The next day nagising ako sa ingay sa baba. Tiningnan ko ang cellphone ko 11am.
Sh*t!
Di ako nakatulog agad kagabi dahil sa sinabi ni Lucas. Do I like him? Luh bat ko naman magugustuhan yun? Ang sungit nun eh palagi pa akong inaaway.Papasok na sana ako sa CR ngunit narinig ko ang mga sigaw sa baba. Tumakbo ako pababa.
"Aaaahhhh" sigaw ni Kian
"Hahaha namumula ka na" pang aasar ni William.Teka si William? Andito pa sila?.
"Kuyaaaa..." Si Amber naman
"William stop it na" Sabi ni AugustNakita kong bumulong si Lucas kay Kian na agad kinagulat nito at lalong namula. Lagi kayong nagbubulungan ah. Kelan pa kayo naging close?
"Morning..." Bati ko sa lahat. Nasakin lahat ang atensyon at biglang tumahimik.
"Pft. Hahahahaha" tawa ulit ni William
"Kennedy ikaw ba yan?" Tanong ni LucasMambubwesit na naman to.
"I told you she's messy. Ang pangit ng umaga mo pag siya nakita mo." Wika ni Kian habang kaharap si Lucas.
Dali dali akong tumakbo pabalik sa kwarto at tiningnan ang sarili ko sa salamin.
Sh*t mukha kang baliw sa kalsada Kennedy! Ang gulo ng buhok ko. Ang laki ng eyebags ko dahil na din puyat ako. May muta pa sa mata ko at kaunting natuyong laway sa pisnge ko! Nakakahiya!!Naligo na ko at nagblower ng buhok pagkatapos ay pinuyod ko ito ginawang messy bun. Naglagay na din ako ng kaunting concealer para takpan ang maitim na parte sa ilalim ng mata ko.
Nagsuot ako ng glasses tinatamad ako maglagay ng contact lens. Yes, malabo mga mata ko. I chose to wear oversized shirt and shorts para di mainit.Huminga ako ng malalim bago bumaba.
Naabutan ko silang nasa sala nanonood ng TV. Wala si Drake at si Lucas. Di ko na sila binati ulit at dumiretso na sa kusina. Gutom na ko.
Papasok pa lang nagulat ako kay Lucas nagluluto.Napansin niya may pumasok kaya napalingon siya sa gawi ko. Nakatingin lang siya. Tiningnan ko din siya at tinaas ang kilay ko. Giving him what-are-you-looking-at look. Muli niyang tinuon ang atensyon sa niluluto.
Hmmm ang bango. Nilagay niya na ito sa plato at nilapag sa mesa.
"Eat." Tiningnan ko siya.
"Walang lason yan. Di ka tatablan."
Giving him whatever look.
"You're welcome." Wika niya at umalis na.Weird. Good mood ata siya. Tiningnan ko ang binigay niya sakin. Scrambled eggs at toast. Kumuwa na ko ng orange juice at kumain.
"Hmm. In fairness may talent naman." Wika ko sa sarili.
"Hey! You're back." Bati ni August nang makita ako.
"You look way better now than earlier." Sabi ni William na nakangisi.
Binatukan ko siya dahilan para lalong tumawa."Let's wait for Drake before we start."
Sabi ni Aurora.
Today magbubunutan kami para sa exchange gift.
"Sinundo niya si Gwen." Wika ni William nang mapansing nakakunot ang noo ko.Nilingon ako nila Aurora at August ganun na din si Lucas..
"Nililigawan ni Drake si Gwen." Dagdag ni William.
Hinawakan ni Aurora ang kamay ko. Nginitian ko siya ngunit batid kong nakikita niya ang lungkot sa mga mata ko.Dumating na sila Drake at Gwen.
Yes malabo ngang magustuhan ako ni Drake. Malayong malayo ako sa itsura ni Gwen. Mukha siyang model. Matangkad, petite, maputi, may long brown wavy hair."Uh guys si Gwen. Gwen this is Aurora, August at si Kennedy." Wika ni Drake.
"Hi nice to meet you " malumanay na wika ni Gwen.Hayys ganda pa ng boses. Nginitian ko siya. Ang ganda niya.
Sinimulan na namin bumunot. Its my turn and opened the small piece of paper.
Lucas. Great! Tinitigan ko lang ang papel. Ano naman kayang ibibigay ko dito?
Tumingin ako sa direksyon niya sabay ding pagtingin niya sakin. I swear! I saw him smirked."Sino nakuwa mo?" Tiningnan ni August ang papel na hawak ko. Bigla kong binulsa.
"Secret."Aist. Ano ba ibibigay ko sa mokong na to? Magaling siya magluto so kaldero kaya? Sandok? Psh. Kutsilyo? Kutsara o tinidor?
BINABASA MO ANG
The Cold Guy Likes Me
Teen FictionKennedy Alvadez, 17 decided to finally confess her feelings to Drake Martin, her long time crush. She lives accross Drake's house where she often secretly looks at from her bedroom window. Unfortunately, the Cold guy and Drake's bestfriend, Lucas L...