"No portion of this story may be copied or reproduced in any form withoout the permission of the author.
Any copy of the chapters or the whole story of 'Til Death Do Us Part' not bearing the name of the Author or the Author's permission in it is unauthorized and shall be considered as preceding fom an illegal source"
All Rights Reserved
Copyrights 2012
written by: Infinity08
-I HATE YOU-
*HAHA AT SINISIPAG AKONG MAG UPDATE KAHIT MOBILE UPLOAD LANG. SALAMAT SA MGA NAGBABASA! COMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED.
********
*vibraaaaaate*
(-_______-)
Leshe sinong bulabog ang nagtext? Sumakto pang nasa may tabi lang ng ulunan ko ang phone ko kaya agad akong nagising.
Tinignan ko yung time bago ko tignan kung sino ang nagtext sakin. Pakinshet na malagkit nga naman oh. 7:08am palang!!!! Sarap pamandin ng tulog ko. Tsaka haller! Puyat kaya ako dahil sa mga pangyayare. Siguro 3 hours lang ang tulog ko. Yh!
Tinignan ko na kung sino ang napakagaling mambulabog na texter of the day ko.
Si Marco.
Ang aga naman niya ngayon. Dati rati pag nag g-gm siya malapit na ang lunch. Siguro may training siya?
Varsity kasi siya sa school na pinapasukan niya. Basketball ang sport na nilalaro niya. Kaya ko naisip na baka may training sila ngayon.
Perfect combination nga eh kasi varsity din ako ng university na pinapasukan ko ngayon yun nga lang Lawn Tennis ang sport ko hahahaha. Meant to be! yh kiligs!! :>
Binuksan ko na yung message niya. Hindi ko mapigilang ngumiti dahil dun.
"morning babe. I love you!"
Ayeeeeeiii I love you daw oh!!! Yun nga lang may BABE nanaman. Hay mukha ba kong baboy na kalansay sa kanya? O easy to get na kalansay kaya? (-____-)
"morning din. ang aga mo ah haha" yan lang naisagot ko. walang i love you too? eeeh nahihiya ako! (>_<)
"maaga lang akong nagising haha tsaka gusto ko ako ang unang magtetext sayo. i love you" reply naman niya.
Ay kooooya! :> uso ang i love you ngayon?
"i hate you too haha joke" reply ko naman. Eeeeh sa nung nagsasabog si Lord ng kasweetan sa katawan saktong natutulog ako kaya ayan hahaha
"Haha oo nalang ako. Kumain ka na?" tanong niya sakin
"hindi pa maya nalang kakagising ko lang eh haha"
"nagising ba kita?"
Obvious ba koooya?! Hahaha pasalamat ka mahal kita ayeeeeiiii!
Pero syempre hindi yan ang sinabi ko.
"hindi naman. sakto ka lang nagtext haha :p"
"ah. ganun ba. kumain ka a. wag kang pasaway bata"
"opo! hahaha ikaw din :)"
"sige haha kakain muna ako a. i love you Treia" reply niya
"i hate you! hahaha joke ulit :p sige kain ka na eatwell! :))"
Bakit ba kasi hindi ko masabi sabi sa kanya ang mahiwagang I LOVE YOU? Nahihiya ako ng bongga! Pero nung nagtapat ako sa kanya ang kapal ng feslak ko (--__--)
after nun di na siya nagreply. Hala nagalit ata si koooya. Eh kasi wala talaga nahihiya ako.
At dahil sa hindi na ko makatulog kumain nalang din ako ng breakfast at naghintay ng time.
Humiga ulit ako sa kama at pinilit na matulog kaso sadyang wrong timing talaga si koooya ayun nagtext kung kailan nakukuha ko na ang inaasam asam kong TULOG.
"babe tapos na kong kumain. Kumain ka na dyan"
Ay hangsweet naman di pa rin nakakalimutan na di pa ako kumain.
"kumain na po ako haha"
"ganun ba? buti naman. anong ginagawa mo ngayon?"
"wala nakahiga lang haha ikaw? lapit na ang 11am may pasok ka diba?"
Oha?! Alam ko ang schedule ni koooya haha tapos mag g-gm yan pag nasa school na. Kaya nga sabi ko kanina before lunch dun siya nakakapag gm.
"oo nga haha. nakaready nako. pagkatapos kong kumain kanina naligo na din ako kaya natagalan" sagot niya sakin
"wow early bird!! anyare?! waha"
"syempre para ako unang babati sayo ng good morning haha"
Ayeeeeiiii wala na sa konting message niya kinikilig na ko ng todo. Eh kasi naman perstaym ko talaga to.
"ay wow naman bagong buhay! haha nga pala naka motor kang papasok?" tanong ko sa kanya. Nag aalala lang kasi baka madisgrasya ang dami na pamandin nadidisgrasya na motorista ngayon.
"hindi. yung kotse ni papa gagamitin ko ngayon. Sira ang motor eh"
"oh bakit nasira?"
"a nung napaaway ako. basta alam mo na yun. di ko pa napapagawa eh" sagot naman niya sakin
Oo nga pala. Nung napaaway siya dahil sa Ex niya. Yung nag motor siya at napadpad sa kung saan. Laki talaga ng impact ni Ex sakanya.
"ay oo nga pala hahahaha oh ingat sa pagddrive ah!" reply ko sa kanya
"yeah. i will. don't worry."
"oh lapit na magtime. layas na baka malate ka pa niyan haha"
"Opo haha. Bye. I love you"
"I hate you too! hahaha"
"Oo na alam ko na yan haha. I hate you more :*"
Ay ibig sabihin gets na niya kung pano ako mag I Love You? haha XD
After nun naligo na ko at kumain na din ng lunch.
Dumiretso nako papunta ng school after kong magready. Si Marco ayun nakadating na daw sa school at katext ko na siya ulit.
Iba na yung Marco na kaasaran ko lagi dati. Ngayon may halong pagka sweet na.
Naglalakad ako ngayon papunta main canteen. Lalamon ulit ako haha nagyaya kasi ang barkada tutal walang prof. At syempre katext ko si Marco :)
Nasa may counter nako para sabihin sa tindera yung order kong spaghetti pero napatigil ako kasi nakita ko kung sino ang katabi ko ngayon.
Si Kenneth.
********
*ayeeeeeiii si kenneth :) hahahahaha
BINABASA MO ANG
Til Death Do Us Part
Teen FictionMasarap ang mag mahal. Lalo na kung alam mong mahal ka din niya. Pero POSIBLE bang magmahalan ang dalawang taong HINDI PA NAGKITA NG PERSONAL KAHIT ISANG BESES LANG?