CHAPTER 2

1.2K 30 6
                                    


Subalit hindi pa man ako nakakatalon ay may biglang humatak sa akin mula sa likuran dahilan upang hindi matuloy ang kagustuhan kong mahulog at tumalon sa tulay.

"Ano ba?! Bitawan mo 'ko!" Buong pagpupumiglas ko habang labis parin ang paghagulgol ko.

"Miss, what were you thinking?! Kung ano man ang binabalak mo ay huwag mo nang ituloy," matigas na saad nang isang baritonong boses na lalaki na panay ang pagpigil sa akin sa pagtalon.

"Wala kang pakialam! Bitawan mo ako!" Pagpupumiglas ko pa rin na patuloy pa rin sa paghagulgol.

Malakas ang pagkakahawak sa akin ng lalaki pero hindi ito sapat para pigilan ako sa nais kong gawin. Ayoko na! Ayoko ng manatili pa rito. Ayoko ng manatili pa sa mundo. Ang bigat-bigat ng dibdib ko. Sobrang nandidiri ako. Diring-diri ako sa sarili ko.

Nakawala ako sa mahigpit na pagkakahawak ng lalaki. At sa pagkawala ko ay agaran kong tinungo ang gilid ng tulay at umakyat doon upang tumalon. Ngunit sadyang napakabilis ng lalaki at agaran na naman niya akong nahawakan at pinigilan.

"Miss, whatever your problem is, hindi ang pagpapakamatay ang solusyon!" turan nito.

"Wala kang alam! Wala kang alam kaya hayaan mo ako sa gusto ko! Hayaan mong kitilin ko na ang buhay ko at mawala na sa mundong ito!" hiyaw ko habang puno ang mga mata ng mga luhang panay ang pagragasa.

Biglang hinatak ako ng lalaki nang buong lakas at buong lakas rin akong pumipiglas.

"Saan mo ako dadalhin?! Bitawan mo ako!" galit kong saad na patuloy pa ring umiiyak.

"I won't! Hindi kita bibitawan upang wakasan mo lang ang buhay mo," matigas na tugon noong lalaki na patuloy pa rin akong hinahatak.

"Saan mo ba ako dadalhin!"

"At the place where I will make you realize kung gaano kahalaga ang buhay," tugon nito.

Patuloy niya lang akong hinahatak hanggang sa nakaabot kami sa isang hospital. Hindi kalayuan mula doon sa tulay kung saan balak kong magpakamatay.

"Hospital?" takang tanong ko.

Hinatak niya ako ulit papasok sa loob ng hospital. Pagkapasok sa hospital, doon ay binitawan niya na ako.

"Tumingin ka sa paligid," utos ng lalaki. Nagtaka ako kung bakit pero sinunod ko na lang ang utos niya.

Pagkalinga ko sa paligid ay may nakita akong isang binatang duguan na nakahiga sa hospital bed na tulak-tulak ng mga doctor, nurse, at siguro ay nanay niya iyong isang medyo may edad nang babae na may mga mantsa ng dugo ang damit.

"'Ma, huwag niyo po akong pabayaan. Ayaw ko pa pong mamatay," umiiyak na saad ng binatang duguan na nakahiga sa hospital bed.

"'Di ako papayag, anak. Mabubuhay ka! Doctor gawin niyo po ang lahat! Huwag niyo pong pabayaan ang anak ko," humahagulgol na pakiusap ng nanay noong binata.

"Gagawin po namin ang lahat, Ma'am," sagot naman nang doctor.

"Anak, hindi! Doctor, gawin niyo ang lahat! Buhayin niyo ang anak ko!" Biglang may sumigaw na boses may edad na babae sa kung saan kaya hinanap ko ito.

Sa hindi kalayuan, sa loob ng isang kwarto nitong hospital ay nakita ko ang isang nanay na labis-labis ang pag-iyak pati ang mga ilan pang kasama nito sa kwarto.

"Sorry po, Ma'am. Ikinalulungkot ko pong sabihin pero hindi na po kinaya ng pasyente," tugon nang doctor na may lungkot sa tono ng boses nito.

"Hindi! Hindi totoo 'yan! Buhay pa ang anak ko! Buhay pa siya!" panay ang hiyaw ng isang ina dahil hindi niya matanggap ang pagkamatay ng anak niya.

Tiningnan ng nanay ang anak niyang nakahiga sa kama ng hospital na wala ng buhay at niyakap.

"Hindi! Hindi pa patay ang anak ko! Buhay pa siya! Buhay pa siya!" Hagulgol na saad ng ina.

"May ina ka naman siguro, 'di ba?" biglang saad ng lalaking humatak sa akin papunta rito kaya napalingon ako sa kaniya. "Did you see her? Nakita mo ba kung gaano siya nasasaktan at hindi matanggap na namatay na ang anak niya? Isipin mo na lang ang nanay mo. If you will end up your life siguradong masasaktan siya at hindi matanggap ang pagkamatay mo. At mas lalong hindi niya matatanggap kapag nalaman na ikaw mismo ang kumitil sa buhay mo."

Nang marinig ang sinabi niya ay biglang lumabas ang mga luha ko at nangilid sa aking mga mata. Nakaramdam ako ng sakit sa mga sinabi niya. Naisip ko bigla si Mama na siguradong ganoon nga ang mararamdaman kapag namatay na ako at kapag nalaman na ako pa mismo ang nagwakas sa sarili kong buhay.

"At nakita mo ba iyong binata kanina na duguang gusto pang mabuhay at ayaw pang mamatay? Maraming ganoong tao sa mundong ito, miss. Mga taong gustong-gusto pang mabuhay. Maraming tao dito sa ospital na may mga malalalang sakit pero lumalaban pa rin dahil gusto pa nilang mabuhay. Mga taong nangangarap na sana ay normal lang ang kanilang nararamdaman at wala silang iniindang sakit. Mga taong kaunti na lang ang ilalagi dito sa mundo at nangangarap na sana magkahimala---at mabuhay pa sila ng matagal na naaayon sa kanilang gusto. Masuwerte kang mabubuhay ka pa ng matagal, miss, pero tingnan mo, ito ka, sinasayang ang buhay mo na pinapangarap na magkaroon ang iba. Mag-isip ka naman, miss. Isang beses mo lang makukuha ang buhay mo. Kung mamamatay ka ay hindi mo na maibabalik ito," mahabang litanya pa sa akin ng lalaki.

At doon ay bumuhos na ang mga luhang nangilid sa aking mga mata. Sa mga sinabi niya, para bang biglang nawala na lang ang kagustuhan kong kitilin ang buhay ko.

Sumikip ang dibdib ko na para bang hindi na ako makahinga. Sobrang sakit ng nararamdaman ng puso ko. Sobrang sakit na para bang dinudurog ako. Nakokonsensiya ako lalong-lalo na nang sumagi sa isip ko si Mama. Pero mas lalo pang sumikip at labis na sumakit pa ang puso ko nang maalala ko ang dahilan kung bakit gusto ko nang mamatay. Ang dahilan kung bakit gusto ko nang wakasan ang buhay ko. Kaya tumakbo ako. Tumakbo ako palabas ng hospital. Takbo lang ako nang takbo hanggang sa maramdaman kong hindi na kinaya ng mga paa ko. Hanggang sa naramdaman ang pagod sa mga binti ko.

Nang huminto na ako sa pagtakbo ay may bench sa gilid ko kaya umupo ako roon at doon ay humagulgol at inilabas ang lahat ng nararamdaman ko. Sobrang hagulgol ang ginawa ko na wala akong ibang naririnig sa paligid kundi tinig kong umiiyak. Umiiyak dahil sa sakit, poot, galit, pagkamuhi, at pandidiri sa sariling nararamdaman ko. Pandidiri sa ginawa ng hayop na 'yon!

Biglang may umupo sa gilid ko kaya agad ko itong nilingon. Hindi ko ito masyadong maaninag dahil puno ng mga luha ang mata ko pero base sa nakikita ko, ito ang lalaking nagpigil sa akin na tumalon doon kanina sa tulay.

"Ano ba ang nangyari? Ano ba ang problema? Ano ba ang dahilan mo kung bakit gusto mo nang mamatay?" tanong nang lalaki habang nakatingin sa akin.

Pagkatanong niyang iyon ay mas lalo pa talagang umagos ang mga luha ko sa mata at humagulgol pa nang sobrang lakas dahil sa naalala ko sa utak ko ang nangyari. Ang dahilan kung bakit gusto ko nang mamatay.

Pero paano nga ba mawawala sa utak ko ang nangyaring iyon? Paanong mawawala kung segu-segundo, minu-minuto, oras-oras ay laging sumasagi sa isip ko ang nangyari? Paanong mawawala kung binahiran na ako ng pangyayaring iyon? Paanong mawawala kung minantsahan na niyon ang buhay ko, minantsahan na ng hayop na iyon ang pagkatao ko?

Rainbow After The Pain Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon