"No portion of this story may be copied or reproduced in any form withoout the permission of the author.
Any copy of the chapters or the whole story of 'Til Death Do Us Part' not bearing the name of the Author or the Author's permission in it is unauthorized and shall be considered as preceding fom an illegal source"
All Rights Reserved
Copyrights 2012
written by: Infinity08
-GET WELL-
Hindi na ako napakali sa message na nabasa ko. Nireplyan ko kaagad siya at ang pagkakakwento lang sakin eh hinimatay daw siya dahil sa OVER FATIGUE. Ayan kasi sabi ng huwag ng pumasok at magpahinga nalang sa bahay eh. Pasaway nga naman oh.
Naalala ko din ang napag usapan namin ni Maurice.
"kinabahan nga ako tita eh. >_< akala ko bumalik yung dati"
"anong dati?"
"hala di niya nakwento sayo? may sakit kasi siya tita nung bata pa siya. wag mong sasabihin na sinabi ko sayo ah. lagot ako dun eeh!"
"sige sige haha. anong sakit niya?" tanong ko naman sa kanya.
"sa puso. may sakit siya sa puso nung bata pa siya tas naoperahan na. pero sabi naman niya ayos na daw yun eh kasi naoperahan na. binabawal nga din sakanya yung basketball eh kaso ayun pinagbigyan nalang tas pinakiusapan nalang yung coach niya. buti nalang mabait yung coach. magaling si marco sa basketball kaso ayaw ng parents niya na mapagod siya ng todo lalo na na ganun ang health niya kahit pa sabihing naoperahan na daw" kwento niya sakin
Ngayon ko lang nalaman na nagkaroon pala siya ng ganung sakit. Blue baby? shet. Wag naman sana. Wag naman sanang bumalik yung sakit niya. Naoperahan na daw eh. Maayos naman siguro nun diba? Pero kailangan hindi niya abusuhin ang katawan niya
********
Sa ngayon naghihintay nalang ako ng balita galing kay Maurice. Nasa hospital pa daw siya hanggang ngayon eh. Bale nakakaisang araw na siyang naka confine sa hospital.
Ang hirap pala ng ganito. Gustong gusto kong lumipad para lang matignan yung lagay niya. Gusto ko siya alagaan kaso ang layo ko sakanya. Damn.
Medyo maggagabi na at nagtext na din sakin si Maurice na nakadating na ng hospital.
"gising na daw siya kaninang umaga tita trix kaso ayaw kumain eh >_< gusto na daw umuwi kaso di pa pwede" balita ni Maurice sakin.
Lesheng unggoy to isabit ko kaya siya sa puno ng mangga na puno ng mga hantik?!
Hindi ko na napigilan pa ang pagka inis dahil sa kapasawayan niya kaya naman tumawag na ko.
"hello pamangkin?"
"hello tita trix!! eto gising na boyfriend mo pero ayaw kumain oh!"
*hoy sumbungera!* rinig ko sa kabilang linya. Si Marco na yun panigurado.
"loudspeaker mo yan dali haha" sabi ko at sinunod naman niya.
"hoy unggoy kumain ka jan kung ayaw mong malagutan ng hininga! kaasar na napaka pasaway mo. isabit kaya kita sa puno ng patiwarik?! kumain ka jan pati na yung gamot kung meron itake mo at MAGPAHINGA KA!! tsaka konting tiis nalang ah? magpagaling ka tas makakauwi ka.din ok? wag kang pasaway! ako lang pwede ok? haha" Sunod sunod kong sabi.
"oh narinig mo yun? hahaha kain na daw uy!" rinig kong sabi ni Maurice na may halong pang aasar.
*oo na po pasalamat ka mahal kita.* narinig ko ulit sa kabilang linya.
BINABASA MO ANG
Til Death Do Us Part
Teen FictionMasarap ang mag mahal. Lalo na kung alam mong mahal ka din niya. Pero POSIBLE bang magmahalan ang dalawang taong HINDI PA NAGKITA NG PERSONAL KAHIT ISANG BESES LANG?