Chapter 14

0 0 0
                                    

Dedicated to: Joy Casipong

Ano ba kasi ginagawa ng mga bampira na yan dito? Sigurado akong gulo lang dala ng mga yan. Anyways, I dont care. If they want to study here then fine. Basta wag lang nilang sirain buhay ko. Inaya ko na si Kiara umalis. Ang gaga parang ayaw naman umalis. Ngayon lang ba to nakakita ng mga gwapong nilalang?

"Gaga tara na!" sabi ko kay Kiara. Para naman siyang natauhan kaya sumama na siya sakin.

Napalingon ako ng bigla niyang hinawakan yung kamay ko. Ano na naman problema neto. "Sino yung mga yun? Bakit ka nila kilala? Bakit ngayon ko lang sila nakita dito?" tanong niya agad sa akin. Gosh pano ko ba to sasabihin?

"Uhm ano. Kaibigan sila ni Cal kaya kilala na nila ako. Cal introduced me to them." Sagot ko sa mga tanong niya.

"Gosh bat ang gwapo nila sis? Lalo na yung Carson! Parang gusto ko agad siya. Pakilala mo naman ako oh! Parang di tayo magkaibigan ah!" aba hayop na to! Kaya pala parang umalis kanina eh may gusto na pala dun!

"Bahala ka nga sa buhay mo!"tinalikuran ko na siya at nagsimula nang maglakad.

Sumunod naman siya akin. Hanggang makarating kami sa cafeteria ay nagrereklamo pa din siya. Nag order na kami ng pagkain at agad umupo sa palagi naming puwesto. Nakailang subo palang ako ng mag tilian na naman ang mga estudyante dito sa cafeteria. Andito sila sigurado. Lumingon ako at hindi nga ako nagkakamali dahil lima silang pumasok sa Cafeteria.

Pinagpatuloy ko na ang pagkain ng may nagsalita sa harap ng table namin.

"Hi! Can I sit?"Nakangiting sabi ni Carson kay Kiara. Eto na sinasabi ko talaga. Mabilis na tumango si Kiara sa kanya. Sabi ko na nga ba eh! Agad namang tumabi si Carson sa kanya. Dumating din sila Cal at tumabi siya sakin.

Susubo na sana ako ng maramdaman kong nakatingin siya sakin. "What? May dumi ba ako sa mukha?" tanong ko

He smiled. Gosh ang gwapo talaga ng bampirang to! "No, I just can't help staring at your face." Agad naman akong nag iwas ng tingin sa kanya. He chuckled. Wala na! Hulog na hulog na talaga ako sa bampirang to!

"Kumain ka na nga dyan! Dami mo ding alam eh!" hindi na siya nagsalita at pinagpatuloy na ang pagkain.

Matapos kaming kumain ay hinatid nila kami ni Kiara sa room. Magkaklase naman siguro silang lima. Pagpasok sa room ay agad naman kaming inulan ng tanong ng mga chismosa kong kaklase.

"Synara? Nanliligaw ba si Cal sayo?" tanong ni Ina. Tumango lang ako sa kanya.

"Wow ang ganda mo naman po. Puwede bang aking nalang yung isa sakanila?" as if naman papatulan siya. Sigurado akong gagawin ka lang hapunan.

Naputol din ang chismisan nila ng dumating na si Sir at may pa surprise quiz. Agad naman nalukot ang mga mukha ng kaklase ko. Yan chismis pa! Bokya kayo ngayon. Natawa ako sa iniisip ko.

Ayoko ng gulo kaya pinipigilan ko ang sarili kong sagutin sila. Ayokong mapaaway. Kaya minsan sa isip ko nalang sila ginagantihan.

Nauna kaming natapos ni Kiara sa pagsasagot. Mabuti naman at nakapag aral tong isang to kung hindi pagtatawanan ko talaga siya pag bokya din siya.

Our classes end well. Maraming surprise quiz na naganap today. Nag meeting ba yung mga subject teachers namin? Bakit lahat sila may pa surprise quiz ngayon? Thank god at nakasagot naman ako  ng maayos. Ewan ko lang sa kaibigan kong to. Kapagod naman ng araw na to reklamo ni Kiara. Nagliligpit na kami ng gamit namin dahil uwian na.

"Mabuti at may naisagot ka." Sabi ko sa kanya.

"Wow ha! Nag aaral kaya ako ng mabuti." Sabi niya at lumabas na kami ng room. Tinawanan ko lang siya.

Nagulat ako ng makita ang limang bampira na naghihintay samin sa labas.

"Anong ginagawa niyo dito?" Agad kong tanong sakanila. Mukhang palagi ko na talaga silang makakasama.

"Gosh Synara! Syimpre hinihintay kayo!" Aubrey said and rolled her eyes.

"How's my baby?" tanong ni Cal habang naglalakad kami.

"Okay lang naman. Dami nga lang surprise quiz." Sabi ko sa kanya.

"Ihahatid na kita sa inyo." Tumango nalang ako kay Cal at kinuha ko yung phone ko para itext si Kuya na mauuna na ako sa kanya.

"Una na ako sayo sis." paalam ni Kia

"Ihahatid na kita." Said Carson

"Hala wag na okay lang." aba pabebe gusto din naman

"No, It's okay, I guess same route lang naman tayo?" Nakatingin lang ako kay Kiara at Carson. What the hell is happening? Bakit may pa hatid nang nalalaman tong lalaki na to? Tiningnan ko naman si Kiara. Ang gaga parang gustong-gusto naman. Pakipot lang. Hindi na siya tumutol kaya si Carson na ang humatid sa kanya.

"Una na din kami." Paalam ni Bryson at Axel

"Bye Synara! See you tomorrow!" masiglang paalam ni Aubrey.

Pumunta na kami ni Cal sa sasakyan niya. Isa isa nading umaalis yung kaibigan ni Cal at tig iisang sasakyan pa talaga ang mga to!

Pumasok na ako sa loo. Tahimik lang kami habang nag mamaneho siya. But I can see in my peripheral vision na paminsan minsan siyang tumitingin sakin. Problema ng bampirang to. Di rin nagtagal ay dumating na din kami sa bahay.

"Thanks for the ride Cal." Sabi ko sa kanya.

"Reply to my messages Louise." He kissed my forehead bago ako bumaba. Hinintay ko muna siyang makaalis bago pumasok sa bahay.


His Venomous Fangs (On-Going)Where stories live. Discover now