Chapter 1: The Favor

59 8 0
                                    

Dali dali kaming lumabas ng room nung tumunog ang bell. Uwian na kaya ang daming estudyante sa hallway.
Nagpaalam na sina August at Aurora nang dumating ang sundo nila.

Hinihintay ko ang sundo ko sa may labas ng school nang may aninong lumitaw sa harap ko.

"May nakalimutan ka."
Ang malamig na boses ni Lucas. Nanatili akong nakayuko takot akong tingnan sya.

"Kennedy"
Alam na niya pangalan ko!

"H-hindi yan ang pangalan ko." Aalis na sana ako nang hawakan nya braso ko
"Hindi ako bobo. Magkaklase tayo simula Junior High, Kennedy"
"I-ibang K-kennedy yun"
"Hahahahaha"

Tumawa siya. Sa unang pagkakataon. Napatingala ako. Bagay sa kanya tumawa. Napaka-amo ng mukha. Pero hindi demonyo to.

"Mukha ba akong demonyo?"
"Ha? Ano I-ibang L-lucas yun"
"We both know walang ibang Lucas na kaibigan si Drake."
"Hindi ah! Madami siyang friends di tulad mo!"

Di ko alam san ako humugot ng lakas ng loob. Medyo napalakas ata boses ko. Lalo ata siyang nagalit.

"I'll show what a real demon is."

Yun lang huli kong narinig bago siya umalis. Nang tuluyan na syang makalayo napahawak ako sa ulo ko.

"Kennedy! Ano na? Bakit Lord?" Inis na inis kong sabi sa sarili.

*

Kinabukasan while kumakain ng breakfast with my parents and younger brother may nagdoorbell.
Tumayo si Mommy at pinagbuksan.

"Good morning Dianna. Nandito pa ba si Kennedy?"
"Oh Stacey. She's still here. Do you need somthing?"

Napatayo ako at pumaroon sa sala.

"Sorry sa istorbo ah. Drake left his duffle bag. Andito kasi ang jersey niya he needs this later for practice. I'm already late sa work if you don't mind Kennedy will you give this to him?" Sabi ni tita Stacey, mommy ni Drake.

"Ah uhm okay lang po." Sagot ko
"Thank you dear. Sorry to interrupt again. Thank you Stacey."

Inabot nya ang duffle bag at nagpaalam na. Bumalik kami sa kitchen para maggayak na.

"Ang saya mo na naman. Nahawakan mo bag ni Drake. Dati rati pasilip silip ka lang sa bintana." Biglang singhal ng kapatid ko. 13 years old si Kian at 17 naman ako. May sa mangkukulam ata tong kapatid ko masyadong madaming alam kahit wala naman akong sinasabi dito.

"Tumigil ka Kian. Pakialamero ka talaga. Isusumbong kita kay Amber." Si Amber ang yougest sister nila August at Aurora na kaedad ni Kian.

Namula sya sa sinabi ko at inirapan ako sabay alis.

The Cold Guy Likes MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon