Chapter 8

6 2 5
                                    


Dedicated to Kiwie Miwi



Matapos ng sinabi ni Cal sakin ay hindi nako nag salita hanggang sa dumating kami sa bahay kagabi. Nagpasalamat lang ako sa kanya sa pag ligtas at paghatid niya sakin. Mabuti at hindi naman ako pinagalitan nila Mommy at Daddy dahil gabi nako nakauwi. Hindi ko naman pinansin si Kuya dahil nagtatampo padin ako sa ginawa niya sakin. Kung sana sinabi niyang hindi niya ako mahintay edi sana hindi nangyari to. Pero wala na naman akong magagawa dahil nangyari na. Kahit sisihin ko pa si Kuya.

Pumasok kami ng school ng hindi ko siya pinapansin. Pagdating namin sa school agad akong bumaba at pumuntang room. Alam ko naman na mawawala din tung tampo ko sa kanya. Hindi ko din siya matiis minsan. Hindi ako makapaniwala na pagpasok ko ay pagmumukha agad ni Kiara ang nakita ko. Bat ang aga niya ngayon? Himala ata ah. Ano kayang uri ng kaluluwa ang sumanib sa kanya at maaga siyang pumasok ngayon?

"Ang aga mo yata ngayon ah? Bagong buhay te?" tanong ko sakanya pagkaupo ko.

Agad naman kumunot ang noo niya sakin. "Palagi naman akong maaga pumasok ah!" sagot naman niya sakin.

Di na ako nakasagot sa kanya dahil dumating ang guro namin. Mabilis natapos ang klase dahil nag pa quiz lang naman ang guro namin. Pumunta na kaming cafeteria ni Kiara para kumain. Pagpasok namin, siya na ang omorder ng kakaininin namin. Pumunta naman ako sa mesang palagi naming kinakainan. Kakaupo ko palang na biglang nag vibrate yung phone ko. Kinuha ko yun at agad kumunot ang noo ko.

From: Unknown number

Im watching you baby.

What the? At sino naman to? I look around inside the cafeteria but theyre all busy with their own businesses.

To: Unknown number

Who are you?

Hindi na siya nag reply kaya hinayaan ko na. Sino naman kaya yun? Wala naman akong binigyan ng number ko eh. Unless. Agad ko tiningnan si Kiara na papalapit na sa table namin na dala ang order namin.

"Ano na namam problema mong babae ka? Bat ganyan ka naman makatingin sakin?"

Tiningnan ko ulit siya bago magsalita. "May binigyan ka ba ng number ko?" may halong pagbabanta kong tanong sakanya.

Umiling siya sakin. "Wala nu! Sino naman sa tingin mo bibigyan ko?" tanong niya sakin. Pero duda talaga ako eh! Siya lang binigyan ko ng number ko.

"Someone texted me." Sabay pakita ko sakanya ng nag text sakin.

"Omg girl! May admirer kana pala! At baby pa talaga tawag sayo ha! Mygosh dalaga na si Synara!" sabi niya sakin sabay hampas sa braso ko. Tsk! Kita mo to! Siya pa mananakit! Patay ka sakin Kiara pag nalaman kong ikaw nagbigay.

Pinagpatuloy na namin ang pag kain. Pero di parin mawala sa isipan ko kung sino yun, at bakit may baby pa siyang nalalaman? Tinapos na namin ni Kiara ang aming kinakain at bumalik na sa room. Habang naglalakad kami, bigla nalang sumulpot si Alyana sa aming harapan na parang ano mang oras ay bubuga na ng apoy.

Mabilis ang pangyayari at hindi ko inaasahan ang ginawa niyang pag hablot sa buhok ko.

"You bitch! Malandi ka! Pati ba naman si Cal aagawin mo sakin?! Di ka ba marunong maghanap ng iba?!" singhal niya sakin habang hawak parin ang buhok ko.

"Ano bang problema mo?! Isaksak mo na yan sa baga mo si Cal! At bakit ko naman siya aagawin sayo!"

Hindi niya parin binibitawan ang buhok ko. Dumami narin ang mga taong nanonood. Wala ba talagang aawat sa babaeng to?

"Bitawan mo nga siya! Ano bang problema mo Alyana? Hindi niya nilalandi si Cal! Iyong iyo na yang boyfriend mo!" sabi ni Kiara habang inaawat kami.

"Stop it Alyana." Lahat kami ay napalingon sa malamig na boses na yun. It was Cal standing in front of us while his hands is inside his pockets. Tsk. Kung hindi dahil sa kanya di ako susugudin ni Alyana dito.

Agad naman akong binitawan ni Alyana at ma dramang pumunta kay Cal. Ang arte talaga ng babaeng to!

"Babe! Its good that youre here. Can you tell Synara to stay away from you Babe?" sabi neto kay Cal.

Tiningnan muna siya ni Cal at kinalas ang pagka kapit ni Alyana sa kanya. "What are you talking about Alyana? You're not my girlfriend." Malamig na sabi neto kay Alyana.

Nalalaglag ang balikat ni Alyana sakanyang narinig. Kahit na inaaway niya ako palagi, di ko parin maiwasan masaktan para sa kanya. Napahiya siya dahil sa sinabi ni Cal kaya agad siyang tumalikod at tumakbo habang umiiyak. Unti unti naring umaalis ang mga estudyante. Tsk ang mga chismosa talaga ng mga to.

Inayos ko naman ang aking sarili habang papalapit si Cal samin. "Are you hurt?" he asked. Inangat ko naman ang paningin ko sa kanya. Oo gwapo siya pero peste pa din siya.

"Tingin mo?" sabi ko sabay irap. Siya kaya sabunuhtan ko at tanungin kuhng nasaktan siya? Nagulat ako ng kinuha niya ang kamay kong inaayos ang buhok ko at siya na mismo ang nag ayos neto.

I suddenly felt something in my stomach. Shit ano to? Ang gaan sa pakiramdam habang inaayos niya ang pagkakagulo ng buhok ko. Huminto lamang siya na may biglang nagsalita sa tabi namin. Shocks! I forgot, were blocking the way!

"Uhm, Sy? Baka naman mamaya na yan? Mahuhuli na kasi tayo." Bulong ni Kiara sakin na halata namang pinaparinggan niya si Cal. Napaatras naman ako ng marealize ko kung ano ang ginagawa niya sakin.

He look me in my eyes. Those captivating eyes of him, I really loved them. Mga mata niyang talagang a-akit sa hindi lamang iisang babae kundi sa napakaraming babae. No doubt Alyana fall for him.

"I dont wanna see you hurt again Baby, not in front of my eyes." I felt my cheeks slowly heat up by what he said to me.


His Venomous Fangs (On-Going)Where stories live. Discover now