Tumagal pa kami ng ilang oras dun talking about random things before we decided to leave. Lumalalim na kasi ang gabi at baka mamaya papagalitan na ako nila Mom and Dad. Mabuti nalang tinawagan ko na si Kuya para ipaalam sa kanya na pauwi na kami ni Cal ngayon.
"Malayo pa ba tayo Cal? Baka kasi mamaya papagalitan nako nila Mommy and Daddy." Sabi ko sa kanya.
"Pinaalam na kita sa kanila kanina." What the hell? Paano niya nakilala ang parents ko?
Tiningnan ko ulit siya. "Wait? How did you know my parents? Bakit ba ang dami mong alam saakin tas ako wala manlang alam sayo?"
Nag-kibit balikat lang ang gago. Hinayaan ko nalang siya at nagpatuloy nalang ako sa pagtingin sa labas ng bintana. Alam ko naman na madaming sources ang gagong to kaya di malayong alam na niya ang lahat tungkol sakin.
Naputol ang aking pag-iisip ng bigla nalang huminto ang sasakyan ni Cal. At nang tingnan ko siya, nagulat ako ng makita kong pulang-pula ang mga mata niya at lumalabas na ang matutulis niyang pangil. Agad gumapang ang kaba sa aking dibdib dahil sa nakikita ko. Is he going to kill me na? Gosh! Im not yet ready to die!
"What the hell are they doing here?" Cal said while looking outside the car.
Magsasalita pa sana ako ng bigla nalang may sumulpot sa harapan ng sasakyan. Hindi ko matukoy kung sino sila dahil nakasuot sila ng isa makapal na itim na jacket at itim na cap. Sino ba sila? "Don't go out in this car Synara okay?" sabi niya sabay kuha sa seatbealt niya."Who are they Cal? Are they your enemies?" pero imbes na sagutin ako, hinawakan niya lang ang magkabilang pisngi ko at hinalikan ako sa noo.
"I'll be back". sabi niya at lumabas ng sasakyan. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila dahil andito ako sa loob ng sasakyan. Gustong-gusto ko lumabas para malaman kung sino sila at ano ang kailangan nila sa amin. Baka ano ang gawin nila kay Cal. Alam ko naman na malakas yung gago na yun pero syimpre ayoko parin na masaktan siya.
Nagulat ako ng bigla nalang sumugod si Cal sa mga taong yun at hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari dahil bigla nalang bumukas ang pinto ng sasakyan at sumalubong saakin ang isang lalaki. Hindi ko masyado makita ang mukha niya dahil sa suot nitong Cap at mask. Pero parang pamilyar ang lalaking to na parang nakita o nakasama ko na siya.
Agad akong nagpumiglas sa kanya ng hinawakan niya ako. "Bitiwan mo nga ako! Ano bang kailangan niyo saakin?" Singhal ko sa kanya.
Pero ang pinagtataka ko, parang napipilitan lang siya sa ginagawa niya. Parang ayaw niya akong saktan. This guy is really strange.
"Sandali! Saan moko dadalhin?" nang hindi ako nakakakuha ng sagot sa kanya ay sumigaw ako para humingi ng tulong. "Cal! Help me!" sigaw ko at bigla niyang hinigpitan ang hawak sa kamay ko.
Hindi na niya natuloy ang pag kaladkad sa akin dahil bigla nalang lumitaw sa harapan naming si Cal na punit-punit at duguan niyang damit. Kinabahan ako dahil baka nasaktan siya o may sugat na siya. Meron ding dugo sa gilid ng labi niya at ganon parin ang kulay ng mata niya. Matutulis na din ang kanyang mga kuko.
"What do you think youre doing human?" sabi niya na. So hindi mga bampira ang kalaban naming kundi mga katulad kong tao. Pero ano naman ang dahilan kung bakit nila ito ginagawa?
Tatakbo na sana ako kay Cal ng bigla nalang pinulupot ng lalaking may hawak sa akin ang kamay niya sa leeg ko at tinutukan ako ng matalim na patalim. Domoble ang kaba na nararamdaman ko. Bakit ba nila ako dinadamay dito eh wala naman ako kasalanan sa kanila!"Bitawan mo nga ako! Ano ba kailangan niyo samin ha?!" singhal ko sa lalaking may hawak sakin. Dumating naman ang mga taong kalaban ni Cal. Napapalibutan na kami ngayon ng mga kalaban niya.
Dito na ba matatapos ang buhay ko? Totoo pala ang sinasabi nila na lahat ng saya na mararamdaman natin ay may kapalit na lungkot. Ang tanging gusto ko lang ngayon ay ang umuwi dahil baka nag alala na sila Mom and Dad sa'kin. Pero eto ako ngayon hawak ng isang lalaki na hindi kio kilala at walang kasiguraduhan kung mabubuhay pa ba ako o hindi.
"Sayo wala kaming kailangan, pero sa bampirang to meron. At dahil magkasama kayo ngayon damay kana. At parang special ka sa kanya huh?" Sabi ng isang lalaki na medyo malapit sa amin.
"Wala naman akong ginagawa sa inyo ah! Bakit niyo ako dinadamay?!" Sigaw ko sa lalaking nagsabi nun.
Bago pa makapagsalita ang lalaking yun, bigla nalang siyang natumba at naka hiwalay na ang ulo sa katawan niya. Agad akong napahawak sa bibig ko dahil sa nakita ko.
"Late na ba us? napatingin ako sa babaeng bagong dating kasama ang tatlo niya pang kasamahan." I think mga bampira din sila katulad ni Cal.
"I can handle this idiots alone, but not in front of Synara." Cal said. Hindi parin mawala-wala ang tingin niya sakin.
Napa-atras ang mga kalaban ni Cal sa pagdating nila, except sa lalaking may hawak sa akin. Parang hindi man lang siya nagulat.
"Sisihin mo si Audrey tol, kung saan-saan kasi galling. Kanina pa namin hinihintay." Sabi ng isa lalaki na kulay red ang buhok.
"Oh shut the fvck up Carson!" sabat sa kanya ng babaeng bampira na nag ngangalang Audrey.
"Excuse me? I think we should rip all their heads off." Sabi naman ng lalaking- Wait! Kambal ba ito ni Carson? Kasi parehong-pareho ang mukha nila. The only difference is that, Carson has red hair while that man has brown hair. Carson has also have a dimples!
"Yes beautiful lady, he's my twin. I am more handsome right?" Carson said while smiling at me, showing his dimples. Goodness, hes reading my mind!
Hindi na ako nakapagsalita pa dahil bigla nalang nawala sa harapan naming si Cal at inumpisahan na niyang talunin ang mga kalaban nila. Ganun din ang ginawa ng mga kasamahan niya.
Pero nakatakas ang lalaking may hawak sa akin kanina. Bago siya ay napahinto muna siya at tumingin sakin bago tumalikod at umalis. Do I know him? He's really familiar. Di rin nag tagal ay lumapit na din si Cal sakin. As soon as he reached me, he hugged me and cupped my face.
"God baby! Are you hurt?" he said.
'No Im fine. Ikaw? Nasaktan ka ba?" he shook his head and wipe the remaining blood on his lips.
Napabaling naman kami sa mga kasamahan niya dahil parang nasamid sila sa dami ng dugo na inininom nila.
"Oh Cal baka naman gusto mo kaming ipakilala sa babeng bumihag dyan sa bato mong puso?" Audrey said at natawa naman ang mga kasamahan neto.
"Tsk, Synara Louise Lacosta they're my friends." Tamad na sabi ni Cal.
Unang lumapit sa akin si Audrey at nag pakilala. "Hi! Im Audrey Callie MIiller, the most gorgeous vampire." Sabi niya sabay beso sa akin.
Sunod na lumapit ay si Carson. Pero bago pa siya makalapit ay agad tumikhim si Cal sa kanya kaya hindi na niya natuloy ang paglapit sa akin. "Carson Carter, Pinaka-gwapo at mabait na bampira." At nag wink pa talaga sa akin. Narinig ko naman ang mahinang pagmura ni Cal sa tabi ko.
"Bryson Carter, Carsons twin." Sabi ng kambal ni Carson. Kung si Carson ay masayahing bampira, kabaliktaran naman si Bryson.
At ang huling nagpakilala ang medyo tahimik din sa kanila. "Axel Kace Cohen, nice too meet you Synara." Sabi ng lalaking may itim na buhok. Masasabi kong tahimik nga ito pero ang lakas ng kamandag neto sa mga babae.
I smiled back to them. Oh my god! Napapalibutan ako ng mga magagandang nilalang!
YOU ARE READING
His Venomous Fangs (On-Going)
VampireBehind your precious smile is your Venomous Fangs