CHAPTER 6- SUNSET

389 82 4
                                    

Someone died in Room 040 around 4:00 a.m. today. The police officers said that it was not a simple suicide but a murder. The victim was known as a valuable prosecutor, and whatever the reason for the said crime that occurred here at Dou Hotel is not yet revealed.

Pasado 3:00 p.m na pero hindi pa rin ako mapanatag. Pakiramdam ko ay nasa loob lang din ng lugar na ito ang killer kahit napapaligiran pa rin naman ng pulisya ang hotel.

Ang lahat ay nakaalerto pa rin. The whole fifth floor is now a restricted area.  Nasa last floor nangyari ang krimen.

Tuloy pa rin ang imbestigasyon nila at bilang manager dito ay hindi rin maiwasan na hindi nila ako kausapin at matanong tungkol sa personal na impormasyon ng biktima. Naging maayos naman ang pag-uusap namin kanina.

"Pakiramdam ko ay may lihim na mga matang nakatingin sa atin dito," himutok ni Angel.

Napasinghap naman ako.  "Gano'n din ang pakiramdam ko pero hindi puwedeng maging praning tayo dahil sa nangyari. May responsibilidad pa rin tayo na dapat gawin."

"Believe rin ako sa fighting spirit mo, Ma'am Lavinia."

Pilit naman ako ngumiti pero na loob-loob ay gusto ko na talagang umuwi. Tao lang din ako at nakakaramdam ng takot. Takot nga ako sa multo na invisible pa, ito pa kayang totoong may patayan na naganap? Sabi nga nila, mas matakot tayo sa buhay, hindi sa patay. Paniguradong buhay na buhay pa ngayon ang killer.

Bakit kaya may mga taong naaatim na kumitil ng buhay nang may buhay? Nakakatulog pa kaya sila ng maayos matapos silang pumatay? Hindi ba sila nilalamon ng konsensiya nila? May  konsensiya  nga ba sila?

Malamang ay wala na, Lavinia. Hindi gawain ng taong may takot sa Kanya ang pumatay ng kapwa. Isa iyon sa kasalanan na hinding-hindi dapat gawin ninuman.

Imbes na mag-isip ay bumalik na lang ako sa opisina ko at sinimulan ang mga dapat ko pang tapusin na trabaho. Last day of the month na tomorrow kaya tambak na naman ang mga paperwork ko. Iuuwi ko na lang ang iba at doon na lang tapusin. Magpupuyat na naman ako.

Eksaktong  4:30 p.m ay nag-out na ako. Nag-over time naman kasi ako kagabi kaya okay lang na mas maaga ako ngayong umuwi. Gusto ko ng magkaroon ng peace of mind na hindi ko natanggap mula nang pumasok ako sa hotel kaninang umaga.

Nakahinga lang ako nang maluwag nang nasa labas na talaga ako ng hotel at hinihintay na lang sa isang bench ang kapatid kong magsusundo sa akin.

"Lavinia."

Nag-angat naman agad ako ng tingin. Bahagya pa akong nagulat nang makilalang si Tyron pala ang tumawag sa akin. Ang inaasahan ko lang naman na maaari kong makabangga rito ay si Veil.

Napatayo naman ako. "Tyron, napadpad ka yata rito?"

"I just heard the news about the murder case from my colleagues. I received it too late, though, since I was quite busy. How are you?"

"Ah, I'm fine. Saka nasa labas na rin naman ako, magkakaroon na rin ako ng peace of mind."

Narinig ko ang buntong-hininga nito bagay na ikinatitig ko rito. "You're working so hard today. Uhm, want to go with me?"

Hindi ko naman mapigilang mapakunot-noo. "Where to?"

"May alam akong lugar na puwede tayong makapag-unwind. Kung ayaw mo ay ayos lang."

Nangonsensiya pa ang kugtong na 'to!

Napatingin ako sa cellphone ko para suriin ang oras.

"Game. I badly need to gain energy and release my stress at the same time."

Nagkangitian kami at iginiya niya na ako papunta sa kaniyang sasakyan. Nailang pa muna akong pumasok sa hindi ko alam na dahilan.

Late-night TalksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon