CHAPTER 19

416 6 0
                                    

Mas napatitig pa ako kay Rainier nang marinig ang salitang gusto. Parang may kung anong namumuong excitement sa puso ko.

"Gusto . . ." Hindi na naman maituloy na sasabihin ni Rainier.

Sa nakikita ko sa kaniya, nahihirapan siya. Nahihirapan siyang dugtungan at sabihin sa akin ang kung ano mang nais niyang sabihin. Pero kahit ganoon. Kahit nahihirapan siyang dugtungan ang salitang gusto ay taimtim akong nakikinig sa kaniya at naghihintay sa karugtong ng sasabihin niya. Dahil ang karugtong niyon ay alam kong ang bagay na gustong-gusto kong marinig ngayon mula sa kaniya. Ang salitang gusto niya rin ako. At baka ito na rin ang oras na umamin na rin ako ng nararamdaman ko para sa kaniya.

Pinakatitigan ako ni Rainier sa mga mata. Ang mga namumungay na mga mata niya ay palipat-lipat nang tingin sa aking dalawang mata. Naghihintay pa rin ako sa karugtong ng sasabihin niya.

"Gusto . . ." Huminto na naman si Rainier. Nakita kong huminga siya nang malalim, ibinuga ito nang marahan at sa huli ay ngumiti. "Gusto . . . mo na bang kumain?"

"Ha?"

Mas ngumiti pa si Rainier. "Tinatanong ko kung gusto mo na bang kumain." Bahagya siyang tumawa pagkatapos. "Parang nabingi ka na ata dahil sa ganda ng sorpresa ko sa 'yo, Bownie, a." Ngumiti ng nakakaloko si Rainier habang nakatingin pa rin sa akin.

Biglang may kirot akong naramdaman sa puso ko nang marinig ang sinabi ni Rainier. May kirot akong naramdaman sa puso ko dahil iba ang gusto kong marinig mula sa kaniya. Iba ang gusto kong karugtong ng gusto na sasabihin niya.

Hindi ako nabingi. Sadyang iba lang ang inaasahan kong magiging sagot niya. Dahil hindi iyon ang mga katagang gusto kong marinig. Hindi iyon ang hinihintay ko.

Nginitian ko na lang si Rainier bilang tugon sa sinabi niya. Isang klasi nang ngiti na hindi masaya.

"So, tara na? I prepared delicious foods tonight for you," nakangiti pa ring sabi ni Rainier. Tumango na lang ako bilang sagot at hindi na nagsalita pa.

Aaminin kong nalungkot at nadismaya ako dahil iba ang inaasahan kong sasabihin ni Rainier---ang inaasahan kong sasabihin niya sanang may gusto rin siya sa akin. Pero siguro ay ganoon talaga ang buhay. Nangyayari ang kabaliktaran ng ating inaasahan. Na hindi lahat ng inaasahan natin ay siyang mangyayari. At dahil doon ay talagang nakakalungkot. Nakakapagbigay kirot sa dibdib.

Naunang tumayo si Rainier habang nasa akin pa rin ang mga mata niya at hawak-hawak pa rin ang kamay ko. Sinundan ko siya nang tingin habang tumatayo siya. Sandali kaming nagtitigan ni Rainier. Siya na nakatungong nakatayo sa harap ko at ako na nakatingalang nakatingin sa kaniya na nakaupo pa rin. Matapos ang ilang sandaling pagtitigan ay inalalayan niya na akong tumayo. Ngiting-ngiti siya habang ginagawa iyon.

"Handa ka na ba, Bownie?" tanong ni Rainier nang makatayo na ako. Nakangiti pa rin.

Kumunot ang noo ko. "Sa alin?" taka kong tanong. Pero imbes na sagutin ako ay nakangiti siyang dahan-dahang nilinga ang pinanggalingan namin. Ang lugar kung saan kami naglakad kanina patungo dito sa aming kinatatayuan.

At dahil sa kuryusado ay napalinga rin ako roon. At sa paglinga ko ay hindi ko inaasahan ang makikita ko. Hindi ko inaasahang may mas igaganda pa pala itong sorpresa ni Rainier. Sa sobrang ganda ay napatakip pa ako ng bibig.

Sobrang ganda ng paligid. Talagang sobrang ganda na para bang ayaw ko nang ialis ang aking mga mata sa aking nakikita. Kung kaninang maliwanag pa ang kalangitan ay maganda na itong tingnan, mas gumanda pa ito ngayong binalot na ng kadiliman ang buong lugar. Dahil sa harap ko, ang nagbibigay liwanag na lang nitong dalampasigan ay nagmumula sa mga nakahilerang glass tealight candle holder. At ang mga nakapulupot na fairy lights sa iilang mga palm trees na malapit doon.

Rainbow After The Pain Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon