Til Death Do Us Part 5

259 5 7
                                    

"No portion of this story may be copied or reproduced in any form withoout the permission of the author.

Any copy of the chapters or the whole story of 'Til Death Do Us Part'  not bearing the name of the Author or the Author's permission in it is unauthorized and shall be considered as preceding fom an illegal source"

All Rights Reserved

Copyrights 2012

written by: Infinity08

-JEALOUSY-

Hindi naman sa iyakin ako pero sadyang ayaw lang talaga tumigil ng peste kong mata sa kakaluha.

Mawawalan ako ng kaibigan ng di ko napapansin.

Bago ako matulog (actually baka di ako malatulog hay buhay haha) ng gabing yun. Dalawang tao ang nakapag paiyak sakin. Yung isa mahal ko. Yung isa naman mahalaga siya sakin.

"pano ba yan taken ka na. wala na talaga akong pag asa sayo. lalayo muna ako ah. kailangan ko ng peace of mind haha. wag kang pasaway habang wala ako. pag nagkita tayo sa university isipin mong hindi mo ako kilala. pakiusap. salamat. mahal kita kaso di na pwede. bye!" text message ni Kenneth sakin

Waaaah ang haba ng hairlalu ko. Pero syempre joke lang. Anyare sa buhhay buhay?! :O Emeged naman oh.

Lumabas ako ng kwarto. Dumiretso ako sa fire exit. Di ko talaga mapigilan eh. Di ko mapigilang umiyak. Mawawalan ako ng kaibigan. Lalayuan daw ako ni Kenneth.

Nandito ako ngayon sa pinaka last step ng hagdan dito sa fire exit para di ako marinig ng mga ka-dorm ko. Ayokong makita nila akong umiiyak ng dahil lang dun.

Madaling araw na pero nasa fire.exit parin ako.

Napatingin ako sa phone ko. AUGUST 9 na pala. ibig sabihin nun. "August 8" ang magiging anniversary namin ni Marco pag nagkataon na seraeryosohin niya yung relasyon na to.

Pagkatapos kong i-mark ang calendar sa phone ko about dun sa august 8 eh nagtry akong mag online sa facebook.

Sabi ko naman kasi diba may FREE FB ang sun cell. Oh gusto niyo ng Free Fb? Try niyo mag sun! Libre lang! Mura pa ang sim haha mag e-endorse lang saglit :D

Pagka open ko sa account ko. Nakita ko kaagad ang status ni Marco. 15minutes ago palang. Ibig sabihin buhay pa este gising pa siya naka online sa fb.

Nag scroll down ako ulit hanggang sa nakita ko yung isa pa niyang status. Sakit sa bangs! infairness!

"Mahal ko naman siguro siya. Di ko siya iiwan. Pagod na ko" ayan ang status niya na nakita ko.

Sabi sa inyo ang sakit sa bangs eh!

May nakita akong comment. Comment ng isang babae na di ko kilala. Pero para siyang bata eh.

"pagod ka ng mahalin siya kuya?" tanong nung babae.

Naghintay ako ng sagot niya. Ang tagal ah malolowbatt na phone ko leshe.

Habang naghihintay ako ng sagot niya eh nagtingin tingin muna ako sa news feed ko. Nakakita ulit ako ng status ni Marco. Uso status ngayon? enebeyen! (--___--)

"tama naman siguro ginawa ko?" ayan yung status niya. TAMA NGA BA? aba malay ko. Siguro pag sumaya kami dun palang magiging tama ang mga desisyong ginawa niya.

Di ko na napigilan. Nagcomment na ko.

"Alam mo pag isipan mo ng mabuti yan tol. Ang CHOCOLATE nakakapag hintay yan. Matagal ang expiration date niya. Kaya sigurado akong makakapaghintay siya bago mo siya kainin este bilhin. Hahahahaha bleeeh! :p"

Pabiro pero may meaning. Tama naman eh. Makakapaghintay naman yung pagmamahal ko eh hahaha kaya wag sanang padalos dalos yung mga desisyon niya.

Hindi niya sinagot yung comment. Pano nga ba niya sasagutin eh wala naman tanong. Minsan talaga ang utak dapat ginagamit eh diba?

*vibraaaaate*

nagvibrate yung isa kong phone.

Nagtext pala siya. Sino pa nga ba?

"Bakit gising ka pa?" tanong niya sakin

"Di makatulog? obvious? haha joke"

"ah. may problema?"

Hindi naman siguro masama kung magsasabi ako diba?

Naikwento ko sa kanya yung tungkol kay Kenneth pero yung tungkol sa naiisip kong panakip butas lang ako eh hindi ko na sinabi pa. Baka lalong humaba ang usapan.

"wag ka ng lalapit dun ah" sabi niya sakin

"Bakit?" tanong ko naman. Ang hirap naman ata nun. Super close kaya kami ni Kenneth kahit pa sabihin niya pa na lalayo siya sakin.

"Basta. Matulog ka na. May pasok ba bukas." yun lang sinagot sakin. Aba naman nice talking talaga to. Che!

"Oo nalang. Goodnight!!!! ;)" sagot ko nalang

Hindi ko na inaasahan na magrereply siya. Kaya naman itinago ko na yung phone ko sa may bulsa at papasok na ko ng kwaro kaso...

*vibraaaaate*

Sino naman kaya tong nagtext na to? Anong oras na eh. Bulabog girl/boy! Tinignan ko kung sino. Si Marco.

"night. i love you"

Pwede naman sigurong kiligin? Perstaym eh hahaha :))

"night ulit tulog na bulabog boy" reply ko sa kanya

"wala man lang i love you? haha oo na"

Aba nakapag reply kaagad haha. Eeeeh teka kinikilig ako.

"i hate you. goodnight!!! :)"

Til Death Do Us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon