CHAPTER 5

932 23 6
                                    


TRIGGER WARNING: This chapter contains description of violence and sexual assault. Also has a words that you may find uncomfortable to read with. Please, stop reading this story if it may cause you feel offensive and disturbance.

---

Tumayo ako mula sa pagkakahiga pero bago ko magawa ay napangiwi ako sa sobrang sakit na aking naramdaman sa butas ko. Sobrang sakit na para bang ayaw ko na lang gumalaw pero pinilit ko pa rin ang sarili kong bumangon upang pumunta sa banyo. Sa tuwing gagalaw ako ay sobrang sumasakit ang butas ko. Sobrang sakit talaga na sa bawat galaw ko ay laging napapangiwi na lang ako sa sakit.

Pagkabangon ko ay nakita ko ang butas kong punong-puno ng dugo. Nakita ko rin ang dugo na nagkalat sa sahig na nagmula sa pagkababae ko. Napahagulgol na naman ako dahil doon. Dahil nakuha ng demonyong hayop na iyon ang pagkababae ko. Inabot ko ang napunit kong damit tapos ay pinahid sa tiyan ang malagkit na ibinulwak ng ari ng hayop na iyon.

Iyak ako nang iyak at hagulgol ako nang hagulgol habang ginagawa iyon. Galit ako. Galit at punong-puno ng pandidiri sa sarili ko. Tumayo ako pagkatapos noon. At nang makatayo na ay paika kong tinungo at kinuha ang tuwalya ko. Nang makuha ko na ang tuwalya ko ay lumabas na ako ng kwarto para pumunta ng banyo. Pero bago ako lumabas ay tiningnan ko muna kung nasa bahay ba ang demonyong gumahasa sa akin. At nang matanto kong wala ang hayop at siguro ay lumabas para makipag-inuman na naman ay tinungo ko na ang banyo.

Paika at sobrang napapangiwi ako sa sakit habang tinutungo ang banyo. At nang makarating na ako roon ay agad akong naligo. Marahas kong hinilod ang aking sarili sa diri na nararamdaman ko. Gusto kung matanggal ang bawat halik, paglamas, paglapat ng mga kamay ng walang hiyang taong iyon na nararamdaman ko sa balat ko---kaya sobrang dahas na hinilod ko ang sarili ko. Pero kahit anong gawin ko ay pakiramdam ko, nasa balat ko pa rin ang nakakadiring mga halik, paglamas, at panghahalay na ginawa sa akin ng demonyong iyon.

Iyak ako nang iyak at hagulgol ako nang hagulgol sa loob ng banyo habang hinihilod nang marahas ang sarili ko dahil wala akong nagawa. Wala akong nagawa para mapatigil ang hayop na iyon. Wala akong nagawa para ipagtanggol ang sarili ko. Grabing poot, galit, hinanakit, at diri ang nararamdaman ko sa sarili ko. Pero mas grabing poot, galit hinanakit at diri ang nararamdaman ko sa hayop na lalaking iyon.

Matapos akong maligo ay sinunod kong linisin ang kwarto ko. Kahit na sobrang sakit ng pagkababae ko maging ang buo kong katawan ay sumasakit rin at nanghihina ay pinilit ko pa ring gumalaw. Labis-labis akong umiiyak habang pinupulot ang panty, shorts, punit-punit kong bra, at damit sa sahig. Habang itinatapon ang mga ito sa trashbin ay panay pa rin ang pagluha ko dahil sa bawat pagpulot ko dito at pagtapon ay naaalala ko ang bawat galaw nang kalaswaang ginawa sa akin ni Tito Vido. Pati ang kung paano karahas niyang tinanggal ang mga suot kong ito sa katawan ko. Labis-labis akong humahagulgol dahil naalala ko kung paanong hinalay ako ng walang hiyang demonyo na iyon. Lalong-lalo na sa dugo kong nasasahig.

Habang nakatingin ako sa dugo ko at nililinis ito ay sobrang sumasakit ang dibdib ko. Sumisikip na para bang pinipiga ang puso ko. Sumasakit na para bang sinusuntok ito at hinihiwa ng kutsilyo dahil sa isiping wala akong nagawa para hindi matuloy ang gustong gawin sa akin ng demonyo.

Awang-awa ako sa sarili ko. Awang-awa ako dahil nakuha ng hayop na iyon ang pagkababae ko. Awang-awa ako dahil hindi ko naprotektahan ang sarili ko. Ang sakit, ang sakit-sakit na para bang pinatay ako. Ang sakit-sakit dahil wasak na wasak ako. Hindi lang ang katawan at pagkababae ko kundi maging ang buhay ko.

Matapos malinis ang kababuyang ginawa sa akin ng hayop na iyon sa kwarto ko ay tinungo ko na ang aking kama. Humiga roon, tinakpan ang sarili ng kumot, at pumikit para matulog. Pero pagkapikit ko ng aking mga mata ay nakita ko ang mukha ng demonyong iyon kung paanong binaboy niya ang pagkatao ko kaya agad na napadilat ako. Pagkadilat, doon ay agad na rumagasa na naman ang mga luha sa aking mga mata na para bang hindi na matatapos itong paghagulgol at pag-iyak ko. Napuno na lang ang gabi ko nang sakit, galit, poot, hinanakit, at pandidiri.

Rainbow After The Pain Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon