Ang sarap ng tulog ko nang tumunog ang alarm clock ko, si Mommy.
"Kennedy! Pag di ka pa bumaba dyan magba-bus ka!"
Dali dali naman akong bumangon at nag-asikaso na. Ayaw ko maiwan. Ayoko magcommute ulit eh. Di ka pa nga nakakarating sa school, haggard ka na.
Bumaba na ko at kumuwa ng mansanas sa kusina saka kumaripas ng takbo papunta sa garage. Rinig ko na kasing umaandar na ang kotse.
Ngayon lang ako tinamad gumising ng maaga. Nakakawalang gana na pumasok after what happened kahapon.Ilang sandali pa nasa tapat na ko ng school. Bumaba na ko sa kotse pero tinawag ako ni Daddy.
"Remember to bring your suitor sa bahay." Wika ni Daddy at umalis na.
"Hayyst. Sinong suitor naman dadalhin ko? Eh wala nga nanliligaw sakin." Inis kong bulong habang papasok sa school.
"Hoy! Kinakausap mo na naman sarili mo?" Salubong sa akin ni Aurora.
"Eh si Dad nakakainis. Dadalhin ko daw sa bahay suitor ko. Sino naman dadalhin ko?"
"Edi si Lucas, meron pa bang iba?" Sabi ni August"Anong si Lucas?" Sumulpot sa tabi namin si William.
"Wala" tipid kong sabi.
"Naku. Pinag-uusapan niyo ata kami."
"Asa ka." Sabi ni Aurora
"Di ata maganda gising ni Momma Dinosaur. Pinuyat ka ba ng baby dinosaur mo?" Pang-aasar ni William kay Aurora.
"Tigilan mo nga ko William."Natawa naman ako sa kakulitan nila. Nagiging malapit na sila sa isa't isa. Kung di mo sila kilala, masasabi mong magjowa eh.
Nakangiti akong papasok na sa room nang mapansin kong nakaupo na si Lucas sa upuan nya. Nagkatinginan kami ngunit agad niyang binaling sa unahan ang paningin. .
Di na namam maayos timpla nito.Break time nang nasa room lang kami nagkukulitan. Pansin kong walang imik si Lucas.
"Lucas..." Tawag sa kanya ni William
"What" Sagot nito. Ang cold ah. Parang bumalik siya sa dati.
"Psh. Wala."Di na siya kinulit ni William pagkatapos nun.
Nang maglunch naman kami iwas pa din si Lucas. Di siya sumama nang yayain siya ni William baka dahil kasama namin si Drake. Di pa din sila nagpapansinan.
Di ko maiwasang mapaisip. Parang naba-bother ako sa kinikilos ni Lucas. Nasanay na din akong inaasar niya ko palagi.
After ng klase niyaya ako ni Drake na makipag-usap kaya't nagpaalam ako kay Daddy. Sinabi ko lang na kasama ko sila Aurora at August dahil alam kong di siya papayag pag sinabi kong si Drake kasama ko.
BINABASA MO ANG
The Cold Guy Likes Me
Novela JuvenilKennedy Alvadez, 17 decided to finally confess her feelings to Drake Martin, her long time crush. She lives accross Drake's house where she often secretly looks at from her bedroom window. Unfortunately, the Cold guy and Drake's bestfriend, Lucas L...