Til Death Do Us Part FINALE

224 2 0
                                    

TIL DEATH DO US PART FINAL

~~**~~“My heart wants to protect you more than anyone else.”-Treia Maisha Castro~~**~~

********

“Treia Maisha Castro: Alam mo pwede kitang kasuhan ng Tresspasing at Roberry ...

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Ilang ulet ka ksing Pumapasok sa utak ko .. Ninakaw mo pa ang puso ko.”

“Marco Vincent Arellano: kailan ka natutong bumanat ng ganito? Hahaha”

Haha natawa naman ako. Kailan nga ba?

Magmula ng bumalik siya ulit?

Siguro?

Ewan ko ba pero may nagsasabi sakin na gawin ko na yung mga bagay na dapat kong gawin, at yun ay ang ipakita ko sa kanya kung paano magmahal ng sobra ang isang Treia Maisha Castro.

We never know kung hanggang kailan ang sayang nararamdaman ko ngayon. Soon? Bukas? Mamayang konti? Baka bigla nalang ulit itong kunin sakin tulad ng dati. Kagaya ng nangyari nung January.

Sa ganitong paraan hindi ako magsisisi. Hindi naman sa iniisip ko na mawawala na talaga siya sakin kundi dahil sa gusto ko lang i-CHERISH LAHAT NG ORAS NA KAUSAP KO SIYA. Yung mga oras na pwede ko pa siyang pasayahin.

Forever? Oo yan ang balak ko kapag gumaling siya. Ang mahalin siya TIL DEATH DO US PART…. FOREVER AND EVER.

“Marc Vincent Arellano: pakasal na tayo.”

Tignan mo tong isang to. Kakasabi ko lang sa sarili ko ng Til death do us part eh haha. Di kaya nababasa niya ang iniisip ko? Paano? Ang layo kaya niya sakin. Ni hindi nga niya makita ang facial expression ko eh.

”Treia Maisha Castro: sige pagaling ka kaagad tapos pakasal na wahahaha

“Marco Vincent Arellano: seryoso ako.

Aba sinong di seryoso? Kasal na ang usapan. Tapon ko to sa dagat eh minsan may pagka slow eh.

“Treia Maisha Castro: seryoso naman ako ah haha oo nga

Nagpatuloy lang ang asaran namin hanggang sa magkayayaan ng mag out at matulog. Kailangan na kasi niyang magpahinga at ako naman eh kailangan ko na talaga ang tulog dahil magu-umaga na.

********

Same routine lang ako sa bakasyon ko. Ang maghintay ng gabi at hintayin na mag online siya sa FB para makapag usap kami.

Lagi na nga akong nakaharap sa laptop eh. Lagi ko siyang inaabangan.

Kapag umaga dun ako nagpapahinga. Dun ako nagch-chill out. Kapag gabi naman hinihintay ko siya hanggang sa mag online siya. Minsan kapag hindi siya online eh hanggang 12 midnight ako para masigurado nga talaga na wala siya at dun palang ako magdedecide na matulog na. Odiba? Call center lang ang dating? Night shift lang ang drama?

Til Death Do Us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon