CHAPTER 23

368 13 2
                                    


Habang nilalakbay ang daan sa kung saan sakay ang sasakyan ng mga magulang ni Rainier ay biglang umasim ang tiyan ko. Parang babaliktad ang sikmura ko sa tagal na naaamoy ko ang amoy nitong sasakyan.

"Okay ka lang ba, anak?" nag-aalalang tanong ni Mama sabay hawak sa balikat ko.

Napatingin sa amin ang mga magulang ni Rainier na nasa aming harapan ni Mama. Ang mama ni Rainier ay deretsong nilingon ako. Ang kaniyang ama ay sa side mirror.

"Anong nangyayari, iha?" tanong ng mama ni Rainier.

"P-Parang . . . parang m-masusuka po ako."

Agad na nagkatinginan ang mga magulang ni Rainier nang marinig ang sagot ko. "Matitiis mo pa ba, iha? Malapit na tayo." Nag-aalala ang tinig ng ama ni Rainier.

Hindi ako sumagot. Hindi ko kayang sumagot dahil talagang nasusuka na ako. Kaya nang huminto na ang sasakyan ay dali-dali akong bumaba. At kahit gustuhin kong maghanap muna ng banyo at doon sumuka ay hindi ko na talaga kaya. Kaya pumunta ako sa isang gilid at doon ibinuhos ang gustong ilabas ng lalamunan ko.

"Okay ka lang ba anak?" Si Mama na humabol pa pala sa akin.

"O-Opo, Mama. Hindi ko lang gusto ang amoy ng sasakyan kaya ako nasusuka," sagot ko.

Nilibot ko at tiningnan ang lugar na pinuntahan namin pagkatapos noon. At doon ay kumunot ang noo ko. Napalinga ako sa mga magulang ni Rainier pagkatapos ay napatingin muli sa building na nasa aking harapan.

Ospital?

Pamilyar ang lugar. At dahil doon ay nilibot ng paningin kong muli ang paligid. At doon ko lang napagtantong ito ang ospital kung saan dinala ako ni Rainier para ipaintindi sa aking hindi ko dapat sayangin at kitilin ang buhay ko. Sapagkat maraming may malubhang sakit sa loob ng ospital na may taning na ang buhay ngunit gustong-gusto pa ang mabuhay. Mga taong may mga malalalang sakit pero lumalaban pa rin dahil gusto pa nilang mabuhay ng matagal. Mga taong may malalalang sakit na nangangarap na sana ay normal lang ang kanilang nararamdaman at wala silang iniindang sakit. Mga taong kaunti na lang ang ilalagi dito sa mundo at nangangarap na sana ay magkahimala at mabuhay pa sila ng matagal na naaayon sa kanilang gusto.

Nang dahil sa naalala ko ay mabilis na namayani ulit ang kaba sa puso ko. Mabilis na napalinga ako sa mga magulang ni Rainier. At doon ay nakita ko na naman ang nagdadalamhati nilang mga mata.

H-Hindi. H-hindi maaari. S-sana mali ang iniisip ko. Sana ay mali ako.

Lumapit ang mga magulang ni Rainier sa amin. "Tara na, iha. Pumasok na tayo sa loob. Naghihintay na ang anak ko sa 'yo," nakangiting sabi ng mama ni Rainier.

Hindi ko alam pero dinadagdagan nang ngiti na iyon ang nararamdaman kong kaba. Binibigyan ako ng mga ngiti na iyon ng palaisipan. Sana ay mali ako. Pakiusap, sana ay mali ang iniisip ko.

Pumasok na kami sa loob. At sa pagpasok ko ay naramdaman ko ang pagbigat ng puso ko. Pagbigat ng puso dahil parang ramdam ng puso kong may hindi magandang naghihintay sa akin sa ospital na ito. At habang tumatagal ay mas lumalala ang kaba na nararamdaman ko.

Mas tumindi pa iyon nang marinig kong suminghot ang ina ni Rainier. Agad akong napalinga sa kaniya. At doon ay kitang-kita ko kung paanong parang nahihirapan siyang humakbang pa. Ang namumuong luha sa kaniyang mga mata habang alalay ng asawa ay halatang nagdudusa siya. Ngunit nakikita at nararamdaman ko ang panay na pagpigil niyang hindi daluyan ng mga luha.

Ngunit nang nasa harap na kami ng pinto ng isa sa mga kwarto nitong ospital ay ganoon na lang ang pagbalot ng kaba sa buong katawan ko nang makita ang ina ni Rainier na mabilis na yumakap sa asawa at doon ay humagulgol. Mas tumitindi pa iyon nang ang ama ni Rainier na hinahagod ang likod ng asawa ay pinapangiliran na rin ng mga luha. Kaya ang matinding kabang nararamdaman ng puso ko nang dahil sa nakikita ko ay nagtutulak sa mga luha kong ngumilid sa aking mga mata.

Rainbow After The Pain Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon