"No portion of this story may be copied or reproduced in any form withoout the permission of the author.
Any copy of the chapters or the whole story of 'Til Death Do Us Part' not bearing the name of the Author or the Author's permission in it is unauthorized and shall be considered as preceding fom an illegal source"
All Rights Reserved
Copyrights 2012
written by: Infinity08
-TRIPLE DATE-
Okay ako na talaga ang speechless ngayon. Ay joke hindi lang pala ako kundi ang tatlo ko pang kasama. Jaw dropped kaming lahat. As in. LITERALLY! NGANGA kaming lahat sa lalaking kaharap namin ngayon.
“ah pasensya na. nabigla ko ata kayo” biglang sabi ni MARCO samin. Oo si MARCO. Si MARCO nga ang nasa harapan ko pero LOADING parin ang sistema ng buong katawan ko kaya hindi ako makapag react.
“mahal ko? Humihinga ka pa?” tanong niya sakin.
“sa pagkakaalam ko oo at hindi pa ako naghihingalo para maghallucinate na nandito si Marco sa harapan ko”
“HAHAHAHAHAHA MAHAL KO KUNG NAKIKITA MO LANG SARILI MO NGAYON HAHAHAHA EWAN KO NALANG HAHAHAHA” sabi niya habang tumatawa ng malakas na parang wala ng bukas.
Wala na nga bang bukas? Kaya ganito nalang ang mga nangyayare ngayon? Uso ang SURPRISE ngayong araw? Waaaaah di ako prepared. Magugunaw na pala ang mundo hindi man lang ako nakapag prepare. Nagsusulputan ang mga taong gusto kong makita sa tanang buhay ko waaaaah. Next si ano naman si…. Si…… NICKHUN!!! Waaaaaah! Can’t take it anymore beybeh! :>
“oh bakit ngi-ngiti ngiti ka ngayon mahal ko? Natuluyan ka na ba? Patay! di ko alam ang lugar dito hindi ko alam kung saan ang mental” seryoso niyang sabi
(=___=)
“aray ko” –marco
Binatukan ko nga aba naman sumusobra na siya.
“abusado” sabi ko nalang
“sorry mahal ko” at tumingin siya sakin. Shete! Wag mo kong tignan ano ba! Naiinlove ako lalo eh umaygulay!!!
“oh oh napakasweet niyo naman kulang nalang ipisin na kayo dyan haha” sabat naman ni kuya troy.
Okay dapat IPISIN kaagad? Di ba pwedeng LANGGAMIN okaya DAGAIN muna? Hahaha
“so dapat IPISIN dib a pwe-….” Sasabihin ko na sana ang naisip ko kaso biglang su mabat naman si Ate Rhea
“di ba pwedeng kagatin muna ng lamok? Oh for pete’s sake! Mad-dengue tayo sa ginagawa nating pagtunganga dito oh.” Sabay tampal sa kaliwang braso niya dahil siguro may dumapong lamok hahahaha.
Oo nga naman. Kanina ko pa naf-feel na naf-fiesta ang mga lamok sa katawan namin.
“tara kumain na tayo. Sa korean resto ulit?” tanong naman ni Jane. Ayan basta pagkain sasabat yan eh nakuuu! Haha
“ayos lang bang sumama ako?” tanong kaagad ni Marco
“HINDI! HINDI AYOS TO! ALAM MO KUNG BAKIT?!!!” biglang sigaw naman ni Jane kay Marco
(o__o) <---- ganyan kaming lahat habang nakatingin lang kay jane.
“a-aah s-sorry hindi nalang siguro ako sasama haha sensya istorbo lang ako” sabi naman ni Marco na mukhang natakot sa biglaang pagsigaw ni Jane.
BINABASA MO ANG
Til Death Do Us Part
Teen FictionMasarap ang mag mahal. Lalo na kung alam mong mahal ka din niya. Pero POSIBLE bang magmahalan ang dalawang taong HINDI PA NAGKITA NG PERSONAL KAHIT ISANG BESES LANG?