"Parang pagod na pagod ka naman diyan," puna sa akin ni Rona.
Nasa coffee house ako ngayon. May pasok ako pero dahil break time naman namin ay sumaglit muna ako rito. Nababagot na ako sa Dou Hotel Cafe.
"Hindi lang parang. Pagod talaga ako," mahina kong sabi.
Halos isang linggo na kaming abala dahil sa renovation ng ibang room ng hotel. Tumatanggap din kami ng limitadong guests.
"Halata nga, eh. Ilang araw na nga kitang halos hindi makita sa building na ito. Kaunti na lang ay ire-report na ulit kitang missing, 'day. Mabuti at nagpakita ka ngayon rito."
Natawa naman ako. Napaka-exaggerated talaga ng babaeng ito. Naalala ko tuloy noong high school kami na ini-report akong missing na bruhang ito porke't hindi lang ako nakauwi ng tamang oras dahil sa may practise kami noon. Hindi man halata pero member ako ng Student Performing Club sa school namin.
Sobrang gulat ko nang may sumundo ng dalawang pulis sa akin. Nagpa-panic na diumano ang kaibigan ko. Kamuntik pa kaming magkasambunutan nang dumating ako sa apartment namin dahil hiyang-hiya ako sa mga pulis at kasamahan ko sa SPC.
"Tyron, please!"
Pareho kaming napatingin sa pinto nang marinig namin ang boses ng babaeng pare-pareho naming ayaw na makita sa building na ito.
Pumasok sina Allison at Tyron. Halata sa mukha ng lalaki na walang balak na makipag-usap sa babae.
"Anong K-drama ito?" pabulong pa na tanong sa akin ni Rona.
Umismid naman ako at umirap. Pagdating sa dalawang ito ay lumabas talaga ang pagkamaldita ko. Ewan. Naiinis ako tuwing nakikita ko silang magkasama kahit na halatang si Allison na lang ang humahabol kay Tyron.
"Leave me alone, Allison," rinig naming sabi ni Tyron.
Sinipa pa ako ni Rona. Parehong nasa ilalim ng mesa ang mga paa namin kaya hindi ako makapalag. Napapitlag na lang ako sa gulat.
"Ano?" Sinabi ko iyon ng walang boses na lumabas sa bibig ko.
"Naghahabol ang cheater," pabulong na naman ng asik ng babaita.
"Sinabi mo pa, deserve niya ang treatment ni Tyron sa kaniya ngayon," sang-ayon ko naman habang nasa dalawa ang aking tingin.
Talagang dito pa sila sa coffee house um-eksena, ha? Anong trip nila sa buhay?
"Wala ba talagang hiya ang babaeng 'yan?"
Obvious namang wala.
"Mukha bang mayroon?" tugon ko naman. "Bakit kasi hindi mo i-ban ang babaeng 'yan dito?"
"Ban for being a cheater? Nice idea. Magpapaskil ako bukas diyan sa labas."
"Tsk! Huwag ka ng magpaskil dahil hindi naman marunong magbasa 'yan. Tingnan mo nga at hindi niya pa rin nababasa ang mood ng lugar na 'to ngayon dahil sa kaniya. Tanga na nga, manhid pa."
Natawa naman ito dahil sa sinabi ko. "Kaya ayaw kitang maging kaaway, eh. Bunganga mo pa lang ay durog na durog na ang isang tao. Tahimik ka lang tao pero wagas kung manglait. Lait with katotohanan pa, ha? Ang sakit."
Nagtama ang paningin namin ni Tyron. Napailang na lang ako at ibinalik ang aking atensiyon sa milk tea ko. Pinanatili kong nakayuko ang aking ulo dahil nasa straw ang aking bibig. Pero kahit gano'n ay naririnig ko naman ang lahat ng ingay sa paligid.
Kawawa ka naman, Tyron. Nagkaroon din naman ako ng ex-boyfriend at hinabol din ako pero hindi naging kasing desperada ni Allison. Ang kapal ng mukha.
BINABASA MO ANG
Late-night Talks
Romansa🌠Slow burn romance 🌠 New Adult 🌠 Slice of life Lavinia Collins fears falling in love again after her first love betrayed her a decade ago, sheltering her heart behind thick walls she constructed over the years. Meanwhile, Tyron Del Valle grapples...