Continuation of Foreword

59 8 0
                                    

Huminga ako ng malalim at kinwento sa kanila ang nangyari.

"Nahuli ako"
"What? Nino?"
"Ni Lucas"
"Oh my God! Gulat na sabi nilang pareho.
"Nasa pinto na dinikit ko na ang papel pero binuksan bigla ni Lucas."
"Di ka nakita ni Drake?"
"Nakita nila ko pero tumakbo ako agad."
"Asan na yung papel?" Tanong ni August.
"Na kay Lucas."
"Lagot na."

Lahat ng students dito sa school kilala silang tatlo.

Sa kanilang tatlo si Lucas ang di mo makausap. Tanging sina Drake at William lang ang nakakalapit sa kanya. Madaming nagkakagusto kay Lucas kaya lang pag nagpapakita sa kanya ng paghanga lagi niyang binabasted. Parang allergic sa babae bakla ata yun.

Si Drake naman matagal ko nang crush since Junior High school pa lang. Magkatapat kami ng bahay pero parang di niya ko nakikita. Sa kanilang tatlo siya yung pinaka-mabait, gentleman, madaming kaibigan kung baga boy next door talaga at sobrang gwapo kaya nga crush ko. Pero syempre dahil sobrang bait madami akong karibal una na sa listahan si Gwen na usap usapan sa school ay ka-MU nya.
Si William ang clown ng barkada. Laging may baong jokes. Masayahin, palaging nakangiti, mapaglaro, syempre gwapo din.

Walang tapon sa kanilang tatlo, itong si Lucas lang basura ugali.

Nakita naming pumasok si Lucas sa room.

Nakakahiya na nakakainis. Bukod sa mga kaibigan ko sya lang nakakaalam na may gusto ako kay Drake. Naalala ko ang nangyari kanina. Nasa kanya pa rin ang letter. My ghad! Diyos ko bakit?

Nahuli nya kaming nakatingin sa kanya. Sabay kaming tatlong yumuko.

"Nakakatakot. Paano natin mababawi yung letter?" Tanong ni August.
"Wag na natin kunin." Sagot ko
"Paano kung ano gawin nya? Paano kung pagtripan nya si Kennedy?" Pag-aalalang sabi ni Aurora.
"Mahihirapan tayong kunin yun. Ano ba sinulat mo dun Kennedy?"

Shinare ko sa kanila ang sinulat ko.

Dear Drake,

Isa ako sa tagahanga mo. Sa inyong tatlong magkaibigan ikaw lang nakakuwa ng atensyon ko. I still can't forget the time na tinulungan mo ko nung muntikan na kong mahulog dahil sa kagagawan ng demonyong si Lucas. Hope you are eating well. You're really handsome. I love you.

-the girl who loves you from afar.

"Malas mo talaga bakit mo kasi nilagay yun?" Tanong ni Aurora
"Di ko din alam. Wala ko maisip eh. Ang corny nga."
"Sobrang malas mo si Lucas pa nakabasa. Edi galit na talaga yun sabihan mo ba namang demonyo. Matutunaw na ata tayo sa tingin nya." Sabi ni August

Napatingin kami kay Lucas at tama nga si August. Ang talim ng tingin ni Lucas sa amin. Sa akin.
Patay ka talaga Kennedy.. Ano gagawin ko?! Tanong ko sa sarili.

The Cold Guy Likes MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon