CHAPTER 9

703 12 4
                                    


Matapos kumain ay si Rainier na ang nagpresenta na ilagay sa kusina at hugasan ang nagamit kong kutsara, plato, mangkok, at baso. Nakakahiya man pero talagang nagpumilit siya. Wala akong ibang nagawa kundi ang hayaan na lang siya. At habang nasa baba siya, kung saan naroon ang kusina ay nandito ako sa kwarto ko. Nakaupo, nakataas ang mga tuhod habang hawak ng mga braso ko, nakatingin sa labas ng bintana at panay pa rin sa pagluha.

Kahit anong gawin ko, kahit anong pilit at gustuhing alisin sa isip ko ang kahalayan at kababuyan na ginawa ni Vido ay hindi talaga siya maalis sa isip ko. Dito sa kwartong ito, dito sa mismong kwarto ko ginawa ni Vido ang kawalang-hiyaang ginawa niya kaya kahit anong pilit ko ay sumasagi iyon sa isip ko.

Ang bawat nakakadiring haplos, halik, masasakit na sampal, suntok, at sabunot ay ramdam na ramdam ko pa rin hanggang ngayon. Kahit ilang beses na pagligo, kahit gaano karahas na hiludin ang sarili ko, kahit ilang beses akong maghilod ay nararamdaman ko pa rin ang nakakadiring kahayupan, kalaswaan, at kababuyang ginawa ng demonyong iyon sa akin. Ang paglapat ng mabaho at nakakadiri niyang mga labi sa balat ko, ang nakakadiring mga kamay niyang hinahaplos ang kung saang-saang parte sa katawan ko ay nararamdaman ko pa kahit ilang beses na akong naligo.

Kahapon lang nangyari ang lahat ng kababuyang ginawa niya kaya sariwang-sariwa pa sa isip at pakiramdam ko ang lahat ng ginawa sa akin ng demonyong si Vido. Hindi ko mapigilan ang mga luha kong patuloy sa pagbagsak dahil ang pakiramdam nang hinalay ay sobrang sakit at bigat sa pakiramdam. Sobrang sakit at bigat sa kalooban. Hindi ko maiwasan ang manginig ang buong katawan at lamang loob ko sa tuwing sumasagi sa isip ko ang nangyari at sumasagi sa isip ko ang nakakadiring pakiramdam. Sa kabila nang ginawa ni Rainier, bagaman nabawasan at naibsan ay narito pa rin sa puso at isip ko ang galit at hinagpis sa walang-hiyang si Vido.

Habang nasa ganoong posisyon ako at umiiyak ay may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Dali-dali kong pinahiran ang mga luha ko sa mata at pisngi bago nilingon ang pintuan ng aking kwarto. Paglingon ay siyang pagbukas pa lang ng pinto at doon ay bumungad muna ang ulo ni Rainier kasunod ang katawan niya na unti-unting pumapasok sa kwarto ko. Nang makapasok na ay sinarado niya ang pinto saka humakbang papalapit sa akin. Sinundan ko lang siya nang tingin hanggang sa makatayo na siya sa harapan ko.

"Natapos ko na iyong hugasan. Nabusog ka ba?" tanong niya nang nasa harapan ko na siya.

Nang marinig iyon ay nakaramdam ako ng hiya dahil sa ako na nga ang tinulungan niyang maipakulong ang hayop na si Vido dahil sa wala akong lakas ng loob gawin iyon, ipinagluto niya na nga ng makakain, ipinaghugas niya pa. Tuloy ay napayuko ako at nagbaba ng tingin sa mga tuhod kong hawak ng aking braso at dahan-dahang tumango.

Nasa ganoon akong posisyon nang biglang inilahad niya ang kaniyang kamay sa aking harapan. Tiningnan ko iyon saglit saka dahan-dahang tumingala sa kaniya. Nang magtama ang mga mata naming dalawa ay binigyan ko siya nang nagtatanong na mga tingin.

