CHAPTER 4

1K 21 4
                                    


TRIGGER WARNING: This chapter contains description of violence and sexual assault. Also has a words that you may find uncomfortable to read with. Please, stop reading this story if it may cause you feel offensive and disturbance.

---

Pero bago pa man ako makaabot sa pinto ay nahawakan na ni Tito Vido ang buhok ko at hinablot ito. Napangiwi ako sa sobrang sakit na naramdaman ko sa ginawa ni tito.

"Tito Vido, huwag po," nanginginig ang boses na pakiusap ko dahil sa takot na takot na talaga ako.

"Huwag kang maingay, magpapasarap tayo," nakakapangilabot ang tinig na nakangiting saad ni Tito Vido.

Mas umusbong pa lalo ang takot ko at sobrang nanginginig ako sa nakita at narinig ko kaya hinampas ko ang kamay ni Tito Vido na nakahawak sa buhok ko at sinampal siya ng pagkalaslakas. Pagkatapos siyang sampalin ay umaksyon na akong tatakbo sana ulit papunta sa pinto pero hinablot na naman niya ang buhok ko at biglang buong lakas na sinuntok ang tiyan ko.

Napahawak ako sa aking tiyan, napa-upo sa sahig, napabaluktot ng katawan, at namimilipit sa sobrang sakit matapos niya akong suntukin. Sa lakas nang suntok niya sa aking tiyan ay nawala ang hangin sa loob ko at para bang nanghina ako. Hindi ako makahinga. Hindi ko mahanap ang hangin ko. Parang may kung anong bumabara sa ilong at lalamunan ko.

Panay ang paghanap at paghabol ko sa hangin ko upang makahinga pero sobrang tagal bago ko nahanap iyon. Nang nahanap ko na iyon at nakahinga na ako ay agad na dumaloy ang mga luha ko mula sa mata. Mabilis at nagsisiunahan sila sa paglabas dahil sa sakit na aking nadarama. Umiiyak na ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Sobrang sakit na para bang hindi ko na kakayanin ito.

Biglang sobrang bilis na lang na lumapit si Tito Vido sa akin pagkatapos ay mabilis at marahas na pinahiga ako kaya sumalpok ang ulo ko sa sahig. Pagkatama ng ulo ko sa sahig ay napapikit ako dahil sa sakit nang pagkakabagok ng ulo ko. At sa sobrang sakit nang pagkakabagok nito ay nanlabo ang paningin ko nang minulat ko na ang mga mata ko.

Bigla na lang na marahas niya ring pinunit ang damit na suot ko matapos mapahiga ako dahilan para mapahagulgol ako at mapatakip nang mabilis sa katawan kong hubo ang bandang itaas gamit ang mga kamay. Marahas siyang dumapa papunta sa leeg ko matapos noon at hinahalikan ako. Tinulak ko siya pero hinawakan niya ang kamay ko at marahas na nilagay ito sa ibabaw ng ulo ko at ipinagpatuloy ang paghalik mula sa leeg, papuntang dibdib at pabalik sa leeg ko. Sobrang hamahagulgol na ako dahil doon. Dahil nandidiri na ako sa ginagawa niya.

Pinilit kong kumawala pero nang maramdaman niyang gusto kong kumawala ay mas hinigpitan niya pa ang paghawak sa kamay ko at pinabigat ang sarili sa ibabaw ko habang patuloy na ginagalugad ng nakakadiri niyang mga labi ang leeg at dibdib ko.

Sobrang humahagulgol na talaga ako dahil sa sobrang nandidiri na ako sa ginagawa niya. Sobrang diring-diri na akong maramdaman ang mga labi niya sa leeg at dibdib ko. At mas lalong nandidiri ako sa katawan niyang binabayo ako habang hinahalikan ako.

"Tito Vido, tama na po," humahagulgol at iyak na pakiusap ko sa kaniya pero imbes huminto ay mas naging marahas pa ang paghalik niya.

Matapos sa leeg at dibdib ko ay pumunta na naman siya sa likod ng tainga ko, sa loob ng tainga pagkatapos ay papunta sa pisngi ko dahilan para manginig na ako sa sobrang takot at pandidiri na nararamdaman.

"Tito, tama na po," pakiusap ko ulit pero ayaw niya talagang tumigil. "Tulong! Tu---" Hindi ko na natapos dahil sa biglaang pagsuntok na naman niya sa tiyan ko.

Hindi na naman ako makahinga. Panay habol at hanap na naman ako sa hangin ko. Namimilipit na naman ako sa sakit ng pagkakasuntok niya. Sa mga oras na ito ay ramdam ko nang ako ay nanghihina na dahil sa ikalawang suntok na natamo ko sa kaniya. Nagkakarera na ang mga luha kong umaagos mula sa aking mga mata.

Rainbow After The Pain Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon