Chapter 31: CLUMSY

25 2 0
                                    

"Ano sinabi mo kay Dad?" Tanong ko kay Kian pagdating namin sa bahay.
"Nothing" Tipid niyang sagot at umakyat papunta sa room niya, sinundan ko siya.
"Kian! Alam kong may kinalaman ka dito."
"I did not! Dad is just being Dad."
"Kian naman hindi nanliligaw si Lucas!"
"Then tell Dad and Mom." Sagot niya sakin ng nabobored.
"Tsk. I know you have something to do with this. Lagi ko kayong nahuhuli ni Lucas na nagbubulungan nung Christmas."
"Let me tell you this, he likes you."
"Stop!"
"I even discouraged him. Told him what you really are. What can I do he likes you eh."
"Stop that none sense Kian. Malaman ko lang talaga yang tinatago mo patay ka sakin."

Pumasok na ko sa kwarto ko at went straight to the cr para magpalit ng damit. After I change umupo ako sa dresser table at binuksan ang bintana na nakatapat sa kabilang street. There I saw Drake's car at lumabas siya. Papasok na siya sa bahay nila nang bigla siyang lumingon. Napabalikwas naman ako sa upuan bago niya pa ko makitang nakatingin din sa kanya.

"Sh*t" Nalaglag ako sa upuan dahil sa gulat. My god! Nahuli niya kaya ako?
Sinilip ko ulit siya sa bintana at napahinga ako ng maluwag nang wala na siya. Umupo ako ulit at binuksan ang phone ko.

Inopen ko ang messenger ko at hinanap name ni Lucas. I saw him online.

Me: Sorry kanina.
Lucas: its fine

Ang bilis naman magreply nito. Magrereply sana ako ngunit nakita kong nagtatype pa siya.

*Lucas is typing*

Ang tagal ah. Nakatitig lang ako sa tatlong tuldok sa tabi ng pangalan niya. Grabe ang bilis magreply pero ang tagal magtype?

Lucas: we both know its not true

Yan lang chat niya? Akala ko naman mahaba dahil sa tagal ng type niya.

Me: yeah, still sorry.
Lucas: 👍

Wow. Yun lang. Ang tipid nito.

***

Di na ko dumaan sa tambayan dahil late na ko! Napuyat ako kakanood ng kdrama kagabi. Sheyt. Tumatakbo na ko nagbus lang kasi ako iniwan na ko nila mommy dahil kung hihintayin pa ko malelate din sila. Tanaw ko na ang pinto ng room namin nakabukas pa ito meaning wala pa yung teacher.

Sa bilis ng takbo ko muntikan pa kong madulas.

*Blag*

Tumama ang noo ko sa pinto. Pshh. Hawak hawak ko pa ang noo ko nang pumasok sa room.

"Good morning. Close the door." Bati sa akin ng teacher.

Sh*t. Isinara ko na lang ang pinto at binati din ng good morning si ma'am. Papunta na ko sa upuan ko nang natisod na naman ako.

"P*nyeta" Napamura ako sa gulat.

"Watch your step Ms. Alvadez. Also watch your mouth."
"So-sorry ma'am." Naupo na ko sa upuan ko nang nakayuko. Alam kong pinagtitinginan ako eh.

The Cold Guy Likes MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon