Til Death Do Us Part 20
-Me Without YOU-
Hindi ko alam kung papaano lumipas ang mga araw. It’s been almost 2 weeks?
Dalawang linggo. Dalawang linggo na WALA SIYA.
WALA NA SIYA.
NO.
Totoo ba talaga to? Hindi kaya nananaginip lang ako? Kasi eto oh ang bilis ng mga pangyayare. Ang bilis dumaan ng mga araw.
Gaga ka Treii syempre hindi naman titigil ang mundo porket tumigil ang iyo.
“pumayat ka treii ah. Masyado na bang nakaka stress ang pagdo-dorm?” tanong sakin ng Tito ko. Ngayon lang kasi ulit kami nagkita pagkatapos ng reunion namin nung Christmas.
Ngumiti lang ako. Ngiting dati ko pa ginagawa. Isang ngiti kung saan hindi nila mahahalata yung nakasimangot na ako.
Damn. Ayoko ng ganitong set up ngayon. Mas gusto ko ang mapag isa eh tapos ayan naman may bisita pa talaga. Nananadya ka ba talaga TADHANA?
Pwede kahit ngayon pagbigyan mo ako? Gusto ko lang mapag-isa eh. Kainis.
“Treii dali dito may dala kaming Bake Mac at Spaghetti. I know favorite mo ang spaghetti! Haha” tawag naman sakin ng pinsan ko.
“Ah hindi. Busog ako ngayon haha mamaya nalang ako kakain” sagot ko nalang
“Huuuuuuh! Himala yan tinanggihan mo ang SPAGHETTI?!”
Nginitian ko nalang siya at umalis na papasok sa kwarto ko.
Wala akong gana. oo for 2 consecutive weeks na akong hindi kumakain ng maayos.
Well tinatanong pa ba kung paano ako nakaka survive? Syempre umiinom naman ako ng tubig at nagmemeryenda PAMINSAN MINSAN.
Pinilipilit ko din ang sarili ko na kumain.
Sina At Rhea, Jane, Maurice at ang iba ko pang kaibigan na may alam tungkol kay Marco. Sila lagi ang namimilit sakin na kumain. Tinatry ko naman eh. Para naman hindi ako maging pabigat sakanila. Lalo na kayna Ate Rhea at Jane na mga kasama ko sa iisang kwarto araw-araw.
Alam ko naman na pati sila nahihirapan eh.
Lalo na nung unang week palang.
Hindi ako pumapasok sa school.
Hindi ako umiimik.
Hindi ako kumakain.
Puro IYAK. Ginawa ko na nga atang hobby ang pag iyak eh.
Pero pagkatapos naman ng isang buong linggo na yun eh pumasok na ako. Pinilit ko ng pumasok dahil ang sabi sakin ng barkada ko eh hanap na daw ako ng prof namin sa law. Konti nalang daw kasi mauubos ko na ang LIFE LINE ko.
Kapag lumampas ako sa limit ng absent babagsak ako. FAILURE DUE TO ABSENCES ang ilalagay sa transcript. Ayoko naman bumagsak. Ayokong sirain yung future ko ng dahil lang sa pag-e-emo ko.
Haha nasabihan nga ako ng prof ko sa Law na “Ms. Castro hindi ka nga absent sa klase. Absent minded ka naman”
OUCH! Sapul ako. Tama siya. Pumasok nga ako pero hindi ako nakikinig. Lumilipad ang isip ko.
“hay buhay!” napabuntong hininga nalang ako
*brrr brr*
*Fr: Kenneth
Hay buhay parang life? Hahaha cheer up!*
(-__-) sapakin ko to eh. At alam pa niya yung sinabi ko?
BINABASA MO ANG
Til Death Do Us Part
Teen FictionMasarap ang mag mahal. Lalo na kung alam mong mahal ka din niya. Pero POSIBLE bang magmahalan ang dalawang taong HINDI PA NAGKITA NG PERSONAL KAHIT ISANG BESES LANG?