CHAPTER 18

409 6 0
                                    

Hindi ko alam kung ano ang dapat na maramdaman ko sa oras na ito. Oo, araw-araw akong inihahatid-sundo ni Rainier dito sa university pero ito ang unang beses na nagdala siya ng isang bugkos ng mga pulang rosas. Hindi ko rin alam kung ano ang dapat na maramdaman at isipin sa lagay na ito dahil unang beses itong may magbibigay sa akin ng bulaklak.

"O, akala ko ba ay hindi mo boyfriend, ha?" Napalingon ako kay Shiena. Nakatingin na siya sa akin nang nakakaloko. "O, baka naman kasi ang ibig mong sabihin ay hindi mo pa boyfriend dahil nanliligaw pa lang," may diin na sabi niya pa.

"H-Hindi naman talaga." Pagkontra ko na naman sa kaniya.

"Asus, kunwari pa, e. O, siya, sige na. Alis na ako at nang magkaroon na kayo ng moment na dalawa. Babosh. . . ." Tonong nang-aasar na si Shiena. Tumawa pa nang nakakaloko bago nagsimulang maglakad palayo.

Hindi ko na lang siya sinakyan at sinundan na lang siya nang tingin. Ilang saglit pa ay nilinga ko na ulit si Rainier na nasa akin pa rin ang tingin. Lumapit ako sa kaniya. Nang nasa harap na niya ako ay iniangat niya ang isang kamay niya at iwinagayway ng bahagya sa akin.

"Hi," nakangiting bati niya.

"Hi," nakangiting bati ko rin pabalik.

"Para sa 'yo." Pagtukoy ni Rainier sa bulaklak sabay abot nito sa akin.

Tiningnan ko ang bulaklak bago ito inabot. May kung anong nangyayari na naman sa puso ko. Hindi ko mawari kung ano. Para akong natutuwa na nai-excite na hindi ko alam. Hindi ko maipaliwanag ng malinaw ang aking nararamdaman.

Pag-abot ko sa bulaklak ay tiningala ko si Rainier. "Salamat," saad ko sabay ngiti. Nagbaba akong muli ng tingin sa bulaklak. "Para saan pala itong mga bulaklak na ibinigay mo sa akin, Rainier?" tanong ko.

Ngunit dumaan ang ilang segundo ay wala akong natanggap na sagot mula sa kaniya. Kaya nag-angat akong muli nang tingin kay Rainier at tiningnan siya.

"May sorpresa akong inihanda para sa 'yo," nakangiting ani Rainier. Imbes na sagutin ako ay iyon ang sinabi niya.

"Sorpresa? Anong sorpresa 'yan?"

"Secret," agad na tugon niya.

Naningkit ang mga mata kong tiningnan siya dahil iyon ang isinagot niya. Dahil iba ang inaasahan kong magiging sagot niya sana.

Tumawa si Rainier. "Hindi na magiging sorpresa 'yon kung sasabihin ko sa 'yo kaya secret na muna," nakangiting sabi niya.

Napangiti na lang rin ako dahil sa isiping may sorpresa siya sa akin at hindi na nagtanong pa.

"Tara?" nakangiting tanong ni Rainier.

"Sige," nakangiting tugon ko.

Tumalikod na si Rainier, lumapit sa kaniyang sasakyan at pinagbuksan ako. Inalalayan niya akong makapasok pagkatapos ay siya naman ang sumunod na sumakay sa sasakyan niya.

"A! Sandali nga lang pala," biglang sabi ni Rainier pagkasakay niya.

Tiningnan niya ako at ngumiti. Pagkatapos ay may inabot siya sa likod ng sasakyan. Isang paper bag iyon. May dinukot siya sa loob. At nang mailabas na mula sa paper bag ang bagay na kinuha niya sa loob niyon ay tumingin muli siya sa akin at ngumiti. Nagtaka ako kung bakit at kung para saan iyong hawak-hawak niya habang ibinabalik na niya ngayon iyong paper bag sa likod.

"Ano 'yan?" nagtataka kong tanong sa kaniya.

"Sleeping mask," sagot niya na bahagya pang natawa.

Bahagyang natawa rin tuloy ako. "Alam ko. Ang ibig kong sabihin ay para saan 'yang sleeping mask."

Rainbow After The Pain Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon