CHAPTER 15

466 8 0
                                    


Kinuha ni Rainier ang isa niyang kamay mula sa kaniyang bulsa at iwinagayway ito sa ere sabay ngiti sa akin. Mabilis akong naglakad patungo sa kaniya.

"Nandito ka," saad ko nang nasa harap na niya ako.

"Yeah."

"Bakit?"

"Para sunduin ka."

"Sunduin ako?"

"Oo." Ngumiti siya.

Tumingala si Rainier pagkatapos sabihin iyon.

"Gusto mong kumain sa labas, Bownie, habang pinapanood ang sunset?" tanong ni Rainier na nakangiti pa rin.

Nag-angat ako ng tingin sa himpapawid at tumingala roon. Nakita kong maliwanag pa naman pero siguradong ilang minuto lang rin ang dadaan ay magpapaalam na rin ang araw. At habang nakatingala ay naalala ko kung gaano kagandang tingnan ang sunset kahapon nang dalhin ako ni Rainier sa dalampasigan. Naalala ko kung gaanong kaakit-akit din itong tingnan gaya ng makulay na bahagharing aking nasilayan. Tuloy ay naramdaman ko ang sarili kong napapangiti dahil naalala ko ang tagpong iyon at ang tagpo kaninang umaga. Naalala ko ang mga sinabi ni Rainier noong pinapanood namin ang namamaalam na araw at ang kanina na pinapanood namin ang makulay na bahaghari. Napapangiti ako dahil ngayon ko lang na-realize kung gaano kalalim iyong mga sinabi niya at kung gaano niyang pinapaintindi sa akin ang lahat ng nangyayari. Kung gaanong binibigyan niya ako ng lakas na bumangon mula sa pagkakadapa.

Bumaba na ang tingin ko kay Rainier matapos tumingala sa himpapawid. At sa pagbaba ng tingin ko roon kay Rainier ay nakita kong nakatingin na pala siya sa akin at nakangiti. Talagang sobrang tamis nang mga ngiti niya habang nakatingin sa akin. Medyo napakunot ako ng noo dahil doon.

"Bakit?" tanong ko kay Rainier.

Ngumiti pa siya lalo. "Wala naman," sagot niya. "So, gusto mo bang kumain sa labas habang pinapanood ang sunset?"

Tumango ako. "Mm."

Ngumiti si Rainier at inilahad ang kamay niya sa harap ko. Inabot ko ito pagkatapos ay pinagbuksan ako ni Rainier ng pinto at inalalayang makasakay sa sasakyan niya. Siya naman ang sumunod na pumasok at sumakay sa driver's seat. Nang makasakay ay agad na niyang binuksan ang makina at pinaandar ito.

Ilang minuto lang ay inihinto na niya ang sasakyan. Tumingin ako sa paligid at nakitang nasa isang malapit na park kami. Bumaba na ng sasakyan si Rainier at pinagbuksan ako ng pinto. Inalalayan niya rin akong makababa. Nang makababa ay hinawakan ni Rainier ang kamay ko at dinala ako sa kung saan. Nagpatianod lang ako sa kaniya hanggang sa dinala niya ako sa isang Al fresco na restaurant. Isang restaurant na open air lang.

Napalinga-linga ako sa paligid habang nagpapatianod kay Rainier. Maganda ang lugar. Simple pero maganda. Nandoon iyong nature theme ng lugar na ito kaya maganda at maaliwalas---nakaka-relax. May mga iilang tao na ring kumakain at naka-okupa sa ibang mesa.

"Dito tayo, Bownie," biglang saad ni Rainier kaya napunta na sa kaniya ang tingin ko.

Mula kay Rainier ay bumaba ang tingin ko doon sa lamesa na nasa harapan naming dalawa. Hinila ni Rainier ang isang upuan niyon, ipinuwesto ako sa harap noon at inalalayan akong makaupo. Inokupa naman ni Rainier ang isa pang upuan na nasa aking harapan. Nang makaupo ay tinawag niya ang waiter at nag-order ng makakain naming dalawa.

Tumingin ako sa gilid ko. Tinatanaw ang papalubog nang araw. Nasa bandang hulihan kami ni Rainier nakaupo kaya kita namin ang sunset ng malinaw. Ang ganda talaga niya. Iyong pinaghalong pula, dilaw, at kahel na kulay pagkatapos ay susundan ng kulay asul ay sobrang nakakaakit talaga sa mata. Ang sarap-sarap niyang titigan. Ang ganda-ganda ng kalangitan.

Rainbow After The Pain Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon