Chapter 2: Misunderstood

53 7 0
                                    

Bago ako pumunta ng room dumaan muna ako sa tambayan nila Drake para iabot sa kanya ang pinapabigay ng Mommy nya.

Kumatok ako sa pinto pero ang tagal buksan. Lalo kong nilakasan pagkatok tipong padabog na. Maya maya bumukas ito at sa kamalasan ko talaga si Lucas na naman.

"What?!" Galit nyang tanong pero imbis na mukha nya makita ko, dumiretso tingin ko sa dibdib nya na di nakabotones ang suot nyang polo. Matangkad sya kaya saktong chest niya ang kaharap ko.

"Talk. Wag mo titigan." Yumuko sya bahagya para face to face kami.

Ramdam kong uminit pisnge ko. Alam kong namumula na ko.

"Si si D-Drake?"
"Why?" Inayos nya ang kanyang pagtayo meaning kaharap ko na naman dibdib nya na pawisin.

Inangat ko ang kamay ko na may hawak sa duffle bag ni Drake at inabot sa kanya. Bahagyang tumama ang kamay ko sa dibdib niya.
Sh*t Kennedy utak mo nalason na.

Di siya nagsalita kaya napatingala ako. Tinititigan nya lang ako. Lalo akong namula.

"Come in."
Sambit niya at binuksan lalo ang pinto.
Curious man ay pumasok pa din ako.
"Wait for him here." Sabi niya at tinuro ang sofa sa gilid ng room.

Tinignan ko siya nang nakataas ang isang kilay. Ginantihan niya din ako ng tingin at itinaas ang kilay. Maldita pa ata to sakin ah.

"Sit. They'll be here." Salita niya at naupo na lang ako baka kung ano gawin niya. Nasabi niyang "They" so kami lang andito?! My God! Ayoko pang mamatay!

Nilibot ko paningin ko sa room. May game station, computer, dart, sa mesa may naka-kalat na UNO cards. Sa kabilang banda merong treadmill at dumbbells. Kaya siguro pawis si Lucas. Meron isang pinto malapit sa treadmill, CR ata yun.
Napansin kong gumalaw si Lucas at walang ano't-ano'y hinubad niya ang polo niya.

Nanlaki mga mata ko! Bumilis ang kabog ng dibdib ko. Lagot na! Baka marape pa ko dito! Tumayo ako bigla dahilan para mapunta sakin atensyon nya.

"Uhm i-iwan ko na lang t-to." Turo ko sa bag.
"Where are you going? Why Kennedy?"
Papalapit siya sakin.
"U-um ano a..." Palapit siya ng palapit hanggang nasa harap ko na siya. Napapikit na lang ako gusto kong sumigaw.

Ramdam kong gumalaw siya at inangat kamay niya. Nangangatog na ang tuhod ko. Shemay ang lapit niya! Wala pa siyang damit!

May kung ano siyang kinuwa sa likuran ko. Dumilat ako nang maramdaman kong wala na sya sa harap ko. Nasa may pinto na siya ng Cr.

"For awhile, naging feelingera ka." Inangat nya ang kamay na may hawak na tuwalya at ngumiti.

Napatakip na lang ako ng mukha nang marealize ko katangahan ko.
Biglang bumukas ang pinto at dumating sina Drake at William.
Nakita nila ako at si Lucas na nakatayo pa din hawak ang tuwalya.

"Dude.... What the.." Nanlaki mga mata ni William nang makita ako at lalong napanganga nang makitang walang pang-itaas si Lucas.
"Kennedy?" Sambit ni Drake.

"Stop that William. I know what you're thinking." Sabi ni Lucas
"Man. You're full of surprises! Kaya pala ayaw mo sumama kanina. Ha! So, she's the reason why lahat ng girls binabasted mo! I'm starting to think na bakla ka! Buti na lang hindi. Silly me. Hahaha" pagtawa ni William.

"Shut up!" Tanging nasabi ni Lucas at binato kay William ang hinubad niyang damit at pumasok na sa CR.

"Uhm. S-sorry. I...."
"Hi there, you're blushing. You know her Drake?"

Tumango si Drake at nagsalita.

"Yeah. Neighbor. She lives accross street."

Yeah neighbor lang. Still good thing he knows my name.

"What's with you and Lucas?" Tanong ni William.
"No! Uhm nothing. Yung mommy mo. Uhm mommy mo Drake. S-she wants me to give this to you."
Inabot ko sa kanya ang bag niya.

"B-bye." Paalam ko at tumakbo na palabas.

"Psh. Cute." Narinig kong sabi ni William.
"Nice catch Lucas!" Dagdag naman ni Drake.

Why?! Si Drake ang gusto ko hindi si Lucas! Bwesit ka talaga Lucas!

The Cold Guy Likes MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon