Dumiretso ako sa tambayan the next day pagbukas ko ng pinto lahat ng mata nasakin. Woah! Bakit gulat na gulat sila?
Iniikot ko ang paningin. Si Gwen katabi si Drake nasa sofa naman sila Aurora, August at William. Nasa harap ng computer si Lucas at sa tabi niya si Vanessa.
Wait.. ano ginagawa ng babaeng to dito?
"Hi Kennedy." Bati sakin ng butiki.
Pagkasabing iyon ni Vanessa napalingon sakin si Lucas. Agad naman siya tumayo at hinila ako palabas."Te-teka..."
Hinigpitan niya lalo ang paghawak sa kamay ko.
"Hoy Lucas!" Binawi ko na ang kamay ko.
"Problema mo? Parang baliw to ba't mo ba ko hinila?"Napakamot naman siya sa batok at tumingin sa malayo.
"Hoy! Kinakausap ka eh."
"Nothing. Gusto ko lang makaalis dun."
"Bakit? Kinukulit ka ni Vanessa?" Seryosong tanong ko kaya napalingon siya sa akin.
"Aren't you jealous?"
"Ha?! Ako magseselos?!"Napalakas ang nasabi ko kaya't napalingon sa direksyon namin ang mga estudyanteng dumadaan.
"I told you they're together."
"Sila nga talaga. Napapansin ko na nung fieldtrip eh."
"Bagay naman sila ah."Rinig na rinig namin ang bulungan nila. Hinila ako ni Lucas palapit sa kanya at inakbayan kaya lalong dumami ang mga bulong.
"A-ano..."
"Bagay daw tayo eh."
Marahan ko siyang tinulak palayo.
"Hoy! Nahahawa ka na kay William! Umayos ka nga!" Inis kong singhal sa kanya at naglakad na palayo.***
Lunch break na but before pumunta sa cafeteria ay dumaan muna ako sa locker ko.
"Are Drake and Gwen together?" Rinig kong pag-uusap ng dalawang babae sa di kalayuan sa kinatatayuan ko.
"It looks like it. Matagal nang gusto ni Gwen si Drake eh. Ngayon lang siya napansin nito." Sabi ng isa
"Ang chismis kasi may gusto si Drake na iba but everybody don't know kung sino."
"But bakit niya pinatulan si Gwen eh ang sama ng ugali non. Drake deserves better."
"Maybe its his way para kalimutan yung girl?"Biglang nahulog ang hawak kong libro kaya't napatingin sila sakin. Nagulat naman sila kaya't umalis na sila.
Drake likes someone else? Sino naman yun?
***
After class sabay sabay na kaming lahat na pumunta sa parking lot. Kasama si Gwen at ang kaibigan niyang butiki. Di ko maiwasang mapaisip sa narinig ko kanina. Ninanakawan ko nang tingin si Drake pero di ko maaninag sa mukha niya na may iba pala siyang gusto bukod kay Gwen.
"Kennedy, something wrong?" Nagulat ako sa biglang tanong ni Gwen. Napansin kong hinawakan niya kamay ni Drake.
"Ah..wa-wala." Sagot ko at pinagtaasan niya pa ko ng kilay."Kennedy!" Rinig kong sigaw na kaboses ng Daddy.
Wait...napanganga ako nang makita kong papalapit sa amin si Daddy. Anong ginagawa ng Daddy dito? Bakit hindi ang driver namin ang sumundo at bakit bumaba siya?"Daddy?"
"Hello po tito." Bati nila August at Aurora na nagtataka din. Tumango si Dad at binaling ang paningin kay Lucas."Lucas Lozano?" Seryosong tanong nito.
"Uhhh o-opo." Hahaha pinipilit kong wag ngumiti sa mukha ni Lucas. Ngayon ko lang siya nakitang natatakot."Dad.? May sakit po ba si manong? Bakit po kayo andito bumaba pa po kayo sana tinawag nyo na lang ako." Pagtataka na tanong ko. Usually kasi ang driver namin sumusundo.
"Why Kennedy? Para ba malaya kang magpaligaw dito?" Tinuro niya si Lucas."Ha?!" Sabay naming wika ni Lucas.
"Your mom already told you sa bahay mo papuntahin ang lalaking to. At ikaw Lozano, kung seryoso ka sa anak ko pumunta ka sa bahay. Maaaring nakuwa mo loob ni Kian pero dumaan ka muna sa amin. I'll be expecting you one of these days to talk.""Dad? Anong..."
"Lets go." Seryosong wika niya at naglakad.Nagkatitigan kami ni Lucas.
"Kennedy." Napatalon ako sa gulat nang muling nilingon kami ni Dad.
"O-opo. B-bye..."What was that about?
BINABASA MO ANG
The Cold Guy Likes Me
Novela JuvenilKennedy Alvadez, 17 decided to finally confess her feelings to Drake Martin, her long time crush. She lives accross Drake's house where she often secretly looks at from her bedroom window. Unfortunately, the Cold guy and Drake's bestfriend, Lucas L...