CHAPTER 22

357 14 3
                                    


Dumaan ang maraming mga araw, maraming Linggo na naging buwan ay wala na akong narinig pa mula kay Rainier. Matapos nang nangyari ay hindi na siya nagpakita pa. Para siyang isang bolang sa isang iglap ay mabilis na nawala. At sa pagkawala ni Rainier ay unti-unting bumabalik ang pakiramdam sa puso ko na nag-iisa. Pakiramdam ko ay mag-isa na naman ako.

Sa pagkawala niya ay tila sinama niya rin ang liwanag sa puso ko. Sa pagkawala niya ay nawala na rin ang liwanag sa mundo ko. Naging malungkot muli ako. Naging malungkot at madilim muli ang buhay ko.

Nasanay na akong lagi siyang nariyan. Nasanay ako sa pag-aalagang aking natatanggap mula sa kaniya. Nasanay akong nakadepende ang saya ko sa kaniya dahil iyon pala, mahal ko na siya.

At sa pagkawala niya nang walang pasabi kung saan siya tutungo o kung babalik pa ba siya, ay nag-iwan iyon ng kirot sa puso ko. Nag-iwan ng kirot na sa pagtagal ay nagiging sugat. Sugat na mas lumalala ang sakit sa mga araw na dumadaang hindi ko na naramdaman pa muli ang presensya niya.

Mahal ko na siya, e. Mahal ko na si Rainier. Mas minahal ko pa siya nang siya ay umamin. At mas minahal ko pa nang dahil sa nangyari sa amin. Kaya nang lumisan siya na hindi ko man lang alam kung saan siya paroroon ay nag-iwan ng matinding sakit iyon sa puso ko. Mas lalo pang nag-iwan ng sakit iyon nang dahil sa mga lugar na pinupuntahan kong pinapaalala sa akin ang mga sandaling kung saan binangon niya ang wasak na wasak nang pagkatao ko.

At ngayon ngang nasa dalampasigan ako at pinapanood ang papasikat nang araw ay hindi ko mapigilang isipin kung anong maaaring sabihin ni Rainier tungkol rito, gamit ang malalalim niyang salita na inihahalintulad sa buhay ng tao. Tuloy ay hindi ko maiwasang maluha. Maluha dahil sa pinanabikan ko siya, ngunit hindi ko alam kung babalik pa ba nga ba siya.

Nang tuluyan na ngang sumikat ang araw ay naisipan ko nang umuwi. At pagkauwi ay sa kwarto ko ako dumiretso para mahiga at matulog. Ngunit sa pagdating ko sa aking kwarto ay tunog ng mga luha ang agad na namutawi. Naalala kong muli ang nangyari sa amin ni Rainier sa kwartong ito. Dahil sa mga nagdaang maraming Linggo ay hindi ko binago ang ayos nito. Nililinis ko pero ganoon pa rin ang ayos nito. Ang ayos nang sorpresahin ako ni Rainier dito.

Hindi ko binago ang ayos dahil umaasa akong babalik siya. Hindi ko binago ang ayos nito at lagi kong pinupuntahan ang mga lugar na pinupuntahan namin noon dahil gusto kong alalahanin ang masasayang alaala. Pero imbes na maging masaya ay tila parang mas lalo akong nasasaktan at nalulungkot. Nami-miss ko siya.

Habang nasa kalagitnaan ng pag-iyak ay may biglang kumatok sa labas ng pintuan ng bahay. Pinunasan ko ang mga luha ko at napalingon doon. Pagkatapos niyon ay pinuntahan ko ang pinto at binuksan ito. Sa pagbukas ko ay isang medyo may edad na lalaki at babae ang bumungad sa akin. Agad na nagtama ang aming mga mata. At ang klase ng mga tingin na nakikita ko sa kanila ay labis na lungkot at pighati.

Nakatingin lang sila sa akin habang naroon pa rin ang labis-labis na lungkot at pighati sa mga itsura nila. Hanggang sa ilang sandali ay nakita ko ang pagngilid ng mga luha noong babae. Agad siyang yumuko at pinunasan ang kaniyang mga mata nang maramdamang babagsak na ang mga iyon.

"A, sino po sila?" pagtanong ko sa dalawa.

Tumingin ang babae sa kaniyang kasama, ganoon din ang lalaki sa kaniya. Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat na tila ba ay binibigyan siya ng lakas ng lalaki para sagutin ang tanong ko sa kanila.

Sabay silang tumingin sa akin. "Kami ang mga magulang ni Rainier, iha," sagot nang babae na parang mas nalungkot pa nang sambitin ang pangalan ng anak niya.

Biglang may kung anong tumusok sa puso ko nang marinig ang pangalan niya na siyang naging dahilan nang pagngilid ng mga luha ko. "K-kayo po ang m-mga magulang n-ni R-Rainier?"

Rainbow After The Pain Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon