CHAPTER 10

630 14 0
                                    

Madilim na ang paligid. Binalot na ng kadiliman ang himpapawid. Binalot pa rin ng luha ang aking mga mata. Ngunit kahit ganoon, malinaw ko pa ring naaaninag ang itsura ng lalaking nasa harapan ko, ang lalaking tinulungan ako, ang lalaking nagparamdam sa akin ngayon na hindi na ako nag-iisa---si Rainier. Hindi na ako humagulgol bagaman lumuluha pa rin ang aking mga mata. Patuloy pa rin sila sa pagdaloy habang nakatuon ang aking mga mata kay Rainier. Magkahawak pa rin ang parehong kanang kamay namin. At gaya ko, nakatuon din ang kaniyang paningin sa akin.

Habang lumuluhang nakatingin sa kaniya ay biglang naramdaman ko na lang ang likod nang daliri niya sa pisngi ko. Pinapahiran niya pala ang mga luha ko.

"Naabutan na tayo ng dilim. Kailangan mo nang kumain. Mula kagabi hanggang ngayon, isang beses ka pa lang nakakain, Bownie." Puno ng pag-aalala ang tono ng boses ni Rainier.

Tumango lang ako bilang sagot. Pagkatapos ay tumayo si Rainier. Nang makatayo ay  inalalayan niya rin ako sa pagtayo. Nang makatayo ay binitawan na niya ang kamay ko at pinagpag ang sarili. Ganoon din ang ginawa ko. Pinagpagan ang sarili ko upang alisin ang buhangin na nakakapit sa shorts ko. Nang matapos sa pagpagpag ay inilahad niyang muli ang kamay niya sa harap ko. Tiningnan ko muna ang kamay niya bago ako nag-angat ng tingin sa kaniya. Humihikbi at lumuluha pa rin ako.

Matapos ko siyang tingnan ay inabot ko na ang kamay ni Rainier. At nang maabot ito ay ngumiti siya sa akin at pinahiran na naman ang pisngi at ibabang mata ko gamit ang hinlalaki at likod ng kaniyang mga daliri. Hindi ko talaga alam kung bakit pero para bang may epekto sa akin ang ginagawa ni Rainier. Pinapagaan niya ang nararamdaman ko. Ang mabigat na bagay na nararamdaman ko sa dibdib ko, na hindi ko mawari kung ano ay nagagawang paibsanin ni Rainier.

"Tara?" tanong ni Rainier.

Tumango lang ako bilang sagot habang nakatingin pa rin sa kaniya. Sinagot niya rin ako nang bahagyang pagngiti matapos nang pagtangong ginawa ko. Matapos noon ay banayad niya akong hinila patungo sa sasakyan niya at inalalayan papasok at paupo sa passenger's seat. Matapos akong ipasok sa sasakyan at isarado ang pinto ay humakbang na siya papunta sa kabilang side. Sinundan ko lang siya nang tingin hanggang sa makapasok siya.

"Saan mo gustong kumain, Bownie?" tanong ni Rainier nang makapasok na siya sa loob ng sasakyan habang nakatingin sa akin.

"Sa bahay na lang," sagot ko.

"Sige," aniya sabay ngiti ng bahagya.

Nagsimula nang magmaneho si Rainier matapos noon. Habang abala si Rainier sa pagmamaneho ay inabala ko rin ang sarili ko sa pagtingin sa labas ng bintana. At habang tahimik ang paligid ay ito na naman ang utak ko. Sumasagi na naman sa isip ko ang kawalang-hiyaang ginawa ni Vido. Kaya ito na naman ang mga luha ko. Pumapangilid na naman sa mga mata ko. At alam kong ilang sandali lang tatagal ang mga ito at siguradong mag-uunahan na naman sa pagragasa ang mga luha ko. Hindi nga ako nagkamali, dahil ilang segundo lang ang dumaan ay nag-uunahan na ang mga luha ko sa pagbagsak.

Kahit anong pilit kong kalimutan, kahit anong pilit kong alisin sa isip ko ang nangyari, sadyang bumabalik at bumabalik pa rin ang nakakadiri at nakakangalit na ginawa ni Vido. Gustong-gusto ko nang alisin sa isip at utak ko ang nangyari. Gustong-gusto ko nang kalimutan ang pakiramdam ng nakakadiri niyang paghawak sa kung saang parte nang katawan ko, lalong-lalo na sa maseselan. Ang mabaho at nakakadiri niyang katawan na bumabayo sa ibabaw ko---ang nakakadiri at mabaho niyang bibig na tila isang asong ul*l na dinidilaan at hinahalikan ang kahit saang parte ng katawan ko ay gustong-gusto ko nang kalimutan lahat.

Diring-diri na ako sa sarili ko. Galit rin ako dahil wala akong nagawa para hindi matuloy ng hayop na iyon ang nais niya. Hinang-hina ako sa mga oras na iyon na kahit anong pilit kong paglaban ay hindi ko siya magawang pigilan sa kahalayang ginagawa dahil sa lakas na mayroon ang hayop na iyon. Sobrang diri, galit, hiya, at awa ang nararamdaman ko sa sarili ko sa mga oras na iyon, maging hanggang ngayon.

Rainbow After The Pain Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon