Chapter 39: COURT

29 2 1
                                    

Pagkatapos ng klase ay sabay sabay na kaming anim na pumunta sa cafeteria. Tahimik kaming kumakain nang dumaan ang grupo nila Gwen. 

"Ginugulo ka pa din ba ni Gwen?" Napansin ata ni William kung paano ako titigan ni Gwen. "Uhhm hi-hindi naman." Mahina kong sagot sa kanya.

"What do you mean, no? Kanina lang kung di ako dumating agad baka wala ka dito ngayon." Inirapan ko si Lucas nang sinabi niya iyon.

"Really? Ba't di mo sinabi kanina?" Worried na tanong ni Drake sa akin. 

"Why? What will you do? Kaya nga siya ginugulo dahil sayo." Cold na sabi ni Lucas.

"Teka, is it still because of what happened with Vanessa?" Inosenteng tanong sa amin ni Aurora.

"No." Nakatitig silang lahat sakin. Woah! Hot seat ba to?

"Then why?" Tanong ni August.

"She said, Drake broke up with her because of me."

"You broke up with Gwen?" Gulat na tanong ni William.

"What? No! Wala namang kami eh. I made it clear to her sa simula pa lang. I was just being friendly." Pagdadahilan ni Drake.

"But she assumed something's going on between you two. You even kissed last Christmas." Sabi ni Lucas.

"I didn't. It was her. Nagulat din ako noong ginawa niya 'yon!"

"Whatever problem you both have, leave Kennedy alone."

Napalingon ako kay Lucas nang sinabi niya iyon. Oh my! Si koyahh galit na. 

"I'm not dragging her into my problem." Inis na singhal ni Drake sa kaibigan.

"Really? Then why did you dumped Gwen just after Kennedy told you she likes you? Natural lang na isipin ni Gwen na it's because of Kennedy!" 

Tumayo na si Lucas this time.

"It has nothing to do with you! Bakit ka ba nakikialam?" Tumayo na din si Drake.
"Because you're hurting her! Not just once Drake! You don't know what happened to her! Tapos ngayon sasabihin mong gusto mo din siya dahil sinabi niyang may gusto siya sayo?! Dude be a man!"
"This would not happen kung wala kang sinabi kay Vanessa!" Sigaw ni Drake.

Napansin kong napakuyom na ng kamao si Lucas. Ngayon ko lang din nakitang ganito kagalit si Drake. Lagi siyang kalmado eh.

"Guys chill. Mag-usap lang tayo ng mahinahon." Pinipigilan na ni William si Lucas. Mukhang susunggaban na niya si Drake eh.

"Please. Stop this already." Mahina kong pagmamakaawa sa kanila. They both looked down at me.
"Kennedy..."

"Psh. I've had enough with this."

Naglakad na palayo si Lucas nang hindi man lang lumilingon sa amin.

***

"Kennedy don't get affected too much ha?" Wika ni Aurora habang naglalakad kami papunta sa parking lot.
"I just can't believe this would happen." Pailing-iling kong wika.
"Let's wait muna na kumalma sila." Tumango na lang ako.

"Kennedy!" Sigaw ni Daddy.
"Uh sige una na ko. Thank you." Paalam ko sa kambal at naglakad papunta sa kotse ni Dad.
"Mr. Lozano." Tawag ni Daddy. Lumingon ako at nakita kong papasok si Lucas sa kotse niya.
"P-po?" Gulat na wika niya.
"Dad?" Tawag ko kay Daddy nang sinalubong niya ako.
"I expected you to have a talk with us but di ka pumunta sa bahay." Cold na sabi ni Daddy
"Dad? Anong pinagsasabi mo?" Tanong ko nang di makasagot si Lucas. Pati na din sina Aurora at August ay nagulat.

"Don't let me down. Sa bahay mo ligawan ang anak ko."
"Daaaaaddddddy?!"

Jusko po! Ang dami nang nangyari sa araw na to! Pati ba naman tong si Daddy problema ko pa din?!

The Cold Guy Likes MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon