Til Death Do Us Part 4

262 6 10
                                    

"No portion of this story may be copied or reproduced in any form withoout the permission of the author.

Any copy of the chapters or the whole story of 'Til Death Do Us Part'  not bearing the name of the Author or the Author's permission in it is unauthorized and shall be considered as preceding fom an illegal source"

All Rights Reserved

Copyrights 2012

written by: Infinity08

-HINDI AKO IYAKIN-

*Ittry ko lang ang mobile upload na to hahaha.

Ang saya ko na parang kinakabahan. Hindi ko alam kung dahil ba sa alam kong magigibg panakip butas lang ako oh ano. May kakaiba kasi eh. Sobrang kakaiba.

*vibraaaate*

May nagtext after ng gm namin na yun. Maliban kay Marco may iba pang nagtext.

Puro "waaaah congrats!" "di nga?" "seryoso?!!!" ang mga nakikita kong reply nila. Pero may isang message na nakapagpakaba sakin. Yun ay ang message ni Kenneth. Isang kaibigan na kakilala ko personally at alam ang tungkol sa watty at fb life ko.

"kayo na?" message niya sakin

"oo haha" yan lang ang sagot ko sa kanya. Kinakabahan ako sa di ko malamang dahilan.

"ah. congrats" yun lang ang reply niya sakin.

lumalim na ang gabi pero kausap ko pa rin si Marco. Wala masaya lang kasi parang panaginip ang mga nangyare eh.

Yung taong nambasted sakin eh ngayon boyfriend ko na. Yun nga lang di parin naaalis sa isipan ko yung baka PANAKIP BUTAS lang ako.

Sinong hindi mababahala eh isa ako sa mga taong nakakita at nakakaalam kung gaano kamahal no Marco ang ex niya.

Hay bahala na si batman! Boom! joke lang si Darna nalang pala ang bahala tampo si batman sakin ngayon eh haha

May isa nanamang nakapagpakaba saakin. Isang message na ang nilalaman ay....

"CONGRATS. ALAGAAN MO SIYA :)" message ng Ex niya sakin.

Oo magkaibigan kami ng Ex niya. Ako pa nga ang tumutulong sakanila para magbalikan dati eh. Kinabahan ako kasi baka ang akalain niya eh NAGTAKSIL AKO BILANG KAIBIGAN NIYA.

Nagtaksil nga ata ako eh. Kasi alam ko naman kung sini talaga ang mahal ni Marco pero ginawa po rin tong kabobohan na to sa mundo.

Nagtaksil nga ba ang maitatawag sa isang taong gusto lang makasama ang nag iisang taong minahal niya sa tanang buhay niya?

Oooookay ang emo!!!! Bahala na talaga si Batman este si Darna pala.

Pagkatapos kong matanggap ang message ng Ex niya eh bigla nalang parang nawalan ng gana si Marco sa text. Halata naman kasi eh.

Yan na nga ba ang sinasabi ko. Affectes pa rin siya. Panigurado natanggap din niya yung message na yun.

Hindi ko kayang makipag usap sa isang taong walang gana. Sa taong nagpapanggap na masaya. KASI AKO LANG ANG PWEDENG MAGPANGGAP NA MASAYA..... KAHIT NATATAKOT AT NASASAKTAN AKO NGAYON.

Hindi ko na talaga kaya pang makipagusap muna sa kanya kaya naman nagpaalam nako.

"sige goodnight na ah. tulog na ko. pag isipan mong mabuti ang lahat lahat :) goodluck!" yan ang naitext ko sa kanya

ang tagal bago siya nakapag reply. Actually hindi pa talaga ako matutulog. Mag e-emote lang ako hahahaha HAY! ewan (--_--) pretender ka talaga sarili ko. Idol!

*vibraaaaate*

nagreply na siya....

"Good night! alam kong umiiyak ka. Wag mo ng isipin yun. Hindi kita iiwan. I love you"

Anak ng siopao na kalabaw. Sinong umiiyak? Hindi naman ako umiiyak wag siyang assuming.... hindi ako iyakin. Hindi....

Hindi naman kasi talaga ako iyakin eh. Kaso naiyak ako pagkatapos kong makita ang message NILA.

-mobile upload. sira ang laptop wooooh. kabanas

Til Death Do Us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon