CHAPTER 1

1.8K 45 8
                                    


"Rainbow, anak, gising na. Gising na si mister sun, o! Kaya dapat gumising ka na rin." Pagpapagising ko sa anak kong 5-year-old na babae.

"Mama, I'm still sleepy pa po," sagot ng anak kong si Rainbow na may kasama pang hilik at halata ngang antok na antok pa.

"Rainbow, kailangan mo nang bumangon." Pagsuyo ko sa anak ko. "Kasi, you should take a bath na," dagdag ko pa.

"Later . . . na po . . . Mama . . ."

"Gano'n ba, anak? So, ako lang pala ang pupunta kay Papa mo ngayon? Sayang naman," pagpaparinig ko kay Rainbow at diin na pagkasabi ng salitang papa.

Nang marinig ni Rainbow ang salitang papa ay agaran niyang binuksan ang kaniyang mga mata at ubod nang sigla siyang tumayo na parang hindi halata na kanina'y siya ay antok na antok.

"Papa?!" sobrang sigla niyang tanong na may kasama pang ngiti.

Tumango ako bilang pagsang-ayon na may kasama ring ngiti.

"Yehey! We will go to, Papa! Yehey!" tuwang-tuwa na ani ni Rainbow habang lumulundag sa ibabaw ng kama namin pagkatapos ay mabilis na bumaba at hinila ako.

"Let's go na, mama. Let's take a bath na," atat na atat na pagkasabi ni Rainbow. "Tara na po, mama. Let's hurry up na po," dagdag niya pa.

Napangiti ako sa inasta ng anak ko, at pagkatapos ay sumunod na sa gusto niya. Nagpahila ako sa kaniya papuntang banyo habang tuwang-tuwa na nakikita siyang excited na excited na makita ang papa niya. Mga ilang minuto lang din ay natapos na rin kaming maligo.

"Siguradong matutuwa si Papa sa 'yo anak," saad ko kay Rainbow na nakangiti. "Paamoy nga ng kilikili," sabi ko pa sabay angat sa kilikili niya pagkatapos ay inamoy ito.

Medyo natawa si Rainbow sa ginawa ko marahil ay dahil nakikiliti siya. Matapos siyang amuyin ay tiningnan ko ang anak ko.

"Hmm. . . . Ang bango-bango na ng anak ko, a," nakangiting saad ko pagkatapos ay kiniliti ang anak ko.

Tawang-tawa si Rainbow habang ako ay tumatawa rin sa ginagawang pagkiliti ko sa anak ko.

"Bownie, matagal pa ba kayo?" sigaw ni Mama sa labas ng kwarto.

Lumingon ako sa pintuan ng kwarto namin ni Rainbow. "Malapit na po, Mama. Magbibihis na lang po kami," sagot ko.

"Bilisan niyo na diyan nang makapag-agahan na tayo bago umalis."

"Opo, 'Ma," tugon ko kay Mama pagkatapos ay lumingon na ulit kay Rainbow. "O, bihis na tayo, anak, dahil naghihintay na si Mamala sa baba," saad ko sa anak ko.

Mamala ang tawag ni Rainbow sa lola niya. Combination of mama at saka lola.

"Sasama po sa atin si Mamala, Mama?" tanong ng anak kong si Rainbow.

Tumango ako na may kasamang ngiti bilang pagsang-ayon pagkatapos ay nagbihis na kami, lumabas ng kwarto, at pumunta na sa lamesa para kumain ng agahan.

"Good morning, Mamala!" galak na galak na bati ng anak ko sa lola niya nang makita na ito.

"Good morning din sa 'yo, apo! Excited ka bang puntahan si Papa mo?" tanong ni Mama kay Rainbow na may kasamang ngiti.

"Opo!" galak na galak na sagot ng anak ko.

"O, siya, bilisan na nating kumain nang mapuntahan na natin ang papa mo," utos ni Mama na agad namang sinunod ni Rainbow.

Mga ilang minuto ang dumaan ay natapos na rin kaming kumain at pagkatapos kumain ay nagsipilyo na rin.

Rainbow After The Pain Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon