CHAPTER 21

418 16 1
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Nagbago ang ayos ng kwarto ko. Ni hindi ko na nga maalala ang ayos ng kwarto ko dati nang dahil sa pagbabagong nakikita ko. Para ngang hindi ko ito kwarto. Kaya napuno ako ng gulat at pagtataka sa nadatnan at nakikita ko.

Pinasadahan ko nang tingin ang buong paligid nitong kwarto. Ang bintana ay natatakpan ng malaki at mahabang kurtina. Ang paligid ay puno ng mga nakasinding kandila na siyang nagsisilbing ilaw ng kwarto ko. Ang iba ay nakalagay lang sa kung saan at ang iba ay nasa loob ng lantern. At maliban sa kandila ay may mga nakasabit na fairy lights sa kisame at mga dingding.

At nang matapos kong libutin ang paligid at dumapo ang paningin ko sa papag, sa aking harapan ay hindi ko alam ang mararamdaman. Nakaupo siya sa ibabaw ng mat na nasa papag na may mga unan at nakangiting nakatingin sa akin.

"Congratulations, Bownie."

Parang may kung anong tumusok sa puso ko nang marinig ang boses niya at makitang deretso niya akong tiningnan sa mata habang nakangiti. Na para bang hindi nangyari ang kagabing hindi siya umiimik, hindi nagsasalita at hindi kumikibo. Na para bang hindi nangyaring iniwasan niya ako matapos ang nangyari doon sa dalampasigan. Na para bang hindi nangyaring hindi niya ako magawang tingnan.

Tumayo siya at lumapit sa akin. At nang makalapit ay bumaba ang tingin niya sa mga kamay ko, inabot at hinawakan ito. Matapos noon ay nag-angat siya nang tingin sa mukha ko. Pinasadahan niya ang bawat parte ng mukha ko na para bang kinakabisa ang itsura ko. Matapos pasadahan ang bawat parte ng aking mukha ay ngumiti na naman siya.

"Gutom ka na ba, Bownie? Come, I cooked and prepared a special food for you."

Hindi ako sumagot at tinitigan lang siya. Nang marinig ang sinabi niya ay para bang kumirot ang puso ko at nakaramdam ng mas maraming pagtusok. Nasasaktan ako sa narinig ko. Nasasaktan ako dahil kagabi lang ay nawala ang ganitong pagtrato niya sa akin. Ang alalahanin ang kalagayan ko at paghandaan ako. Nasanay ako, e. Nasanay akong nandiyan siya, inaalala ako, at ginagawa ang mga bagay para sa akin.

Marahan niya akong hinila sa ibabaw ng mat at pinaupo nang hindi makarinig ng sagot mula sa akin. Matapos noon ay ipinaghanda niya ako ng makakain sa harapan ko. Tiningnan ko siya at pinagmamasdan ang ginagawa niya. Matapos noon ay muli kong nilibot ang paligid ng kwarto ko gamit ang paningin.

Napakaromantiko na naman.

Napakaromantiko na naman nitong ginawa ni Rainier. Napakaromantiko na naman kaya hindi ko maiwasang masagi sa isip ko ang romantikong sorpresa niya rin kagabi na talagang ikinasaya ko pero ikinalungkot ko rin pagkatapos. Tuloy ay hindi ko maiwasang pangiliran ng mga luha, dahil inaalala kong kung magiging masaya ako sa napakaromantikong sorpresa na naman niyang ito---at aasa na naman akong may pagmamahal na naman siyang nararamdaman para sa akin kagaya ng nararamdaman ko para sa kaniya nang dahil dito sa kaniyang ginagawa ay baka sa huli, masasaktan na naman ako.

Rainbow After The Pain Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon