Til Death Do Us Part 22
-SECOND CHANCE-
“Treii… pano kung buhay si Marco?”
“Treii… pano kung buhay si Marco?”
“Treii… pano kung buhay si Marco?”
“Treii… pano kung buhay si Marco?”
“Treii… pano kung buhay si Marco?”
Still Processing…
99% loading…
(^___^)
Hindi ko alam pero… Bakit? Bakit ako nakangiti?
Nanlalambot ang mga tuhod ko. Gusto kong mag collapse. Gusto kong magwala at isigaw na “Talaga?! Sabi na sa inyo eh! Buhay siya eh!!”
Pero ngiti lang ang naibigay kong sagot kay Ate Rhea.
Nakangiti pa rin ako ng biglang ituro sakin ni Ate Rhea ang laptop na kanina lang ay gamit niya.
“Spill it ate. Paano mo nasabing buhay siya?” tanong ko habang nakangiti pa rin
Tumingin siya sakin at biglang ibinaling ang tingin niya sa laptop.
Ano ba kasing meron dun sa laptop?
Lumapit ako para tignan kung ano yun.
FB Account ng isang lalake?
Teka? Mukha siyang korean na pinoy na ewan pero may mas kamukha siya eh? Sino nga ba? He looks like someone. Pero sino nga ba?
“Basahin mo yung chat Treii”
Binasa ko yung conversation nung guy tsaka ni Ate Rhea
“Rea: Hello :)”
“Jay: Hi”
“Rea: Ah kasi nakita ko yung post mo sa FB ni Maurice. And you resemble someone. In any case related ba kayo ni Maurice?”
“Jay: Ah hindi. Hindi ko siya kamag anak”
“Rea: May kilala ka bang Marco?”
“Jay: Marco?”
“Rea: Marco Vincent Arellano :)”
“Jay: Ah he’s my cousin”
“Rea: Ganun ba? Ah! Sorry condolence nga pala dahil pinsan mo siya”
“Jay: Condolence? Hahahaha is that a joke?”
“Rea: I’m not joking or anything. He didn’t survived he’s operation right? That’s what I know”
“Jay: stop joking it’s not funny and Ms. hindi pa patay ang pinsan ko”
Habang binabasa ko yun gusto kong lumuha. Gusto kong umiyak, magwala or something para lang maalis tong lecheng panlalambot na to. Pero bakit? Bakit nakangiti pa din ako? Why do I look so calm?
Sinong magiging kalmado sa nangyayare? Sino? Sa nabasa ko? “stop joking it’s not funny and Ms. hindi pa patay ang pinsan ko”
Goosebumps.
Eto na yung pinapanalangin ko dati pa. Eto na yung gusto kong mangyare. Ang malaman na BUHAY PA SIYA.
BINABASA MO ANG
Til Death Do Us Part
Teen FictionMasarap ang mag mahal. Lalo na kung alam mong mahal ka din niya. Pero POSIBLE bang magmahalan ang dalawang taong HINDI PA NAGKITA NG PERSONAL KAHIT ISANG BESES LANG?