Til Death Do Us Part 15

235 4 7
                                    

Til Death Do Us Part 15

-HAPPY BIRTHDAY TO YOU!-

Pagkatapos ng sweet moment namin sa ferris wheel eh ayun naiwan akong bangag wahahaha eh syempre kinikilig eh! Buti nalang naawa at tumawag na sina Ate Rhea para sabihin ang address ng hotel kung saan sila nag check in.

(=___________=) ayan lang naman. Opo nagpapaligsahan kami ni Marco kung sino ang may pinakamahabang mukha na poker face samin. Sasabihan ko nalang po kayo kung sino ang nanalo

Bakit?

Nag check in sila. Oo pasalamat nga ako kasi pinag check in din nila kaming dalawa ni Marco eh kaso… kailangan talaga iisang kwarto lang kami? Di pwedeng girls dito tapos boys dun sa kabilang kwarto? Di pwede yun? di na ba uso yun?

“ehem ehem. Ok bago kayo mag react jan pumasok na kayo sa kwarto niyo ok? Hahahaha dali na hala kunwari pa kayong hindi excited eh” sabi ni Jane samin

(=_______=) uso talaga pahabaan ng mukha ngayon eh.

Pumasok na muna kami sa kwarto namin. Oo nalang kami mamaya lilipat din kami ng kwarto nu. Dito mga boys at dun ako at ang mga girls

“bakit kasi kailangan tayo pa mahiwalay? Dun silang apat tas tayo dito? Unpeyr! (=__=)” sabi ko naman kay Marco

“hayaan mo na mahal ko hahahaha ayos lang yan chill!” sabi naman niya sakin

Lagi naman. Lagi naman siyang relax. Sinong mag ch-chill sa ganito? Hindi kaya ako sanay na may kasamang lalake sa kwarto. Lalo na kapag matutulog tapos chill lang? sipain ko kaya siya where it hurts the most?

“eh ku-…” hindi ko natapos yung dapat kong sasabihin dahil sumabat kaagad siya

“OH! Mahal ko RELAX! Hahahaha”

“oo nalang che!” at umupo ako sa gilid ng kama

*beep*

Tinignan ko yung phone ko. May nag message kasi.

*Fr: Kenneth

Batang makulit nag dinner ka na? :)*

Si Kenneth pala. Oo nga pala hindi ko sila nasabihan na nag dinner na kami ni Marco bago kami pumunta dito hala baka hinintay pa nila kami at di pa sila nag di-dinner

*Fr: Treii

Panget tapos na kami. Kayo?*

*Fr: Kenneth

Oo tapos na kami haha buti naman lipat na kayo dito sa kwarto kwentuhan daw sabi nina Ate Rhea haha feeling ko isasalang nanaman si Marco sa hotseat niyan hahaha di kaya maluto ng todo ang boyfriend mo niyan? XD*

*Fr: Treii

Oo nga eh wahahaha yaan mo para maging close naman sa isa’t isa :D*

Napapangiti ako sa kakulitan ni Kenneth ngayon eh pinagttripan nanaman si Marco nito panigurado. Eto naman kasing isang to makikipagbiruan tapos biglang tatahimik. Hindi parin siya sanay sa mga yun haha

“ngingiti ngiti ka dyan” biglang sabi ni Marco sakin.

Pagtingin ko sa kanya nakasimangot ang loko. Ansabe naman anong problema nito. Selos? Hahaha selosong nilalang talaga :D

“Tara na?” sabi kong nakangiti sa kanya haha

Lumipat na kami sa kabilang kwarto at as usual ayun tinanungan nanaman si Marco ng kung ano ano. Nag truth or dare din kami. Haha maaalis ba yun sa mga ganitong okasyon?

Til Death Do Us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon