CHAPTER 6

872 19 0
                                    

Nang nasa campus na ako, doon ay laging tulala ako. Exam namin pero hindi ako makapag-focus dahil laging sumasagi sa isip ko ang nangyari. Ang nangyaring kahalayan at kahayupang ginawa sa akin ng hayop na iyon. Ang hayop at demonyong taong iyon. Sa tuwing pumapasok sa isip ko iyon ay talagang sobrang nandidiri ako, sobrang diring-diri ako. Hanggang sa matapos na ang araw ng klase at oras nang umuwi ay iyon pa rin ang nasa isip ko.

Hapon na at nagsisiuwian na ang mga estudyante. Oras nang umuwi pero hindi ako umuwi sa bahay. Hindi ako dumiretsong umuwi dahil ayaw kong makita ang demonyong iyon! Ang hayop na taong iyon!

Mula sa campus ay naglakad ako patungong police station para isumbong ang kawalang-hiyaang ginawa sa akin ng demonyong hayop na iyon. Isusumbong ko sa police ang kahayupang ginawa sa akin ng walang hiyang Vido na 'yon.

"Anong nangyari?" tanong nang lalaki.

"H-hindi ko n-nagawang isumbong sa pulis," hagulgol kong tugon habang nakayuko ang ulo ko.

"Ha? Bakit? Bakit hindi mo isinumbong ang hayop na stepfather mo?" Ramdam ko ang pagtataka ng lalaki.

Lalo akong humagulgol matapos marinig ang tanong niya. "Siguro, hindi mo maiintindihan o kahit na sinong tao kung bakit hindi ko magawang masabi sa mga pulis ang nangyari sa akin. Ang tanging makakaintindi lang ay ang mga taong nasa sitwasyon ko," hirap na hirap kong sagot sa lalaki dahil sa sobrang sakit ng dibdib ko at paghagulgol nang maalala ang nangyari sa akin kanina---ang paghalay sa akin ng demonyong stepfather ko. "Hirap na hirap ako. Hindi ko alam pero natatakot ako. Natatakot akong isumbong ang hayop na 'yon sa mga pulis. At sa tuwing naaalala ko iyon. . " Napahinto ako dahil sa sobrang kirot sa pusong naramdaman ko na para bang pinapatay ako, "sumisikip ang dibdib ko na para bang hindi ako makahinga, na para bang pinapatay ako."

"Naiintindihan ko," saad nang lalaki kaya napaangat ako ng ulo at napatingin sa kaniya. "Naiintindihan ko kung bakit hindi mo masabi sa mga pulis. Hindi sa dahil ay takot ka, kundi ay dahil sa kapag ikinuwento mo ito sa mga pulis ay siguradong maaalala mo ang nangyaring kahalayan na ginawa sa 'yo ng lintik na 'yon. Those filthy touches and kisses he did ay maaalala mo na nagiging dahilan para sumikip ang dibdib mo. To the point na para kang pinapatay dahil sa sobrang sakit na nararamdaman mo sa puso mo. I know dahil kitang-kita ko kung gaanong hirap na hirap kang ikuwento sa akin ang nangyari sa 'yo."

Bumuhos lalo ang mga luha ko. Bumuhos dahil sa narinig kong sabi noong lalaki. Sa kabilang banda ay tama ang mga tinuran niya. Hirap na hirap akong ikuwento ang nangyari sa akin dahil sa tuwing ikukuwento ko iyon, naaalala ko ang bawat nakakadiring paghawak at paghalik ng demonyo sa akin. Tila ba nararamdaman kong muli sa katawan ko ang nakakadiring kahalayan na ginawa sa akin ng hayop na 'yon. Bumabalik sa akin ang pakiramdam nang bawat suntok, sakal, sampal, at sabunot na ginawa niya sa akin. Bumabalik sa akin ang pakiramdam kung paanong marahas niyang sinira ang lahat ng saplot ko, ang nakakadiri niyang pagbayo, at paglabas-pasok niya sa pagkababae ko. Nandidiri ako. At sa tuwing naaalala ko ang ginawang kahalayan ng demonyong iyon ay hindi ko mapigilang makaramdam ng sobrang bigat at kirot sa puso ko.

Napaiwas ako nang tingin sa lalaki at tumingin sa aking harapan. "Kaya gusto kong magpakamatay. Kaya gusto kong kitilin ang buhay ko ay dahil hindi ko kaya. Hindi ko na kaya ang sakit at diring-diri na nararamdaman ko sa sarili ko. Gusto kong magpakamatay dahil ang hina-hina ko. Ang hina-hina ko dahil hindi ko magawang isumbong sa pulis ang kahayupang ginawa sa akin ng walang hiyang Vido na 'yon. Gusto ko nang tapusin ang buhay ko, gusto ko nang mawala sa mundong 'to."

"Naiintindihan ko kung bakit hindi mo magawang masabi sa mga pulis ang nangyari sa 'yo. Hindi man ako ang nasa sitwasyon mo pero somehow, naiintindihan kita. Pero hindi pa rin magbabago ang sinabi ko sa 'yo na kung ano man 'yan ay hindi ang pagpapakamatay ang solusyon." Napalinga akong muli sa lalaki dahil may tonong galit ang boses niya habang rumaragasa pa rin ang mga luha ko. "Gaya nang sabi ko sa 'yo, marami ang tao sa mundong may iniindang malubhang sakit na siyang dahilan para bilang na lang ang ilalagi nila sa mundo. Masuwerte ka at mahaba pa ang buhay mo. Masuwerte ka dahil maraming taong may malubhang sakit na nangangarap na sana'y maging mahaba pa ang panahon na ilalagi nila sa mundo. At isipin mo ang nanay mo pati ang nakita mo sa loob ng hospital na isang inang labis na naghihinagpis nang mawala na ang anak niya. Isipin mo ang nanay mong naghihirap sa ibang bansa na walang kaalam-alam sa nangyayari sa 'yo dito. Isipin mo ang nanay mo kung ano na lang ang magiging reaksyon niya kapag wala ka na. Kung anong magiging reaksyon niya na sa pag-uwi niya dito sa Pilipinas ay patay ka na. Siguradong gaya ng inang 'yon na nasa loob ng hospital, siguradong maghihinagpis rin ang nanay mo kapag kinitil mo ang buhay mo. Mas labis pang paghihinagpis ang mararamdaman nang nanay mo dahil ikaw na lang ang mayroon siya. Isipin mo 'yon bago mo wakasan ang buhay mo," mahabang litanya na naman niya.

Sumagi sa isip ko si mama dahil sa sinabi niya. Tama siya, tamang-tama siya sa lahat ng mga sinabi niya. Hirap na hirap si mama sa ibang bansa. Nalaman ko pang nagkakasakit na siya roon dahil sa katatrabaho para lang sa akin. Pero ang hindi alam ni mama ay hindi naman napupunta sa akin ang mga pinagpaguran niya dahil winawaldas lang ng hayop na 'yon sa bisyo niya. Kung malalaman ni mama na patay na ako, siguradong mahihirapan lang ang loob ni mama. Ilang taon na hindi kami nagkita at sa pag-uwi niya ay nasa loob na ako ng kabaong. Kapag ganoon, siguradong hindi makakayanan ng puso ni mama iyon. Kita ko kung paanong naghinagpis si mama noon noong mawala si papa. Ayaw kong maramdaman muli ni mama iyon.

"At isipin mo na lang rin ang walang hiyang stepfather mo. Kung magpapakamatay ka, hindi siya makukulong sa kawalang-hiyaang ginawa niya. Hindi niya mapagbabayaran ang ginawa niya. At baka gawin niya pa sa iba ang ginawa niya sa 'yo. Kailangan mong ipakulong siya, kailangan mong pagbayarin ang walang hiyang gagong 'yon sa ginawa niya sa 'yo." May tono pa ring galit sa boses niya.

"P-Pero hindi ko k-kaya."

Mula sa aking mukha ay yumuko ang lalaki, tumingin sa kamay ko, inabot at hinawakan ito. Pagkatapos gawin iyon ay tumingala siya para tingnan ako. "Huwag kang matakot. Sasamahan kita. Magtiwala ka, hindi ka mag-iisa."

Nang marinig iyon at habang hawak niya ang kamay ko, ramdam kong gusto niyang tulungan ako. Dahil sa sinabi niya ay parang naibsan ang poot, galit, sakit, hinagpis, at takot sa puso ko. Tila ba parang may humaplos sa puso ko kaya nabawasan ang nararamdaman kong halo-halong emosyon. Ilang taon nang wala si mama sa tabi ko. Mula nang nagtrabaho siya abroad ay nawalan na rin ako ng taong masasandalan. Pero sa sinabi nang lalaki ay parang pinaparating nito na nandiyan siya at pwedeng sandalan ko.

Dahil sa sinabi ng lalaki na parang pinagaan ng kaunti ang loob ko at pinamulat ang kaisipan kong hindi ituloy ang balak na wakasan ang buhay ko ay wala akong ibang nagawa kundi ang mas lalong maluha. Maluha hindi dahil sa sakit, poot, galit, takot, at hinagpis. Kundi luha dahil sa kabaitan na nakikita at nararamdaman ko sa lalaking nasa tabi ko.

Rainbow After The Pain Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon