Pasalamat talaga si Kia at dumating agad si Sir kung hindi talaga baka nakalbo ko na s'ya! Ang lakas talaga ng trip ng isang 'to. Agad din naputol ang pagtuturo ni sir ng may biglang tumawag sa kanya.
"I'm so sorry class but we have an urgent meeting. Read your notes and I'll give a quiz tomorrow about our topic today." Mukhang nasa panig ko ang universe ah! Patay ka ngayon sa'kin Kia. Nang lumabas si Sir ay agad kong nilingon si Kia at tiningnan ng masama. Hindi na ako nag aksaya ng panahon at sinabunutan ko na ang bruha.
"Gago ka! Pag nasira yung buhok ko ikaw talaga kakalbohin ko!". Sigaw neto sa'kin.
"Ayusin mo din kasi desisyon mo sa buhay! Pano kung may nakarinig sa sinabi mo?! Nakakadiri ka talaga hayop ka!" naiinis ko saad sa kanya.
Wala talagang preno ang bibig neto.
"Totoo naman eh! Sis sayang 'yun! Di ka manlang nabigyan ng pagkakataong masilip? Hmm vampire size?" sabi n'ya at tumawa ng napakalakas. Napatingin tuloy mga kaklase namin.
"Ang bastos mo Kia! Eww dun ka nga!"
"Wow? Feeling inosente ka sis?" 'di talaga ako neto titigilan. Hindi ko na ulit s'ya pinansin at lumabas na ako ng room.
Pupunta na lang ako sa library para magbasa. This past few days library was my safe place here in school. Walang ingay at nakakapag aral pa ako ng mabuti. Pagpasok ko ay naghanap na ako ng bakanteng puwesto. Nanghiram na din ako ng libro. Ang problema lang talaga dito ay yung masungit na librarian. Parang pasan n'ya lagi yung mundo eh!
Nasa kalagitnaan na ako ng pagbabasa ko ng may biglang umupo sa harapan ko.
Aubrey? Anong ginagawa n'ya dito? Parang hindi naman 'to mahilig magbasa.
"Hi? Can we talk?" bungad neto sa'kin.
Nag angat ako ng tingin. "Tungkol saan?" ano naman ang pag uusapan namin.
"He has a reason Sy. Just trust him."
"What are you talking about?"
"Cal, he loves you." Sabi neto. Bakit n'ya naman nasabi 'to? S'ya ba yung kaibigan n'ya? Eh hindi nga n'ya ako kinausap pagkatapos n'ya akong iwan eh.
"Nagpapatawa ka ba Aubrey? Ako mahal n'ya?" natatawa kong tanong sa kanya.
"Hindi ako nagbibiro Synara. Maiintindihan mo din lahat ng ginagawa n'ya." Sabi n'ya bago ako iwan.
Ba't ko pa iintindihin? Iniwan at pinagpalit na nga ako eh. Sasaktan ko lang ang sarili ko kung patuloy ko parin s'yang mamahalin. Kung ano man ang gustong ipahiwatig ni Aubrey, wala na akong pakealam dun. Magsama sila ng kaibigan n'ya! Lumabas na ako ng library dahil malapit na din naman mag uwian. Mas mabuti pang uuwi nalang ako at matulog. Nakakapagod talaga ang araw na 'to.
Asan na ba si Kia?
Bumalik muna ako sa room para hanapin si Kia pero bigo ako dahil wala na ang babae dun. Saan kaya s'ya nagpunta? Sabi pa naman n'ya kanina sabay kaming uuwi. Naglakad-lakad pa kami at saktong nakasalubong ko si Rose na kaklase namin.
"Rose! Nakita mo ba si Kia?" tanong ko sa kanya.
"Ang alam ko maaga s'yang lumabas kanina sa room at 'di na nakabalik." Sabi neto at umalis na.
Saan naman s'ya puwedeng pumunta? Umuwi na ba s'ya? Pero 'di 'yun uuwi kasi may napag usapan kami na sabay kami dahil pupunta din kami ng mall ngayon at may bibilhin daw s'ya dun. Baka naman nauna na s'ya dun. I tried to call her number pero out of coverage naman. Saan ba nag punta ang babae yung! Bahala na nga. Baka may emergency sakanila kaya 'di na nakapag paalam sa akin.
Lumabas nalang ako at inintay si Kuya. Habang hinihintay s'ya ay nagulat ako ng biglang may humintong van sa harap ko. May mga armadong lalki ang lumabas at agad nila akong isinakay doon.
"Bitawan n'yoko! Anong kailangan n'yo sakin!" sigaw ko sa daawang lalaking may hawak sa akin.
Ginapos nila ang dalawa kong kamay at nilagyan nila ng panyo ang bibig ko at may naamoy ako dito na naging dahilan ng pagkahilo at unti unting pagdilim ng paningin ko. Pero bago ko pa tuluyang maisara ang mata ko ay may narinig ako.
"My beautiful granddaughter." Boses ng isang matandang lalaki.
No.
Nagising ako na nakatali ang dalawang kamay at may tape ang bibig. Agad kong inilibot ang paningin ko kahit medyo nahihilo pa ako.
Nasaan ako?
Parang nasa isang abandonadong gusali ako ngayon. Madalim at nakakatakot. Marami ding sirang bagay ang nasa paligid ko.
Anong ginagawa ko sa lugar na 'to?
Umupo ako ng maayos nang may nakita akong papalapit sa akin. Marami sila at lahat ay may bitbit na kakaibang armas. Pero napako ang tingin ko sa isang matandang lalaking na nasa gitna. Sana nananaginip lang ako ngayon.
S'ya ba ang lolo namin?
"How's your sleep young lady?" tanong neto sa'kin at agad tinanggal ng tauhan n'ya ang tape sa bibig ko.
Hindi ko s'ya sinagot sa halip ay tiningnan ko lang s'ya ng masama.
"Hindi ka ba masaya na makita si lolo?" malungkot na sabi neto.
"Nasaan ako? Anong kailangan mo sa'kin?"
"Maging isa ka sa amin apo. Tuturuan kita paano maging isang magaling na hunter. Uubusin natin ang lahi nila apo. Hindi sila nababagay sa mundo natin." Sabi neto sa akin.
"Ayoko! Ayokong maging katulad n'yo! Pakawalan n'yo na ako dito! Gusto ko nang umuwi!" sigaw ko sa kanya. Agad sumama ang tingin n'ya.
"Alam kong may namamagitan sa inyo ng bampirang 'yun apo. Tutulungan kita para makipag higanti sa kanya."
"Hindi ko alam ang sinasabi n'yo! Ayokong maging isang katulad n'yo!" kahit anong mangyari hinding-hindi ko papangarapin maging isang katulad n'ya!
"Anak ka ng ama mo. Pareho kayong matigas ang ulo."
"Wag mong idamay si daddy dito! Hindi ka naman naging mabuting ama sa kanya!" hindi na ako nagulat ng bigla n'ya akong sinampal. Hindi ko na napigilang umiyak dahil sa malakas n'yang sampal.
"Bagay lang 'yan sayo. Hindi ka ata napalaki ng maayos ng ama mo."
Tiningnan ko lang s'ya ng masama. Wala naman akong magagawa ngayon kundi ang umiyak. Hindi ko sila kayang labanan. Pero pinapangako sa sarili kong hindi ako magiging katulad nila.
"Wag kang mag alala apo. Merong regalo sa'yo si lolo." Pagkatapos iyon sabihin ng matanda ay may biglang linabas ang mga tauhan n'ya.
Huminto ang mundo ko ng makita kung sino 'yun.
"K-Kiara?"
YOU ARE READING
His Venomous Fangs (On-Going)
VampireBehind your precious smile is your Venomous Fangs