"No portion of this story may be copied or reproduced in any form withoout the permission of the author.
Any copy of the chapters or the whole story of 'Til Death Do Us Part' not bearing the name of the Author or the Author's permission in it is unauthorized and shall be considered as preceding fom an illegal source"
All Rights Reserved
Copyrights 2012
written by: Infinity08
-MONTHSARY-
Malapit na nga pala ang monthsary namin. FIRST MONTHSARY kung hindi ako nagkakamali haha syempre naman alangan naman 100th monthsary na namin eh bagong couples nga kami eh hihi.
Excited ako. Sobrang excited. Syempre first time ko mag celebrate ng ganyang occasion. Ano kaya ang feeling ng nagce-celebrate ng monthsary? Hindi ko maimagine eh.
Oo nga pala. Right now nasa harap ako ng laptop at nagttype ng…. COMMENT! Hahaha naka online kasi kaming dalawa ngayon. Nanggugulo lang sa mga naging barkada namin sa Facebook. Kung tutuusin kahit sa facebook lang kami nagkakila-kilala eh sobrang close na namin. Parang nagkakilala na kami personally.
At syempre kami ni Marco eh nanggugulo sa mga buhay buhay nila hahaha pinapaalis na nga kami eh. BAWAL daw kasi ang mga LOVE BIRDS. Sus haha kung ano ano pinag iisip nila. Nung una BITTER SWEET LOVERS tapos naging POPCORN LOVERS haha wala lang nakahiligan ko kasing kainin yun sa time nay un eh lalo na ang CHEESE FLAVOR. Tapos naging tawag pa nila samin eh PASAWAY COUPLES. Oo sobrang pasaway namin, lagi kaming nag aaway at ang laging nagwawagi sa pagiging pasaway ay syempre AKO!
Sa isang month na pagiging kami eh hindi nawala ang pagkapasaway namin sa isa’t isa. Yun nga lang panalo ako sa pagiging pasaway. NUMBER ONE PASAWAY nga daw ako sabi niya. Kabaliw kaya ang magka boyfriend. Try mo man haha
“Treeiii!!! Ano full address mo?” tanong sakin ni Ysa. Isa sa mga naging kaibigan namin sa FB. Nag-chat kasi siya ngayon.
“saang address ba? Marami ako hahaha NPA waha” reply ko naman sa chat niya
“san ka ba lagi? Haha loka to npa eh sa iisang puso ka lang naninirahan ayeeeiii kinilig ako” osya siya na kinilig sa sinabi niya. Actually it took me a minute para ma-analyze yung sinabi niya hahaha sa puso daw. Syempre kanino pa edi SAKIN alangan naman sa iba eh hindi ako kasya dun haha di joke lang.
“sa dorm nalang ang ibibigay ko nu haha kasi at least dun makakagala ako anytime haha pasaway here! :p” sagot ko sakanya. Bakit naman kaya niya naitanong yung address? Baka pupunta sila? Waaaaah! HEKSAAAAAYTED ako! hahaha
“sige sige haha ayusin mo yung address ah baka may mawala hahaha” – ysa
Hindi naman siguro? City naman yun eh tsaka madali lang puntahan yung dorm. Nasa isang building kasi siya tas highway na paglabas.
“hahaha hindi kayo mawawala promise just text me pag pupunta kayo. Eto yung dorm *toooot* sa 3rd floor tas room 4”
“copy paste! Wiiii! Excited ako sa mangyayare hihi” –ysa
“hahaha puntahan niyo ako? waaah libre niyo ako nun ah. Kailan niyo ba balak pumunta?” tanong ko sakanya.
“hmmmm ewan! Basta hahaha.” Sagot niya lang sakin.
Pagkatapos ng pag uusap na yun. nagtuloy lang ako sa pang aasar haha syempre hindi ligtas si Marco. siya kaya ang center of DISTRACTION ko haha lagi ko yan inaasar kahit na may relasyon kami. Parang barkada parin kami yun nga lang MAHAL NAMIN ANG ISA’T ISA.
BINABASA MO ANG
Til Death Do Us Part
Teen FictionMasarap ang mag mahal. Lalo na kung alam mong mahal ka din niya. Pero POSIBLE bang magmahalan ang dalawang taong HINDI PA NAGKITA NG PERSONAL KAHIT ISANG BESES LANG?