Chapter 3: Lunch

46 7 0
                                    

Nakita ako nila August at Aurora na papasok ng classroom.

"Hi Kennedy!" Sabay nilang bati.
Tinanguan ko lang sila at umupo na seat ko.

"Something wrong? Ang pula mo ata?"
"N-nothing."

Nagsidatingan na ang ibang classmates namin including the 3 guys.

"Oh! Kennedy!" Sigaw ni William. Napatingin pareho sila August at Aurora.
"Dude." Sabi ni Drake at siniko si Lucas.

Nahuli ko ang tingin ni Lucas mukhang nagsmirk pa ang loko. Gustong gusto niya atang napapahiya ako.

"How?" Tanong ni Aurora sakin.

Napahawak na lang ako sa mukha ko at yumuko. Ang aga hiyang hiya na ako.

During lunch break nagkwento ako sa dalawa.

"Di kaya may gusto sayo si Lucas?" Biglang sabi ni August.
Nasamid ako sa iniinom kong juice.
"Sorry. Theory ko lang naman." Dagdag niya pa.
"Hmm? What if nga kaya?" Napaisip din si Aurora.
"Ano ba kayo. Alam niyo naman ugali nun. Syempre pinagtitripan niya ko kasi alam niyang crush ko si Drake. Tsaka galit yun sakin." Pagpapaliwanag ko.
"Well the point is there."

Payapa kaming kumakain nang may lumapit sa table namin.
Natulala ang dalawa nang makita kung sino ang mga iyon.
"Bakit?" Tanong ko.

"Hi." Boses yun ni Drake.

Biglang bumilis tibok ng puso ko. Umupo silang tatlo sa table namin. Nakakalokang nakangisi si William sakin.

"Kennedy, right? Paano kayo nagmeet ni Lucas? Ano nagustuhan mo sa kanya? Baka confused ka lang. Ginayuma ka ba neto? O baka ikaw naggayuma sa kaibigan namin." Sunod sunod na tanong ni William.

"Stop that William. Thank you kanina Kennedy. I wasn't able to say it kanina bigla kang umalis eh."
"Uhmm welcome."
Napatingin ako kay Lucas na parang walang pake at kumakain lang.

"Who's who?" Curious na tanong ni William sa kambal.
"August. Aurora." Sabay nilang sabi.
"August sa left, Aurora sa right." Dagdag ko.
"Ah hehe. Don't you have something not in common? Like some hint for us para makilala kayo?" Tanong ni William.

"I have darker eyes and hair than Aurora."
"That will do." Nakangiting sabi ni William.
Nagsimula na silang kumain at nagkatinginan kaming tatlo. Animo'y nagkukwentuhan sa mga mata.
Di ko din alam anong ginagawa ng mga to.

Nakatingin lang ako kay Drake na masayang nakikipagbiruan kay William.
Di ako makapaniwala dati natatanaw ko lang siya sa malayo. Ngayon kaharap ko na siya at kasama pang kumain. Alam na kaya niya? Nasabi kaya ni Lucas sa kanya?

Maya maya tumayo si Lucas.
"I'm done." Sabi niya na mukhang bored at umalis na.
Something is bugging me kaya kahit takot ako napangungunahan ito ng curiosity ko. Tumayo ako at nagpaalam sa kanila.
"Excuse me." Pasintabi ko at tinungo ang direkyon na pinuntahan ni Lucas.

"Ayiiieep. Babe time? Gusto niyo talaga private ah."

Di ko na pinansin ang sinabi ni William. Sinundan ko si Lucas at nakita ko siyang nakatayo sa dulo ng hallway nakatayo sa may bintana at malayo at tingin.

"Lucas." Tawag ko sa kanya. Lumingon siya sa direksyon ko na mukhang gulat at biglang bumalik sa pagiging poker face. Nasa bulsa nya ang dalawang kamay kung titingnan sa malayo mukha siyang character sa Japanese anime.

"What?" That cold voice talaga ang lalong nagpakabog sa dibdib ko.
"Uhm. What is it about?"
"About what?" Nakatingin siya straight sa mga mata ko dahilan para yumuko ako. For the second thought pinagsisihan ko dahil dibdib niya na naman kaharap ko. Sh*t. Umiling ako at muling tumingala sa kanya.

"Earlier. Bakit naglunch kayo with us?"
"Ayaw mo ba? I'm just doing you a favor." Bored niyang sagot at binaling ang paningin sa malayo.
"Sinabi mo ba sa kanila?"
"Bakit ko sasabihin? Ako ba may gusto sa kanya?"
"Psh. Nagtatanong lang eh.
"Sinagot ko naman."
"Sungit talaga neto." Tinignan niya ko na kinagulat ko.
"Sorry. Uhm nasayo pa ba ang letter?"
"Tinapon ko"
"What?"
"Ano naman gagawin ko dun?"
"Ibalik mo sakin."
"Why..."

Napatigil siya nang may isang grupo ng mga estudyante na dumaan. Tiningnan lang kami at nagbulungan sila pero rinig namin pareho.

"Are they together?"
"I don't think so."
"Baka confession"
"May iiyak na naman."

Nagkatinginan kaming dalawa ni Lucas ngunit agad niya binawi at nagsalita.

"Go back to them."
Wala na kong maisip na sasabihin kaya sinunod ko na lang siya. Umalis na ako ngunit hinarap ko siya ulit.

"Lucas, thank you!" Sigaw ko loud enough para marinig niya at nginitian siya.

I'm not good in reading facial expressions but I saw something parang malungkot siya.

The Cold Guy Likes MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon