Til Death Do Us Part 21

240 4 3
                                    

Til Death Do Us Part 21

-FOR MY TREIA-

“Don’t tell me siya nanaman? Treii wala na siya ok?”

Yeah yeah! Lagi naman. Alam ko naman na nagsasawa na yung mga taong nakapaligid sakin ngayon. Sarili ko nga nagsasawa na din sakin eh. Bukang bibig ba naman si Marco.

Damn Treii paano ka makakapag move on niyan?

It’s been one month.

One month na siyang wala Treii. Can you please accept that fact?

“Alis na ko maaga akong papasok ngayon”

Mataray, Fake ang mga ngiti, Laging tulala, Tahimik, Laging wala sa mood, Laging napapasok sa kahit anong gulo.

That’s ME. Treia Maisha Castro. Ang bagong Treii.

And I’m aware of it.

I’m turning into a useless bitch. I’m trying na pigilan. I’m trying na bumalik sa dating masayahing Treii. But… I can’t. Kapag binabalik ko yung dating ako naaalala ko lang si Marco. Naaalala ko lang yung dating ako na optimistic, yung dating ako na malakas ang paniniwalang gagaling siya. Ang sakit… ang sakit sakit kapag naaalala ko ang mga yun.

Habang nasa klase ako wala akong ibang ginawa kundi ang mag day-dream.

What if buhay si Marco? Siguro ang saya saya namin ngayon nu?

Kaso wala na siya.

Eh malay mo naman JOKE lang ang lahat diba? Wala naman pruweba na wala na talaga siya eh.

Wala na nga kasi siya. Bakit kasi di mo nalang tanggapin?

There’s a big possibility na buhay siya! Kainis!

Pati ba naman sarili ko kakalabanin na ako ngayon?

Paanong hindi ka kakalabanin eh nababaliw ka na!

Pakinshit! STOP!

“Ms. Castro!”

Nabigla ako sa sumigaw. Napatingin ako sa harapan ko.

“What do you think you’re doing?” sabi ng prof ko sakin

Tinitigan ko lang siya.

“What happened to you Ms. Castro? Hindi ka naman ganyan dati ah” tuloy pa niya

“Time na Maam” at akmang tatayo na ko ng biglang tumunog ang bell. Napangisi nalang ako. Hula ko lang naman na time na ni hindi nga ako tumingin sa relo ko eh. Saved by the bell!

“Ms. Castro let’s talk. Do you have time?”

“Wala Maam. I have my law subject after this class. What do we need to talk to?”

“From the looks of it kaya ka nagkakaganyan dahil meron kang problema”

Tss obvious ba?

“Please wag kang magpapatalo sa kung anong problema yan. Huwag mong hahayaan na bumagsakn ang buhay mo ng dahil lang sa isang problema na yan”

Bakit? May sinabi ba akong babagsak ako? tss minsan OA na eh. Pwedeng manahimik nalang siya?

“Try to enlighten yourself. Nandyan ang mga kaibigan mo, ang pamilya mo. And I’m also here. Pwede mo akong kausapin tungkol sa kung ano man ang dinaranas mo ngayon”

Til Death Do Us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon