Chapter 12: WHISPER

37 5 0
                                    

I ended the song and everyone is staring at me in awe.

"Goosebumps. Grabe ang lamig ng boses." Wika na Drake na nagbigay ng ngiti sa labi ko
"Girl, you became better. In fact perfect nga!" Niyakap ako ni August.
"Bravo! You sang it whole heartedly! May hugot eh. Para kanino kaya yun?" Wika ni William. Tumingin sila lahat sa gawi ni Lucas. Napalingon din ako sa kanya na ngayon ay katabi ni Kian

"Hoy Kian!" Tawag ko sa kapatid ko. Alam kong kung ano na naman kinukwento nun kay Lucas, aasarin na naman ako.
"What?"
"Anong ginagawa mo dyan?"
"Nakikipagkwentuhan" tipid na sagot niya ngunit nanatiling nakaupo sa tabi ni Lucas
"Baka pinagpaplanohan niya ko dyan"
"Sinamahan ko lang yung tao, di mo pinapansin eh." Siniko siya ni Lucas ng sinabi niya iyon.

"Naku. Mukhang close na kayo ni brother-in-law Lucas ah!" Nakangising tugon ni William.
"Akyat na ko." Salita ni Kian pero bago siya tumayo may binulong siya kay Lucas kaya't nanlaki mga mata nito at sinundan ito ng tingin.

"Ano yun Kian?" Tanong ko ngunit nilampasan niya lang ako.
"Ask him" sigaw niya bago pumasok ng bahay.

Binaling ko ang paningin kay Lucas nahuli ko siyang nakatingin din sakin ngunit agad na tumingin sa ibang direksyon.

Maya maya pa'y nagpaalam na sina Sharon at Sidney. Sumunod naman na pumasok sa bahay ang kambal. Isa-isa naman kaming sumunod na.
Teka kulang ata kami. Inikot ko ang paningin sa garden at napansing nakahiga si Lucas sa damuhan. Tulog ba yun?
Nilapitan ko siya. Nakapikit nga. Hayys gigisingin ko pa tong kupal na to.

"Hoy Lucas!" Wika ko habang bahagyang sinipa ang tagiliran niya.
"Hhhhmmm" tanging tugon nito
"Hoy! Gising na! Ikaw na lang andito."

Aba't tulog mantika talaga. Umupo na ko sa tabi niya at inalog siya.

"Wake up!!" Wala pa rin.
Hayys buhusan ko kaya ng tubig? Di pwede baka magalit pa to lalo. Tinapik ko ang pisnge niya. Failed pa din.
"Lucas. Wake up. Sige ka iiwan na kita." Hinawakan ko ang buhok niya hinila hila ito ng bahagya.

"Awww" dumilat na ang mga mata niya.
"Gising na" sambit ko ngunit di ko pa din tinatanggal ang kamay ko sa buhok niya. Ang lambot naman. Ang daya talaga yung buhok ko di naman ganto kalambot. Ano kaya shampoo neto?
"Don't touch my hair." Tinabig niya ang kamay ko.
"Psh. Bakit may kuto ka noh?"
"Ikaw mukhang kuto."

Aba't nagsisimula na naman to. Tumayo na siya at naglakad patungo sa kitchen door. Naalala ko ang sinabi ni Kian. Itatanong ko pala ano binulong niya kay Lucas.

"Lucas!" Tawag ko at hinawakan ang kamay niya nang maabutan ko siya.

Nilingon niya ko. Nagulat siya at binaba ang tingin sa kamay namin. Agad kong binitawan at pinasok niya sa bulsa mga kamay niya.

"Anong sinabi ni Kian?"
"Nothing" tipid niyang sagot
"Anong nothing? Eh nakita ko kayo. Ano ba kasi yun?"
Lumapit sya sakin. As in sobrang lapit! Shemay! Bakit parang ayaw kong umatras?
Yumuko sya ng bahagya at dahan dahang nilapit ang mukha sa akin.

Pumikit ako. Di ko alam anong gagawin. Sa pangalawang pagkakataon na ginawa sa akin ito ni Lucas.

"He said, you like me." Bulong ni Lucas at dumilat ako.
"What?!"

He smiled at tinap ang ulo ko.
"Good night Kennedy."

The Cold Guy Likes MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon