Papasok ako sa tambayan at akmang hahawakan ko na sana ang door knob nang bigla itong bumukas.
"Ai nademonyo ka!" Gulat ako nang makaharap si Lucas.
"Psh. Hanggang ngayon demonyo pa din ako."
"Ba't ka ba kasi nanggugulat?"
"Malay ko bang may batang papasok sana."
"Sinong bata?" Lumingon naman ako sa likod ko ngunit walang tao.
"Ikaw." Bored niyang sagot.
"Hoy ulupong! 17 na ko di ako bata!"
"Ngayon ulupong naman. 17 ka na nga eh bakit ang liit mo?"
"Excuse me? Matangkad ka lang kaya nagmukha akong maliit."
"Oh galit ka na naman. Lumalaki butas ng ilong mo oh."Pipisilin niya sana ang ilong ko ngunit tinabig ko ang kamay niya.
"Alis nga dyan!" Inis kong saad sa kanya..
"Bayaran mo muna utang mo."Napaisip naman ako. Wala naman ako utang ah? Pinagtaasan ko siya ng kilay at ngumisi naman siya ng nakakaloko. Unti unti niya nilalapit ang mukha niya sa mukha ko.
Bigla kong naalala yung halik. Tinakpan ko ang bibig ko at padabog na umupo sa sofa."Good morning." Bati ni Drake pagkapasok sa tambayan at umupo sa tabi ko.
"Okay ka lang? Namumula ka ata."
"O-okay lang."Nanatili naman sa may pintuan si Lucas di man lang kumikibo. Akala ko ba aalis to kaya nga kami nagkasalubong sa pinto eh.
Napatingin si Drake sa gawi ni Lucas. I looked at Lucas too. Luh nakabusangot na, kanina lang nakangisi pa to eh."Errr. Punta na ko sa room. Bye." Di ko na hinintay may sumagot sa kanila. Gusto ko sana tumambay dun eh dahil maaga pa naman kaya lang ang awkward.
Hihihi haba ng hair mo Kennedy!
Papunta na ko sa room nang makasalubong ko si Gwen. Wala kong balak makipag-away kaya di ko na siya pinansin pero hinawakan niya bisig ko.
"Are you happy?"
Galit na naman si mayora. Di ko naman siya inaano.
"Hindi. Actually bwiset ako. Ikaw ba naman makasalubong." Inis na singhal ko sa kanya.
"Because of you Drake broke up with me!"
"Luh ghorl di ko kasalanan yun. Masyado ka lang kasing insecure. Di ko naman inagaw sayo ah."
"Ang galing mo talaga magkunwari noh. Kaya ka lang naman napalapit sa kanila dahil kay Lucas! Ginagamit mo lang din si Lucas!"Aba't ang galing gumawa ng kwento ni ateng. Ang galing pang umarte.
"Hoy! Tikbalang wag mo kong pagbintangan ah! Uhaw ka ba sa atensyon? Di ka na ba pinapansin ni Drake? Subukan mong ayusin sarili mo! Maganda ka sana kaya lang ugali mo basura!"
Eto na naman. Ang aga aga nasa amin na naman lahat ng atensyon.
"Anong sabi mo?" Tinulak niya ko kaya napaatras ako. Muntikan na kong matumba pero tumama likod ko sa pader. Wait....pader?
Napansin kong biglang umiba ang expression ng mukha ni Gwen. Lumingon ako at kaharap ko na naman ang dibdib ni Lucas.Hinila niya ko sa tabi niya at inakbayan.
"May problema ba dito babe?" Tanong niya sakin.
"Ba-babe?" Pilit kong kumawala sa kanya pero ang lakas niya.
"Tara na sa classroom." Paalis na siya pero di ako gumalaw.
"Ano na naman to?" Tanong ko sa kanya. Yumuko siya at bumulong."Tara na kung ayaw mong madagdagan utang mo."
O-O
BINABASA MO ANG
The Cold Guy Likes Me
Teen FictionKennedy Alvadez, 17 decided to finally confess her feelings to Drake Martin, her long time crush. She lives accross Drake's house where she often secretly looks at from her bedroom window. Unfortunately, the Cold guy and Drake's bestfriend, Lucas L...