Back to school at parang ayaw ko pumasok dahil nahihiya ako kay Lucas. Punyetang katawan to gustong gusto ang halik. Isa pa pala si William. Sa dami ng pwedeng makakita bakit yung ungas na yun pa.
Papasok ako ng room at agad na nakita si William. Nang makita niya ko palokong ngumisi ito.
"Morning Kennedy."
Nilapitan ko siya at hinila palabas ng room.
"What did you see?" Tanong ko
"What do you mean? Syempre ikaw nakatayo sa harap ko." Palokong sagot niya
"William its not what it is."
"Eh ano yun?"
"Tinulungan niya lang ako tanggalin ang buhangin sa mukha ko."
"Gamit ang bibig?"Napahawak ako sa ulo dahil sa inis.
"Hindi!"
"Why are you explaining to me? Parang ako jowa mo ah at si Lucas kabit mo." Inaasar niya na naman ako.
"Tsss. I don't want you to tell anybody."
"Pano kung madulas ako?"
"Please William." Paawa akong nakiusap sa kanya.
"Fine. Parang papatayin na ko sa tingin ng bf mo." Nakatingin siya sa likod ko kaya napalingon ako. Masamang nakatitig samin si Lucas."Pinky promise." I held out my hand, ganun din siya and ginawa ang pinky promise saka ako tumakbo papasok sa room.
**
Buong araw ko iniwasan si Lucas. Di na nga ako naglunch tumambay na lang ako sa library. Panay tingin lang siya sakin marahil nahihiya din baka mang-asar si William.
"Kennedy!" Tawag sakin ni August.
"Oh bakit August?"
"Bakit di ka naglunch?"
"Umm busog ako eh." Pagdadahilan ko.
"Bakit parang umiiwas ka samin?"
"Ha? Hindi ah. May mga ginawa lang ako."Nasa parking lot na kami ni August naghihintay ng sundo nang natanaw niyang papunta samin sila Lucas, William, Drake Aurora na may kasamang dalawang babae at isang lalaki.
"Hey Kennedy!" Sigaw ni William. Di talaga to titigil eh. Inirapan ko na lang siya.
"Kennedy, August sila Vanessa, Judy at Gio pala." Pakilala ni Drake sa mga kasama.
"Hi." Bati namin ni August at nag-hi din silang tatlo.
"They're Gwen's friends gusto daw nila kayo mameet eh."Maya maya ay dumating na ang sundo nila August at Aurora kaya nagpaalam na sila. Isa isa naman nagpaalam ang mga kaibigan ni Gwen.
"Bye guys. Nice meeting you all."
"Bye Lucas." Sabi ni Vanessa.Aba special mention ah. Ano wala kami dito? Kay Lucas lang siya nagpaalam bulag ka girl? Nakaalis na sila at nagsalita si William
"Kay Lucas lang nagpaalam oh Kennedy."
"Baka masuntok na kita William kanina ka pa." Asar kong pagbabanta sa kanya
"Hahaha. Makaalis na nga takot akong masuntok eh."
"I'll better leave also. Kennedy wanna ride? Wala naman ako practice eh so uuwi na din ako." Offer ni Drake sakin.
"Uh ..si.." Papayag sana ako kaya lang biglang hinawakam ni Lucas kamay ko kaya napatigil ako.
"We have something to talk about." Cold na sabi ni Lucas.
"Okay dude. No problem." Ngumiti si Drake bago kami iwan."What?" Singhal ko kay Lucas na hawak pa din kamay ko.
"Iniiwasan mo ba ko?" Tanong niya.
"Hindi ah! Ba't naman kita iiwasan?"
"Because of the kiss." Lumingon siya sa kabilang direksyon para di ko makita mukha niya. Nahihiya ata to.
"Its nothing naman. Nakainom ka nun eh." Nakayukong sabi ko. Napansin kong hawak niya pa din kamay ko at hinayaan ko lang.
"Ye-yeah. Maybe." Mahinang wika niya.Nagulat kami pareho nang may bumusina.
"Kennedy! Tama na yan!" Sigaw ni Kian sa amin. Bigla naman binitawan ni Lucas ang kamay ko.
"B-bye." Tumakbo na ko papunta sa kotse at napalingon nang tawagin ako ni Lucas."Don't mind it." Tumango ako at pumasok na sa kotse.
Pagpasok ko sa kotse, narealize kong nasa front seat si Mommy.
"Who's that?"
"Boyfriend niya po." Sagot ni Kian
"Tumigil ka nga Kian. Kaibigan ko lang yun Mom."
"Then why is he holding your hand?"
"Uh di ko po alam." Sagot ko kay Mommy na kumunot ang noo.
"Invite him over sa bahay. Kung magpapaligaw ka dapat makilala muna namin ng Daddy mo."
"Mom no! Di siya nanliligaw."
"Mom he likes Kennedy and he got my blessing already."We both looked at Kian. Pinagsasabi na naman nito?
BINABASA MO ANG
The Cold Guy Likes Me
Подростковая литератураKennedy Alvadez, 17 decided to finally confess her feelings to Drake Martin, her long time crush. She lives accross Drake's house where she often secretly looks at from her bedroom window. Unfortunately, the Cold guy and Drake's bestfriend, Lucas L...