slow burn romance 🌠 New Adult 🌠 Slice of life Lavinia Collins fears falling in love again after her first love betrayed her a decade ago, sheltering her heart behind thick walls she constructed over the years. Meanwhile, Tyron Del Valle grapples...