"Lavinia," rinig kong tawag ni Mama mula sa labas ng aking kuwarto.
"Ma?" patanong ko namang sagot. Halos kalahating oras din itong nawalan ng malay. Kinailangan ko pang tawagan si Daniel para tulungan ako.
"May bisita ka, 'nak."
Hindi ako nagpatinag. Alam ko na kaagad kung sino kahit hindi ko pa man nakikita ang tinutukoy ng ina ko.
"Pakisabi hong uuwi naman ako ng Lozé Building. Doon na lang kami mag-usap."
"Kausapin mo na ako. Maawa ka naman sa akin, Lavinia." Kasabay ng boses na iyon ay ang pagbukas ng pinto.
Napalunok ako at napabalikwas ng bangon. Pumasok nga si Mama at Tyron. Nagtama pa ang tingin namin ni Mama .
"Sabihin mo na. Ang sabi mo ay ayaw mong mag-aksaya ng panahon, 'di ba?" mahina nitong sabi at halatang pigil-iyak na naman.
"Yeah," mahina kong tugon. "Iwan mo muna kami, Ma. Salamat," dagdag ko. Tumango naman ito at lumabas na.
Isang nakakabinging katahimikan ang namayani sa aming pagitan. Hindi ko pa rin kayang sabihin sa kaniya ang tungkol sa sakit ko.
"Lavinia..."
"Magdadalawang taon pa lang simula nang mag-usap tayo sa rooftop, 'di ba?" panimula ko pa at sinalubong ang kaniyang tingin.
"Yeah, that's right," tugon niya naman sabay lunok. Bakas sa kaniyang mga mata ang pagkabahala.
"Bakit ka pa tumambay sa taas? Bakit pa tayo nag-usap at bakit mo pa ako niyayang maglakadlakad sa park? Bakit ka pa nakipag-usap sa akin gabi-gabi? Bakit pa kita nagustuhan kahit na may girlfriend ka nang mga oras na iyon at nanliligaw din sa akin ang pinsan mo? Bakit..." Hindi ko na naituloy pa ang aking sasabihin dahil nagsilaglagan na naman ang aking mga luha.
"Hindi kita maintindihan. Puwede bang sabihin mo na lang sa akin ang nangyayari, ha? Lavinia, why are you doing this to me? Akala ko ay iba ka kay Allison pero bakit sinasaktan mo ako ng ganito?!"
"The door is open, Tyron..."
"I just need you to spill the reason why you're acting like this because I don't understand you and this situation anymore."
"Yeah. Wala kaming pagkakaiba ni Allison. She cheated on you and here I am, having a hard time accepting the fact that anytime soon, I'll just disappear from this world."
Sa bandang huli ay sasaktan at iiwan din kita.
"Why? You have to tell me, Lavinia, because right now I have only one answer on my mind and I don't like it. I've been so busy these past days, and I've been lost in your words and actions since last night."
"What's on your mind, Tyron? Just spell it out and let me confirm it. I... I don't even know how to tell you this, baby," I said softly.
His angry expression suddenly turned calm. I know that he's trying his best to stay strong because I am showing my weak side now.
"D-Do you have a terminal disease or s-something, baby?"
Bigla na lang akong napahagulgol nang malakas habang siya ay parang naging tuod sa kaniyang kinatatayuan. Sobrang bigat ng dibdib ko na para bang ngayon pa lang ay gusto ko na lang maglaho na parang bula.
"Y-Yes, Tyron."
Nanatili siyang tahimik habang nakatitig sa akin. Walang emosyon ang kaniyang mukha. Ni hindi ko alam kung ano ang kaniyang nararamdaman ngayon.
"I have a tumor in my cerebrum, and it's deemed incurable, despite the doctor suggesting a possibility of survival. The survival rate is 2%. Do you think I can survive with the surgery or whatever procedures they suggest? Of course, not. My grandmother died from the same tumor I have now."
BINABASA MO ANG
Late-night Talks
Romance🌠Slow burn romance 🌠 New Adult 🌠 Slice of life Lavinia Collins fears falling in love again after her first love betrayed her a decade ago, sheltering her heart behind thick walls she constructed over the years. Meanwhile, Tyron Del Valle grapples...