*at dahil na inspired ako sa kwento ng kaibigan kong tanga eh eto sinulat ko yung love story nila at na post sa watty. pero wait there's more. binago ko ng konti! KONTI lang ba talaga? hahaha yung mga nakakaalam SHHH lang :))*
-FROM THE BEGINNING-
Well sino nga ba naman mag e-expect na ma fa-fall ang isang tulad ko? I mean isang isip bata na walang ginawa eh matulog, kumain ng chocolates at magpaka busy sa so called varsity team niya na lawn tennis? Isang babaeng walang experience pagdating sa love? Yeah I’m also like the other girls na maraming crush. CRUSH lang naman eh nothing more nothing less. But LOVE? Wala yan sa dictionary ng buhay ko but then I MET HIM….
**************
Yo! Sup! Ako nga pala ito. Si TREIA MAISHA CASTRO. Ang weird ng pangalan ko no? kasing weird ko! (^_^)
Hmm isa lang akong ordinaryong pasaway na babae. Ordinaryong buhay. Ordinary ang routine ko araw araw. Papasok sa University. Kakain ng tatlong beses sa isang araw. At MATUTULOG. Pero nagbago lahat ng to. Magsimula ng maenganyo ako sa isang social network na tinatawag ng lahat na FACEBOOK at isang Ebook Site na tinatawag naman nilang WATTPAD.
Yeah nadagdagan ang mga pagkakaabalahan ko pwera sa pagtulog at paglalaro ng paborito kong sport na tennis. Yun ay ang magbasa ng mga stories sa wattpad.
May nagustuhan akong isang storya as in sobrang gusto ko siya dahil tuwang tuwa ako sa plot ng story na yun. Super unexpected ng mga pangyayare. Yung iba nga sinasabi nila na nakakarelate daw sila.
Kaya eto ako nakipag close sa AUTHOR ng storyang yun. Mabait si Ate Author kaya palagay ang loob ko sa kanya. Naging magka close din kami sa facebook. Lagi ko siyang kausap tungkol sa storyang isinusulat niya. Hanggang sa naging popular na talaga yung storyang yun.
Nauso ang pag gawa ng FB CHARACTERS sa facebook kaya naman napagdesisyunan na din namin ng kaibigan kong author na gawan na din ng FB ACCOUNT yung mga characters niya pati na rin yung mga supporting characters para masaya.
May nahanap kaming mga tao na pasado para maging OPERATOR ng mga accounts na yun. Yun nga lang di namin sila kilala ng personal. Syempre sa facebook lang naman kami nagkita kita eh ano pa ba ang aasahan diba?
Di nagtagal naging magkaka close kaming mga operators. nagakroon ng tinatawag na FB FAMILY.
Tumagal ang pagkakaibigan namin sa facebook hanggang sa may isang lalaking nakapukaw ng pansin ko. Ang EMO kasi niya eh. Nag break daw sila ng GF niya dito sa FB. Hahaha sa panahong ito uso na ang pakikipag relasyon sa FB. Magligawan sa FB at kung ano ano pa.
Ayoko sa mga taong sobra kung mag emo dahil sa tinatawag nilang PAGMAMAHAL. Sus! Oo na! ako na ang di nakaranas ng ganyan. Sorry NBSB here (--__--)
Kaso iba ang nangyare. Kesa sa layuan ko siya dahil sa pagka emo ng taong to eh lalo akong napalapit sa kanya. lesheng buhay nga naman oh.
“HOY MARCO! PUPUTULAN TALAGA KITA NG LEEG UMAYOS KA!!” ayan ang chat ko sa kaibigan kong sawi! Nakakainis kasi eh napaka emo. May balak pang iwanan ang pagiging operator niya. Hindi naman big deal ang pag iwan niya sa character na yun eh ang big deal eh AALIS siya. Ayoko ng ganun. Kahit ba naman na sa Fb ko lang siya nakilala TUNAY NA KAIBIGAN parin ang turing ko sa kanya.
“oo na. oo na hindi na ko aalis. kaso ang sakit eh. di pala siya seryoso shit”
Madali naman palang kausap eh. Naku hirap kayang mawalan ng kaibigan. Lalo na iba ang naging daan para maging magkaibigan kami. Sa FB lang. kaya mahirap ang communication. Meron naman akong phone number niya eh. Pero hiniram niya lang yun sa kaibigan niya doon sa kanila kaya pwedeng pwede siyang magpalit ng number. Pag nangyare yun wala na talagang connection.
Everytime na nag o-online ako eh puro ka-emohan niya ang nakikita ko sa news feed ko. Hay ang kaibigan ko sobra talaga kung mage mo. Mahal talaga niya yung EX niya kahit sa FB lang nagkakilala. On my point of view. IMPOSIBLE talaga yun eh. Ang magmahal ng sobra sa taong nakilala mo lang sa FB. Kaso eto ang LIVING PROOF ko. Ang emo kong kaibigan hay.
May isang araw pa na nalaman kong magmotor siya at nakapunta kung saan mang lugar at nakipag bugbugan. San ka pa diba? Talagang mahal niya o sadyang emo lang? di ko tuloy maintindihan ang mga taong inlove pero nasasawi din bandang huli.
Habang siya eh nagpapaka emo. Ako naman NAGPAPAKABALIW. Bakit? Dahil sa nacucurious ako kung ano ang feeling ng magkaroon ng KARELASYON sa facebook eh ayun naghahanap ako. at BONGGA! May nahanap ako. Yun nga lang walang commitment. Syempre joke joke lang yun eh kaya di siya counted bilang first boyfriend ko (^___^v)
Lumipas ang ilang buwan medyo okay okay na siya. Nakakapag move on rin naman SIGURO siya. May pagka bitter nga lang ng konti. Jusmeng taong to oh oh! (--.--) at ayun ako naman eh nagpapatuloy sa pagiging PASAWAY, ISIP BATA at PAGKA BALIW ko hahaha.
Dinaan ko nalang sa pang aasar sa kanya. para naman kahit papano eh makalimot ang unggoy na to. Oo UNGGOY ang tawag ko sa kanya. pang asar lang haha. Di buo ang araw ko pag di ko naaasar yan eh.
Lagi kaming nag aasaran sa facebook. Mapa status, comments, posts sa group at chat. Di kami tumitigil. Walang nagpapatalo sa isa’t isa pati nga sa TEXT nag aasaran parin kami eh.
“babe trei! Morning!” text message niya sakin.BABE ang tawag niya sakin. Minsan naman BATA oakaya BALIW kapag nag aasaran kami.
Bakit BABE? Kasi may isang araw na nagpanggap kaming MAY GUSTO SA ISA’T ISA. Bakit? Wala lang hahaha siguro para sa kanya ang rason niya eh pagselosin ang EX niya. Ako naman for FUN.
Di nagtagal naging MAS SUPER DUPER CLOSE kami ni Marco. Sino ba naman hindi magiging magka close ng sobra eh lagi kaming magkatext niyan. Araw-araw. Umaga hanggang gabi pa.
At dahil doon. Hindi ko namalayan na POSIBLE din pala ang mainlove sa isang taong nakilala ko lang sa FB.
Oo. Pag gising ko sa isang umaga. Alangan namang gabi hahaha. Narealized ko na mahal ko na pala siya. Hindi bilang kaibigan kundi mas higit pa dun. Mahal ko na si Marco Vincent Arellano.
***********************
"No portion of this story may be copied or reproduced in any form withoout the permission of the author.
Any copy of the chapters or the whole story of 'Til Death Do Us Part' not bearing the name of the Author or the Author's permission in it is unauthorized and shall be considered as preceding fom an illegal source"
All Rights Reserved
Copyrights 2012
written by: Infinity08/Trix
BINABASA MO ANG
Til Death Do Us Part
Teen FictionMasarap ang mag mahal. Lalo na kung alam mong mahal ka din niya. Pero POSIBLE bang magmahalan ang dalawang taong HINDI PA NAGKITA NG PERSONAL KAHIT ISANG BESES LANG?