-I THINK I LIKE YOU-
Kinabahan ako nung narealized ko sa sarili ko na INLOVE ako. Inlove ako kay Marco. Sino ba namang hindi? Eh alam kong hindi pa siya nakaka move on sa ex niya.
Dahil dun napagdesisyunan kong lumayo. Nagpaalam ako sa lahat ng naging kaibigan ko sa fb including him. Kailangan ko ng putulin lahat ng connection na meron ako sa kanya bago pa lumalim tong nararamdaman ko.
“pag umalis ako wag kang masyadong emo ha! Umayos ka hahaha magiging busy na kasi ako” paalam ko sa kanya. Habang magkatext kami sa phone
“bakit ka ba kasi aalis? May nagawa ba kami? Ako?” tanong niya sakin
Hindi na ako nagreply. Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin yung dahilan eh. Natatakot ako. Bakit kasi nainlove pa ako? Worst sa taong sa FB ko lang nakita. Sa taong alam kong may mahal pang iba. Sa taong EMO (=__=)
Hours had passed napag isip isip ko na sabihin sa kanya yung dahilan. Pero after nun di na ako magpaparamdam.
I texted him
““5 minutes. Pag di ka nagreply sakin di ko sasabihin ang dahilan kung bakit ako aalis hahaha”
Naghintay ako ng ilang oras. 1am na ng umaga pero di parin siya nagrereply. Kailangan ko ng matulog dahil may tour pa kami bukas at maaga akong babangon para mag ready kaya tinulugan ko na siya.
******
“kainis ka naman eh tulog na ako nun kaya di na ako nakareply! Tss bakit ka ba kasi aalis? Ako ba yung problema? Sabihin mo naman sakin! Magkaibigan tayo diba?” nabasa ko nalang ang pinakahihintay kong reply niya nung nasa bus na ako. Syempre may tour nga diba?? Hahahaha
Pano ba yan? Tapos na ang 5 minutes niya? Sasabihin ko pa rin ba?
“hahaha ayos lang yan. Problema? Basta yun na yun hahaha” yan lang ang naisagot ko sa kanya nun eh. Naguguluhan na kasi talaga ako kung sasabihin ko ba o hindi
“tss kung ayaw mong sabihin wala na akong magagawa yan ang gusto mo eh” he replied back immediately.
Oh ano? Sasabihin ko na ba? Waaaaaah GOODLUCK TO ME! AMEN!
Dahil sa bobo ang aking napakatangang utak. Inutusan niya ang mga kamay ko para magtype sa phone at magreply kay Marco.
“I think I like you. Ayan wag ka na magreklamo bye!” ayan ang reply ng tanga kong utak. Ang bobo move na nagawa ko nung araw na yun.
Hindi na siya nagreply after nun. Hanggang sa nakita ko na si mister sun eh wala pa rin akong natatanggap na reply. Sus! Halata naman na BASTED ako eh. Jusko po! Kababaeng tao nababasted! XD
Habang nakikipagdaldalan ako sa katabi ko sa bus eh naramdaman kong nagvibrate ang phone ko. Nabigla ako dahil sa group message na nasend niya. Oo nag gm si Marco. isang quote about love pero ang pumukaw sa sawi kong puso ay ang napakagandang “ilove12” sa pinakaibaba ng message niya.
OUCH! Yun ang monthsary nila ng EX niya na di niya makalimutan. Syempre gets ko naman kung ano gusto niyang iparating sa GM nay un diba? Ready na ako sa ganyan. Kasi naman nainlove ako sa taong may mahal na iba. Ang hirap pala nun. Lalo na hindi ko man siya kilala personally.
Lumipas ang tour namin ng maayos. Yun nga lang nakakapagod kasi ang hirap mag pretend na masaya ka. Na may energy ka pa sa kalokohan. Pero sa loob loob mo SAWI ang puso mo. Ouch talaga yun ah basted ako! haha perstaym ko mainlove perstaym ko din umamin at perstaym kong MABASTED!
Ginabi na kami sa tour. At eto ako nakaupo lang sa inuupuan ko kanina sa bus. Iniisip kung paano ako lalayas. I meant paano ako hindi magpaparamdam sa mga kaibigan ko dun? Eh napamahal na sakin ang mga yun. hmmmmm (~_~)
(,--)7 …. Hindi ko talaga alam kung paano. Hirap mang iwan ng kaibigan leshe! Hahahaha ako na mabait! Chos!
*vibrate* *vibrate*
Nakita kong umilaw yung phone ko. May nagtext.
(-.-) si Marco lang pala. Ano naman kaya ngayon ang makikita ko sa message niya?
“Sometimes the reason why we don’t forget the exact date it happened
is because it leaves memorable moments or experiences
whether happiness or sadness
GABI SA LAHAT
I still love her”
Pakinshet na lalaki to! Ipamukha ba talaga sakin na basted ako? hindi ko namalayan na naiiyak na ako. bakit? Kasi basted ako. basted ako. nakakahiya kaya yun! kababae kong tao eh. Waaaaaah!
BASTED AKO!!!!!!!!!!
Nakauwi na ako samin. Itutulog ko nalang to! Grr! Nakakahiya talaga dapat kasi di ko nalang sinabi eh! (T__T)
******2 days after******
I acted normal. As if nothing happened last 2 days.
I sent a group message para mag good morning sa lahat. Nakasanayan ko na din kasi nag mag GM sa FB family ko eh. The day goes on na hindi kami nagusap. Lumipas yung araw na yun na walang pag uusap na nagyare between me and Marco.
Hay di ko sila maiwan kaya eto ako nagpaparamdam parin sa phone kahit di na ako masyadong nag o-online sa wattpad at facebook.
Kinabukasan binuksan ko yung phone ko para icheck kung sino sino ang mga nagtext sakin.
(--_--) puro GM! GM! GM! Wala na bang nakaalala sakin? Walang PM? Hahahaha
Pero may isang message akong napansin. Akala ko GM din eh. Pero nung binuksan ko yung message niya. Eto ang bumungad sakin.
“I want my Treia back. Ibalik mo yung dating Treia” message ni Marco
Ibalik? Nawala ba ako? eh siya nga tong hindi nagpaparamdam eh. Nag g-gm naman ako at nasesend naman siguro sakanya ang mga yun. sus!
“oki! Hahahaha wag kang mag alala ibabalik ko yun nu! Ako pa!” yan ang reply ko sa kanya
At ayun ibinalik ko naman yung masayahing Treia na kilala niya eh. Successful ang pagp-pretend ko na maayos lang ako. masaya naman ako kahit na ang totoo eh HINDI.
Sinong sasaya eh sa BASTED nga eh! Sino?! Upakan ko yan ang manhid man :P
“wag kang mag alala LIKE palang naman eh. Mapipigilan ko pa ito…..SANA”
"No portion of this story may be copied or reproduced in any form withoout the permission of the author.
Any copy of the chapters or the whole story of 'Til Death Do Us Part' not bearing the name of the Author or the Author's permission in it is unauthorized and shall be considered as preceding fom an illegal source"
All Rights Reserved
Copyrights 2012
written by: Infinity08/Trix
BINABASA MO ANG
Til Death Do Us Part
Teen FictionMasarap ang mag mahal. Lalo na kung alam mong mahal ka din niya. Pero POSIBLE bang magmahalan ang dalawang taong HINDI PA NAGKITA NG PERSONAL KAHIT ISANG BESES LANG?