"I want to show you something. Can you come with me, Bownie?" tanong niya habang nakatingin sa aking mga mata.

Muli kong ibinaba ang tingin ko sa kamay niyang nakalahad sa harapan ko bago muling nag-angat ng tingin sa kaniya. Dahan-dahan akong tumango saka inabot ang kamay niya. Inalalayan niya akong tumayo mula sa kama hanggang sa paglabas ng bahay, maging hanggang sa pagsakay sa sasakyan niya.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kaniya habang nilalakbay na ang daan.

"Sa beach," tanging sagot niya na sinulyapan lang ako saglit pagkatapos ay tumingin na sa daan.

Hindi na ako umimik o nagsalita pa matapos noon. Maging siya ay naka-focus lang sa pagmamaneho. Ipinako ko na lang ang tingin ko sa labas ng bintana at pinagmamasdan ang bawat daan na nadadaanan namin. Ilang minuto lang ang nagdaan ay huminto na rin siya sa pagmamaneho. Nilingon ko siya nang marinig ko ang pagtanggal niya ng kaniyang seatbelt at bumaba ng sasakyan. Mula sa bintana ng kaniyang sasakyan ay pinanood ko lang siyang maglakad papunta sa gilid ko at pinagbuksan ako ng pinto. Pagbukas ng pinto ay inilahad niyang muli ang kaniyang kamay sa akin. Pinasadahan ko muna saglit ng tingin iyon bago nag-angat ng tingin sa kaniya at tinanggap ang kamay niya. Inalalayan niya ako hanggang sa mapunta kami sa dalampasigan.

"What do you think?" tanong ni Rainier habang hawak pa rin ang aking kamay.

Nilibot ko ng tingin ang buong lugar. Malinis ang paligid. Maaliwalas siyang tingnan. Ang hangin ay masarap sa pakiramdam. Payapa ang dagat at maging ang buong lugar. Marami ring puno ng niyog, ilang distansya ang layo mula sa dagat. Wala ring gaanong tao. Meron man, bilang lang.

"Maganda," tanging sagot ko na nasa paligid pa rin ang paningin.

Binitawan na ni Rainier ang kamay ko kaya napaangat ako ng tingin sa kaniya. Nakita ko siyang umupo sa kinatatayuan naming buhangin at direktang nakatingin sa papalubog nang araw. Sumunod na lang ako sa kaniya. Umupo ako sa buhangin na kinatatayuan ko at pinanood din ang pinapanood niya. Ilang sandali pa ay nagsalita na si Rainier.

"May pasok ka ngayon, hindi ba?"

Hindi ako sumagot agad. "Mm. Pero wala akong gana at lakas na pumasok dahil sa nangyari sa akin." Nasa papalubog na araw pa rin ang paningin ko.

"Naiintindihan kita."

Hindi na ako nagsalita pa at pinanood na lang ang magandang tanawin sa harapan ko, ang araw na kalahating parte na lang ang nakasilay. Na ilang minuto pa ang magdadaan ay siguradong magpapaalam na ang araw sa aking harapan. Muling namayagpag ang katahimikan sa pagitan naming dalawa ni Rainier. Pero ilang sandali pa ay binasag rin niya.

"Dito ako laging pumupunta." Panimula niya kaya napalingon ako sa kaniya. Nananatili pa rin ang paningin niya sa papalubog nang araw. "Kapag hindi maganda ang pakiramdam ko, dito ako tumutungo. Dinadarama ang mapayapang lugar at masarap na simoy ng hangin. Pinapanood ang magandang papalubog nang araw at ninanamnam ang sandaling mawawala ang liwanag at mapapalitan ng dilim," dugtong niya pa.

Nilingon kong muli ang papalubog nang araw. Kaunti na lang ang nakasilay rito. Pinagmasdan ko ang kalangitan, sobrang ganda. Dilaw sa unahan kung saan naroon ang araw, kasunod ay kulay pulang kalangitan, kasunod ay kaunting asul, pagkatapos ay  itim. Sobrang ganda ng langit. Medyo madilim na rin ang paligid pero nakakaakit ang ganda ng langit.

"Parang araw at gabi lang rin ang buhay, Bownie." Napalingon na naman ako sa kaniya dahil sa sinabi niya. Nakatutok pa rin siya sa nagpapaalam nang araw. "Darating at darating sa buhay natin ang gabi. Magpapaalam at magpapaalam sa atin ang araw at sasalubong sa atin ang madilim na gabi. Ang madilim na parte ng ating buhay kung saan makakaranas tayo ng sobrang hirap, labis na sakit at lungkot. Pero ang mahalaga, nagwawakas ang lahat. Magwawakas ang lahat ng bangungot ng madilim nating gabi dahil darating ang panibagong araw na magbibigay liwanag sa madilim nating kahapon." Lumingon si Rainier sa akin. "Darating ang bagong araw at bagong liwanag sa buhay natin, Bownie. Nasa atin lang iyon kung sasalubungin ba natin ang panibago at maliwanag na araw o mananaliti ka na lang sa bangungot ng kahapon?"

Napahinto ako sa mga sinabi ni Rainier. Dahil sa mga sinabi niya ay hindi ko na namalayan ang sarili kong napatitig na pala sa kaniya. At sa mga sinabi ni Rainier ay may kung anong kirot akong naramdaman sa puso ko. Bigla ay nakaramdam ako ng init sa aking mga mata. Tanda na ito na naman ang mga nagbabadya kong mga luha.

"Hayaan mo akong samahan ka at alalayan kang salubungin ang panibagong araw at liwanag, Bownie. Hayaan mo akong samahan kang iwan ang bangungot at madilim mong gabi at harapin ang bagong liwanag at araw na tatapos sa madilim mong kahapon," saad ni Rainier sabay lahad ng kanang kamay.

Tumitig ako sa mga mata ni Rainier. Kitang-kita ko ang sinseridad sa mga mata niya. Ang sinseridad na gusto niya akong ialis sa madilim kong gabi. Sinseridad at kagustuhan na samahan ako at alalayan papunta sa bagong araw na magwawakas sa madilim kong kahapon. Nakaramdam na naman ako ng paghaplos sa puso ko. Para bang niyayakap ako ng salita ni Rainier. Para bang binibigyan ako ng kaginhawaan ng sinseridad na salita niyang nagpapaluwag sa mabigat at sakit na nararamdaman ng puso ko.

At ang kaninang nagbabadya kong mga luha, ngayon ay umaapaw na at rumaragasa. "R-Rainier," papahagulgol na sambit ko ngunit pinipigilan ko.

Matapos ay iniabot ko at ipinatong ang kamay ko sa ibabaw ng kamay niyang nakalahad pa rin sa harap ko. At nang naabot na ito't naramdaman ko ang paghawak niya ay para bang may kung anong humawak at yumakap sa puso ko. Nakakagaan sa pakiramdam. Nakakapagbigay ginhawa. Ramdam ko na talagang hindi ako mag-isa at may tao na akong makakapitan. Tuloy ay mas lumala pa ang pagluha ko at hindi ko na talaga mapigilan ang mapahagulgol. At habang humahagulgol ay inabot ni Rainier ang likod ko gamit ang kaliwang kamay at hinagod ako roon habang hawak pa rin ng pareho naming kanang kamay ang isa't isa. Patuloy lang ako sa paghagulgol habang patuloy lang rin siya sa paghagod sa likod ko. Ginagawa niya iyon para mabawasan ang bigat ng nararamdaman ko. Pero sa oras na ito, hindi lang bigat ang nararamdaman ko. May kaunti ng saya sa puso ko nang dahil sa sinabi niya at kaniyang ginagawa.

Rainbow After The Pain Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon