"No portion of this story may be copied or reproduced in any form withoout the permission of the author.
Any copy of the chapters or the whole story of 'Til Death Do Us Part' not bearing the name of the Author or the Author's permission in it is unauthorized and shall be considered as preceding fom an illegal source"
All Rights Reserved
Copyrights 2012
written by: Infinity08
-LET ME TELL YOU-
Si Kenneth nga tong katabi ko ngayon. Buti napadpad siya dito eh may engineering canteen naman? Mas malapit pa yun sa building nila. Ng mga engineering
Lalapitan ko ba siya? Syempre hindi. Eh ang lapit ko na kaya sa kanya. Katabi ko nga diba? Sus!
Nahihiya akong pansinin siya emeged :O
Hindi ko alam kung bakit pero nahihiya talaga ako. Naalala ko tuloy yung message niya kagabi. Lalo na yung word na "mahal kita"
Emeged emeged talaga!!! :> kilig. Pero syempre JOKE lang taken na kasi ang puso ko. Taken na by Mr. M! :))
Sayang gwapo pamandin ni Kenneth hahaha. Sana makahanap siya ng taong mas bagay sa kanya. Di kasi ako bagay sa kanya eh. Masyadong mataas ang expectations ng mga taong nakapaligid sa kanya.
At syempre hindi naman ako nanghihinayang kasi nga MAY BOYFRIEND NAKO :)
Ang sarap ulit ulitin na MAY BOYFRIEND NA KO hahaha. Ang saya lang sa pakiramdam na MAY BOYFRIEND NA KO. Tapos yung taong mahal ko pa yung BOYFRIEND KO. Alangan namang hindi ko mahal eh ako pa nga ang naunang umamin diba?
Oh napahaba ang pagmumuni muni ko. Di ko napansin wala na pala si Kenneth sa tabi ko. Hay tinotoo nga niya yung pag iwas sakin. :(
Pagkatapos kong nag order ng spaghetti umupo nako at kumain agad. Hindi na ko nakipagdaldalan pa. Basta dire-diretso lang ako sa pagkain. Kadisappoint naman kasi yun eh. Super close friend ko kaya si Kenneth. Parang bestfriend na nga kami eh pero more on parang MAGKAPATID.
Sinabi ko kay Marco yung nangyare. Naglabas talaga ako ng sama ng loob eh haha. At ang nakuha ko lang na sagot eh...
"buti naman siya na mismo ang lumayo. tss"
Napakagandang sabihan ng problema ng lalaking to oh! Sana man lang sinabi niya na 'ayos lang yan magiging maayos din yan magpapansinan din kayo'
Yh! Sarap sapakin ng unggoy na to paminsan minsan eh. Pasalamat siya malayo siya sakin!
"ewan ko sayo. pasok na ko. che!" yan na yung huling reply ko sakanya. Siya naman hindi na din nagreply. Hmph! Patigasan pa kami ng ulo
Nagdismiss na din. Pauwi na ko ng dorm pero hindi pa din nagtetext si Marco. Naku yaan na. Magtetext naman yun panigurado eh.
Pagkauwi ko nagpalit na ko ng damit tas humiga. Kapagod kaya mga ginawa namin kaya inantok tuloy ako.
*after almost an hour*
Ay shet nakatulog ako! Tinignan ko agad yung phone ko kung anong oras na. Ay pakshet 9pm na.
Binuksan ko lahat ng message sa phone ko. Nakita ko yung kay Marco. Nagpapaalam ata.
"Babe. Dismiss na kami. Hindi muna ako uuwi manlilibre daw ng inuman yung isa kong tropa. Birthday kasi niya. Pwede ba?"
Hala halos 50 minutes na ang nakalipas nung nagtext pala siya. Napasarap ata tulog ko.
"sige ayos lang. wag mong damihan. uuwi ka pa oh"
"haha opo." reply kaagad niya. wow hinintay reply ko?
BINABASA MO ANG
Til Death Do Us Part
Teen FictionMasarap ang mag mahal. Lalo na kung alam mong mahal ka din niya. Pero POSIBLE bang magmahalan ang dalawang taong HINDI PA NAGKITA NG PERSONAL KAHIT ISANG BESES LANG?